Random variable
Sa probabilidad at estadistika, ang isang random variable o stochastic variable ay isang variable na ang halaga ay sumasailalim sa mga bariasyon o pagkakaiba dahil sa tsansa. Taliwas sa ibang mga variable sa matematika, ito ay walang isang nakatakdang halaga ngunit maaaring kumuha ng isang hanay ng mga posibleng magkakaibang halaga na ang bawat isa ay may nauugnay na probabilidad.
Ang isang random variable ay isang may halagang real na punsiyon na nagmamapa mula sa domain na espasyong sampol na Ω sa range nito. Ang mga random variable ay mauuri bilang diskreto o tuloy-tuloy. Ang punsiyon na naglalarawan ng mga posibleng halaga ng isang random variable at mga nauugnay na probabilidad dito ay kilala bilang distribusyong probabilidad. Ang mga realisasyon ng isang random variable na mga resulta ng random na pagpili ng mga halaga ayon sa distribusyong probabilidad ng variable ay tinatawag na mga random variate.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.