Rebelyon ni Dagohoy

Ang rebelyon na pinamunuan ni Francisco Dagohoy ay ang pinakamatagal na himaksikan sa kasaysayan ng Pilipinas.[1] Ito ay tumagal ng walongpu at limang (85) taon na nagsimula noong Hulyo 4, 1744 at natapos noong Agosto 31, 1829. [1][2][3][4]

Francisco Dagohoy

Pinagsimulan ng rebolusyon

baguhin

Nagsimula ang pag-aalsa ni Dagohoy nang tanggihan ng kura paroko na si Padre Gaspar Morales na bigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid na namatay dahil sa pagsunod sa utos ng kura.[5][3] Naiwang nabulok nang tatlong araw ang bangkay ng kanyang kapatid.[2] Dahil dito ay hinikayat niya ang mga mamamayan ng Bohol na lumaban sa mga Espanyol.[3] Kasama ang 3,000 na mga lalaki at babae ay umakyat sila sa mga bundok sa pagitan ng Talibon at Inabangan at nagtatag ng isang malayang pamayanan na malayo sa awtoridad na Espanyol.[3][5]

Pinakamatagal na himagsikan

baguhin

Inabot ang pag-aalsa ni Dagohoy ng walongpu at limang (85) taon simula 1744.[3]

Lumaki ang pamayanan na itinatag ni Dagohoy sa bundok dahil patuloy ang pagsapi sa kanila ng mga tao para iwasan ang malupit na pamamalakad ng mga Espanyol.[5]

Sinalakay nina Dagohoy ang mga bayan sa kapatagan at inatake ang mga garison ng mga Espanyol.[3] Pinagnakawan nila ang mga simbahan at pinaslang ang mga Espanyol at mga Heswitang pari.[3] Napatay nila si Padre Giuseppe Lamberti na Heswita at kura paroko ng Jagna noong Enero 24, 1746.[3] Pagkatapos ay napaslang nila si Padre Morales.[5]

Nagpadala ng ekspedisyon ang gobernador heneral na si Obispo Juan de Arrechedera ng Maynila sa Bohol subalit ito'y nilaban nina Dagohoy.[3] Sinubok din payapain ni Obispo Miguel Lino de Espeleta ng Cebu ang pangkat ni Dagohoy subalit ito'y hindi pinakinggan ni Dagohoy.[3]

Katapusan ng rebolusyon

baguhin

Nagpadala ng ekspedisyon ang Gobernador Heneral na si Mariano Ricafort noong Mayo 1827 na binubuo ng 1,100 na mga Espanyol mula sa Maynila at 6,024 na katutubong galing nga Bohol at Cebu subalit ang mga ito'y natalo ng pangkat ni Dagohoy.[3] Nagpadala ulit siya ng isa pang grupo ng mga militar noong Abril 1828. Sa pagkakataong ito ay natalo ng pangkat ni Ricafort ang grupo ni Dagohoy.[3]

Natapos ang rebolusyon ni Dagohoy noong Agosto 31, 1829 noong pinatawad ni Ricafort ang 19,420 na mga nakaligtas at hinayaan ang mga ito na mabuhay.[3][5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Parrocha, Azer (Setyembre 26, 2019). "Duterte declares July 4 as Francisco Dagohoy Day". Philippine News Agency. Republic of the Philippines. Nakuha noong Disyembre 20, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Dagohoy Revolution: Things you may not know (PART 2)". The Bohol Chronicle (sa wikang Ingles). 2020-11-06. Nakuha noong 2023-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 3.10 3.11 3.12 Palafox, Quennie Ann J. (Setyembre 6, 2012). "The Vision of Francisco Dagohoy". National Historical Commission of the Philippines. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 3, 2021. Nakuha noong Disyembre 20, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Tubianosa, Dionisio P. (16 Marso 2015). "July 4th of each year as Francisco Dagohoy Day". House of Representatives. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-20. Nakuha noong 2023-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Halili, Maria Christine N. (2004). Philippine History. Rex Book Store.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)