Ang refrigerant (Ingles, maaring tawagin sa Tagalog bilang "nagpapalamaig") ay mga likidong ginagamit sa paglipat ng enerhiya galing sa init na mayroong mababang temperatura mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar. Iba pang pangalan na maaaring tumukoy sa refrigerants ay mga antifreeze at brine. Ang mga ito ay karaniwang ginagamit sa mga sistemang nagpapalamig gaya ng mga aircon at refrigerator.

Ang karaniwang uri ng mga refrigerant ay mga flourinated hydrocarbon ngunit maari din ang ilang mga hindi organikong kompuwesto at ilang mga hydrocarbon.

Mga grupo

baguhin
Mga kompuwestong halocarbon
Ang grupo ng mga halocarbon ay binubuo ng mga refrigerant na nagtataglay ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na mga halogen, ang chlorine, flourine at bromine. Ilan sa mga refrigerant na kabilang sa grupong ito ay ang trichloromonofluoromethane (CCl3F), dichlorodifluoromethane (CCl2F2), monochlorotrifluoromethane (CClF3), methyl chloride (CH3Cl) at iba pa.
Mga kompuwestong inorganiko
Ang mga refrigerant sa grupong ito ay ginagamit na noong unang panahon pa at hanggang ngayon ay sikat pa din sa kanilang pagiging refrigerant. Ilan sa mga kabilang sa grupong ito ay ang amonya (NH3), tubig (H2O), hangin, carbon dioxide (CO2) at sulfur dioxide (SO2).
Mga hydrocarbon
Ang mga refrigerant na kabilang sa grupong ito ay karaniwang ginagamit sa industriya ng petrokemikal at sa pagseserbisyo sa petrolyo. Ilan sa mga halimbawa ng refrigerant sa grupong ito ay ang methane (CH4), ethane (C2H6) at propane (C3H8).
Azeotropes
Ang mga refrigerant na kabilang sa grupong ito ay mga pinaghalo o pinagsamang dalawang sustansya. Ang pinagsamang dalawang sustansya na ito ay tinatawag nating mga azeotrop kung saan ang mga bahagi nito na bumubuo sa dalawang orihinal na substansya nito ay hindi mapaghihiwalay ng proseso ng distilasyon. Ang isang azeotrope ay sumisingaw at lumalapot bilang isang sustansya lamang na mayroon ng iba at bagong mga katangian na naiiba sa mga katangian ng dalawang orihinal na bumubuo dito. Ang isa sa mga pinakasikat halimbawa nito ay ang refrigerant 502 na pinaghalong refrigerant 22 at refrigerant 115. Kung saan ang komposisyon ng refrigerant 22 ay apatnapu't walong porsyento at limampu't dalawang porsyento naman para sa refrigerant 115.