Regina Coeli
Ang Regina Cœlio Regina Cæli (sa Tagalog ay "O Reyna ng Langit") ay isang sinaunang awiting Latin para sa Birhen Maria sa Simbahang Katolika.
Isa ito sa apat na antipona sa Birhen Maria, na ipinapaawit o ibinibigkas sa Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon sa pagtatapós ng huling panalangin nang naturang araw o sa gabi. Sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay, mula Sabado de Gloria hanggang Sabado matapos ang Pentekostes, iniaawit ang Regina Coeli kapalit ng Orasyon.
Etimolohiya
baguhinGaya ng iba pang panalanging Katoliko, hinango ang titulo nito mula sa mga unang salita nito. Ang salitang Latin na coelum, na ibig-sabihin ay "langit" ay karaniwang sinaunang baybay ng salitang caelum, na siyang tanging anyo sa Klasikong Latin. Sa medyebal na Latin, ang ae at oe ay kapwa binibigkas na [eː]; ang anyo nito ay naimpluwensiyahan ng isang kaduda-dudang etimolohiya mula sa Griyegong salita na koilos, "ampaw".
Kasaysayan
baguhinKahit walang nakaaalam ng may-akda ng Regina Caeli, nabatid naman ito'y mula pa noong ika-12 siglo. Ginagamit na ito ng mga Franciscano, matapos ang Panalangin sa Pagtulog, sa unang bahagi ng sumunod na siglo. Ayon sa Tradisyong Katoliko, nakarinig umano ng mga tinig ng anghel si San Gregoriong Dakila na inaawit ang unang tatlong linya, noong panahon ng Pasko ng Pagkabuhay sa Roma, habang siya'y nakayapak na sumusunod sa isang dakilang prusisyon ng imahen ng Birhen Maria na ipininta ni Lucas ang Ebanghelista. Dahil dito, nahikayat siya umano na idagdag ang ikaapat nitong linya.[1]
Tektso
baguhinLatin
baguhin- V: Regina cæli, lætare, alleluia:
- R. Quia quem meruisti portare, alleluia,
- V: Resurrexit, sicut dixit, alleluia,
- R. Ora pro nobis Deum, alleluia.
- V: Gaude et lætare, Virgo Maria, alleluia.
- R. Quia surrexit Dominus vere, alleluia.
Oremus.
Deus, qui per resurrectionem Filii tui, Domini nostri Iesu Christi,
mundum lætificare dignatus es:
præsta, quæsumus, ut per eius Genitricem Virginem Mariam,
perpetuæ capiamus gaudia vitæ.
Per eundem Christum Dominum nostrum. Amen.
Tagalog
baguhin- V. O Reyna ng Langit, magalak ka. Aleluya!
- R. Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan. Aleluya!
- V. Ay nabuhay na mag-uli na gaya ng kanyang sinabi. Aleluya!
- R. Ipanalangin mo kami sa Diyos, Aleluya.
- V. Matuwa ka at magalak, O Birheng Maria, Aleluya!
- R. Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Aleluya!
Manalangin Tayo:
Ama naming makapangyarihan, niloob mong lumigaya ang buong mundo
sa pagkabuhay ng iyong Anak na Panginoon naming Hesukristo.
Alang-alang kay Mariang Birheng Ina ng Diyos,
ipagkaloob mong makamtan namin ang galak ng buhay na ‘di matatapos.
Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Regina Coeli " ng en.wikipedia. |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Regina Coeli". The Marian Library/International Marian Research Institute. 2013-02-27. Nakuha noong 2013-04-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)