Rehiyon ng Hong Kong at Macau
Ang Rehiyon ng Hong Kong at Macau (Tsino: 港澳地區, Pinyin: Gǎng'ào Dìqū, Jyutping: Gong2 Ou3 Dei6 Keoi1) ay kolektibong tawag sa dalawang natatanging administratibong rehiyon ng Pangmadlang Republika ng Tsina -- ang Hong Kong at Macau. Ang dalawang rehiyon ay may layong halos 63 kilometro mula sa isa't isa, sa pagitan ng estuary ng Ilog Perlas (Pearl River). Ngunit dahil sa pa rin sa pagkakalapit nito (lokasyong heograpiko) sa isa't isa, kadalasang mayroong pagkakapareho ang kasaysayan at kalinangan ng dalawa.
Sa makabagong panahon, ang dalawang lugar ay naging kolonya ng Britanya (Hong Kong) at Portugal (Macau). Ayon sa Magkasanabi na Deklarasyong Sino-Britaniko at Magkasanabi na Deklarasyong Sino-Portuges inilipat ang soberanya ng dalawang respektibong rehiyon sa Tsina noong 1997 (Hong Kong) at 1999 (Macau). Pinagtibay ang ideolohiyang "Isang Bansa, Dalawang Sistema". Kaya naman, sistemang kapitalismo ang umiiral sa dalawang rehiyon na ibang iba sa sistemang sosyalista ng kontinental na Tsina.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.