Resistensiya sa antibiyotiko

Ang resistensiya sa antibiyotiko o pagiging hindi tinatablan ng antibiotiko (Ingles: antibiotic resistance) ay isang uri ng resistensiya sa droga kung saan ang isang mikroorganismo ay may kakayahang magpatuloy(survive) pagkatabos ng pagkakalantad sa antibiotiko. Bagaman ang isang spontaneyosong(nangyayari ng walang panlabas na dahilan) o pinukaw na henetikong mutasyon sa bacteria ay maaring magbigay ng resistensiya sa mga drogang antimikrobyal, ang mga gene na nagbibigay ng resistensiya ay maaaring mailipat sa pagitan ng mga bacteria sa isang horisontal na paraan sa pamamagitan ng konhugasyon, transduksiyon at transpormasyon. Kaya ang isang gene para sa resistensiya na nag-ebolb sa pamamagitan ng natural na seleksiyon ay maaaring mapagsaluhan. Ang mga stress na pang-ebolusyon gaya ng pagkakalantad sa mga antibiotiko ay pumipili naman para sa katangiang resistensiya sa antibiotiko. Marami sa mga gene ng resistensiya sa antibiotiko ay nananahan sa mga plasmid na nagpapadali sa paglipat nito. Kapag ang isang bacterium ay nagdadala ng ilang mga gene ng resistensiya sa antibiotiko, ito ay tinatawag na hindi tinatablan ng maraming droga(multidrug resistant) o isang superbug o super bacterium.

Tingnan din

baguhin