Reynang reynante

(Idinirekta mula sa Reynang Reynante)

Ang isang reynang reynante ay isang babaeng monarko, katumbas sa ranggo at titulo sa isang hari, na namamayani sa kanyang sariling karapatan sa isang lupain na kilala bilang isang "kaharian"; taliwas sa isang reynang konsorte, na asawa ng isang naghaharing hari; o sa isang reynang rehente, na ang tagapag-alaga ng isang batang monarko at namamayani ng pansamantala sa halip ng sa bata, maging de jure ito sa pagbabahagi ng kapangyarihan, o de facto sa pamamamayani sa sariling lamang. Isang prinsesang reynante ang isang babae na namamayani sa kanyang sariling karapatan sa isang prisipalidad; isang emperatris reynante ang isang babaeng monarko sa kanyang sariling karapatan sa isang "imperyo".

Hawak at pinapatupad ng isang reynang reynante ang soberanong kapangyarihan, samantalang binabahagi ng isang reynang konsorte ang ranggo at mga titulo ng kanyang esposo at/o anak subalit hindi binabahagi ang soberanya ng kanyang esposo o anak. Tradisyunal na hindi binabahagi sa asawa o anak ng isang reynang reynante ang ranggo, titulo o soberanya. Bagaman, ang konsepto ng isang haring konserte o prinsipeng konserte ay hindi malayong mangyari sa parehong kontemporaryo at klasikong panahon.

Ang isang reynang biyuda o emperatris biyuda ay isang biyuda ng isang hari o emperador; ang isang inang reyna ay isang reynang biyuda na ina rin ng isang naghaharing soberano.

Kasaysayan

baguhin

Noong huling ika-20 at maagang ika-21 dantaon, binago ng Sweden, Norway, Belgium, ang Netherlands, Denmark, Luxembourg[1] at ang Reino Unido[2] ang kanilang mga batas sa paghalili sa ganap na primohenitura (kung saan ang mga ang anak ng isang monarko o pinuno ay humahalili sa pamamagitan ng pagkakasunod-sunod ng pagsilang mula panganay hanggang bunso hindi alintana ang kasarian). Sa ilang mga kaso, hindi nagkakabisa ang pagbabago sa nabubuhay na mga indibidiwual na nasa linya ng paghalili noong panahon na naipasa ang batas.

Noong 2011, sumang-ayon ang Reino Unido at ibang 15 lupaing Komonwelt sa pagtatangal ng patakaran ng primohenitura na pinapaboran ang lalaki. Nang naipasa ang kinakailangang lehislasyon, nangangahulugan ito na kung nagkaroon ng babeng panganay si Prinsipe William, ang mas batang anak na lalaki ay hindi magiging maliwanag na tagapagmana.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Overturning centuries of royal rules". BBC News (sa wikang Ingles).
  2. "New rules on royal succession come into force". BBC News (sa wikang Ingles).
  3. Bloxham, Andy (28 Oktubre 2011). "Centuries-old rule of primogeniture in Royal Family scrapped". Telegraph (sa wikang Ingles). London. Nakuha noong 2011-12-31.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)