Rico J. Puno

(Idinirekta mula sa Rico Puno)

Si Enrico de Jesus Puno (13 Pebrero 1953 – 30 Oktubre 2018), mas kilala bilang Rico J. Puno, ay isang sikat na Pilipinong mang-aawit, television host, aktor, komedyante at pulitiko. Kinikilala bilang tagapanimula-at-tagapagtaguyod ng mga orihinal na musikang Pilipino. Siya ang nagsimula ng gawi sa pagkahahalo ng mga panitik na Tagalog sa kaniyang rendisyon ng Amerikanong awiting "The Way We Were" at iba pang mga banyagang awitin. Kilala rin bilang Rico J. at bilang The Total Entertainer, isang manganganta si Puno na palagiang sinasaliwan ng kaniyang mga pagtatanghal ng pagpapatawa at mga biro.[2] Madalas din siyang masabit sa mga biro nyang may halong kautogan, sikat din siyang tirador ng mga babae nung kabataan.[kailangan ng sanggunian] Kung kanta ang pag uusapan at pag awit, tatak pinoy na siya na di na mabubura ng kasaysayan.

Rico J. Puno
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakEnrico de Jesus Puno
Kapanganakan13 Pebrero 1953(1953-02-13)
Maynila, Pilipinas
Kamatayan30 Oktobre 2018(2018-10-30) (edad 65)
Taguig, Pilipinas
GenreManila sound
InstrumentoVocals
Taong aktibo1975–2018
Konsehal ng Makati mula sa ika-1 Distrito
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2016 – Oktubre 30, 2018
Nasa puwesto
Hunyo 30, 1998 – Hunyo 30, 2007
Personal na detalye
HimlayanThe Heritage Park, Taguig
KabansaanFilipino
Partidong pampolitikaUna Ang Makati (2018)
UNA (2015–2018)
PDP–Laban (bago 2015)
AsawaDoris P. Tayag (k. 1981)
AnakTosca Camille, Rio, 3 iba pa[1]
TahananMakati
Alma materPhilippine School of Business Administration (BA)
TrabahoPulitiko, businessman, entrepreneur, komedyante, TV host
PropesyonMang-aawit, aktor

Diskograpiya

baguhin

Mga album na istudiyo

baguhin
  • The Way We Were (1976)
  • Rico J. Puno (1976)[3]
  • Spirit of Christmas (1976)[4]
  • Rico Baby (1977)
  • The Total Entertainer (1977)
  • Tatak (1978)
  • Macho Gwapito (1979)
  • Diyos ang Pag-ibig (1980)
  • Sana Pag-ibig (1982)
  • Ako ang May Nais (1989)
  • Higit sa Lahat (1991)[5]
  • Aliw (2001)
  • With Love in Our Hearts (2005)

Mga album na kolaborasyon

baguhin

Mga kompilasyon

baguhin
  • Best of Rico J. Puno Volume 1 (1986)
  • Best of Rico J. Puno Volume 2 (1986)
  • Kapalaran (1994)
  • The Way We Were (1994)
  • The Story Of: Rico J. Puno (The Ultimate OPM Collection) (2001)
  • Once Again... with Rico J. Puno, Marco Sison and Rey Valera Vol. 1 (kasama sina Marco Sison at Rey Valera) (2003)
  • Rico Silver Series (2006)
  • Walang Kupas... All Hits (2008)

Mga album na live

baguhin
  • A Private Concert with Rico J. Puno (1978)
  • The Way We Were: Live (kasama si Basil Valdez) (2004)
  • Rico J. Puno: Live in Hawaii (produksyon ni Willy Martin)

Tignan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. Lo, Ricky (Oktubre 31, 2018). "Rico J. Puno, OPM legend, 65". The Philippine Star. Nakuha noong Enero 31, 2022.
  2. "Rico J. Puno", eBay Philippines (sa wikang English), 1976-09-15, inarkibo mula sa orihinal noong 2024-07-10, nakuha noong 2024-07-10
  3. "Spirit of Christmas", eBay Philippines (sa wikang English), 1976-10-16, inarkibo mula sa orihinal noong 2024-08-22, nakuha noong 2024-08-22
  4. Concepcion, Pocholo (Enero 23, 1992). "Rico J. Puno makes a comeback". Manila Standard. Kamahalan Publishing Corp. p. 20. Nakuha noong Mayo 26, 2021.

Mga kawing panlabas

baguhin