Biyaheng daambakal
Ang biyaheng daambakal (halaw sa dalawang salitang "daang bakal") o biyaheng riles ay ang transportasyon o paghakot, paghila, pagdadala, paglululan, pagkakarga, pagluluwas, pag-aangkat, at paglilipat ng mga taong lulan o pasahero at mga bagay na tulad ng mga mabubuting dala-dalahin (mga goods sa Ingles) sa pamamagitan ng paggamit ng mga sasakyang may mga gulong at dinisenyong tumakbo o umandar sa ibabaw ng mga daambakal (daang bakal o daanang bakal). Kilala rin ang daambakal bilang dambakal, riles ng tren o riles lamang, tramo, at riles perokaril.[1] Sa karamihan ng mga bansa, nakakatulong ang ganitong paraan o metodo ng transportasyon sa internasyunal na kalakalan at kaunlarang pangkabuhayan o pang-ekonomiya. Nagbibigay ang mga daambakal ng matalab o episyenteng paggamit at pagkonsumo ng enerhiya upang makapaglipat ng mga materyales o bagay na inaangkat sa ibabaw ng lupa.[2] Malalaking bahagi ng sistema ang mga daambakal at nakapagdurulot ng makinis at matigas na kalatagan o kahabaan kung saan nakagugulong ang mga gulong ng tren habang nagsasanhi lamang ng maliit na antas ng priksyon. Gayundin, ikinakalat ng daambakal o riles ang bigat ng tren, na nangangahulugang may mas malalaking bilang ng mga bagay ang nadadala kaysa sa paggamit ng mga trak at mga kalsada.
Tignan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Railroad, railway; track; transport - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Railroad Fuel Efficiency Sets New Record Naka-arkibo 2008-06-04 sa Wayback Machine.- American Association of Railroads
Ang lathalaing ito na tungkol sa Transportasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.