Si Rolando Galman[1] (namatay noong 21 Agosto 1983) ay isang Pilipinong pinaratangan bilang asesinong pumaslang sa pamamagitan ng pagbaril kay Senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr.. Ayon kay Stanley Karnow, nilahad ng dating pangulong Ferdinand Marcos na isang ahente ng mga komunista si Galman. Sa katotohanan, isa itong maton at kasapi ng mga Monkee, isang grupo ng mga teroristang sundalong itinatag ng hukbong-katihan ng Pilipinas upang hadlangan ang mga armadong grupo ng mga komunista sa bansa. Dating nagtrabaho si Galman para kay Eduardo Cojuangco, pinsan ng dating pangulong Corazon Aquino (Nagmamantini si Eduardo Cojuangco ng isang pribadong puwersang panseguridad). Dati ring nabilanggo si Galman dahil sa salang pagnanakaw. Dalawang araw bago naganap ang asesinasyon ni Ninoy Aquino, sinasabing pinasinayahan si Galman ng dalawang prostituta, isang alok na tinanggap niya at nagmula sa isang sundalong opisyal ng hukbong-panghimpapawid ng Pilipinas. Naglaho ang dalawang babaeng ito matapos dukutin ng dalawang armadong mga lalaki para paslangin. Natagpuan ang kanilang mga labi noong Nobyembre 1988. Dahil dito, malinaw na ang mismong mga bantay ni Aquino ang bumaril sa kaniya, at kasabay nilang upang ang huli ang mapagbintangan kaugnay ng asesinasyon ni Aquino sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila sa Pasay at Paranaque sa Pilipinas.

Pagpatay kay Ninoy Aquino

Imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy

baguhin

Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief Justice Enrique Fernando upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy. Si Kardinal Sin ay inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit tumanggi at naghayag ng kanyang mga pagdududa sa bersiyon ng militar na si Rolando Galman ang pumaslang at ang komisyong ito ay gumuho. Ang pamahalaan ni Marcos ay lumikha ng isang reenactment video ng kanilang bersiyon ng pangyayari na ipinalabas sa telebisyon na nagpapakitang si Galman ay nakatago sa ilalim ng hagdan at bumaril kay Ninoy sa tarmac at pagkatapos ay binaril naman ng mga sundalo si Galman.

Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si Corazon Agrava upang mamuno sa isang may limang kasaping komisyon upang mag-imbestiga sa asasinasyon. Ang komisyong ito ay naglabas ng isang malaki at maliit na mga ulat noong Oktubre 1984. Ang parehong mga ulat ay umaayon na ang asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar. Gayunpaman, ang mga parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng nasasangkot dito. Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian Ver at nagpangalan lamang ng pitong mga kasangkot. Ang malaking ulat ay nagpangalan ng 26 kasangkot kabilang si Gen. Ver. Ang malaking ulat ay humantong sa mga pagkakaso sa mga pinangalanang kasabwat. Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag na pinili ng tagapaglitis ng pamahalaan ni Marcos na hindi pansinin ang mga natuklasan ng komisyon ni Agrava at nagpapatuloy ayon sa kuwento ng militar. Dahil dito, may papalaking mga protesta at pagtawag sa pagbibitiw ni Marcos. Noong 22 Disyembre 1985, ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa pagpatay kay Ninoy. Noong 1990, ang isang bagong imbestigasyon ay binuksan at hinatulan ng Sandiganbayan ang isang heneral at 15 pang mga sundalo sa pagpatay kay Ninoy at Galman at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo. Ang mga ito ay kabilang sa mga 1000 sundalong nagbigay seguridad kay Ninoy sa kanyang pagdating sa bansa.[2] Batay sa mga testigong sina Rebecca Quijano, Jessie Barcelona at iba pa, nakita nila ang sundalong nasa likod ni Ninoy habang bumaba sa hagdan ng eroplano si Ninoy ang bumaril sa batok ni Ninoy. Ito ay umaayon sa autopsiya kay Ninoy na ang bala ay pumasok mula itaas ng mastoid ng bungo at lumabas sa mababang panga na nagpapakitang ang pagbaril ay ginawang mas mataas sa ulo ni Ninoy.

Patawad at pagpapalaya ni Arroyo sa mga hinatulang pumatay

baguhin

Ang tatlo sa mga nahatulan ay namatay sa bilangguan at ang dalawa pa ay naunang napalaya. Noong 2007, pinatawad at pinalaya ni Gloria Macapagal-Arroyo si M/Sgt. Pablo Martinez ng defunct Aviation Security Command. Noong Marso 2, 2009, pinatawad at pinalaya ni Gloria Macapagal-Arroyo ang natitirang 10 ng mga nahatulang sundalo: ex-Capt. Romeo Bautista, former 2nd Lt. Jesus Castro, former Sergeants Ruben Aquino, Arnulfo de Mesa, Rodolfo Desolong, Arnulfo Artates, Claro Lat, Ernesto Mateo and Filomeno Miranda at dating Constable 1st Class Rogelio Moreno.

Isinaad ni Sen. Benigno Aquino III na ang pagpapatawad ni Arroyo sa mga nahatulan ay inhustisya at isang pampolitika na vendetta ni Arroyo.

Sanggunian

baguhin
  1. Karnow, Stanley (1989). "Rolando Galman, pp. 403-404.". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.nytimes.com/1990/09/29/world/16-sentenced-to-life-for-killing-aquino.html