Roselle Nava
Si Roselle Paulino Nava-Tan ay isang mang-aawit, negosyante, at pulitiko sa Pilipinas.
Roselle Nava | |
---|---|
Kasapi ng Konseho ng Lungsod ng Parañaque mula sa Unang Distrito | |
Nasa puwesto June 30, 2010 – June 30, 2019 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Roselle Paulino Nava 28 Marso 1976 Parañaque, Pilipinas |
Partidong pampolitika | Liberal (2016–2019); UNA (2013–2016); Nacionalista (2010-2013) |
Asawa | Allen Ford Tan (m. 2010) |
Anak | 2 |
Tahanan | Parañaque |
Alma mater | Unibersidad ng De La Salle |
Personal na buhay
baguhinIpinanganak si Roselle Paulino Nava noong March 28, 1976.[1]
Nakapagtapos si Roselle Nava ng kursong Batsilyer ng Agham sa Marketing at Management sa Unibersidad ng De La Salle noong 1998.[2][3]
Ikinasal siya kay Allen Ford Tan noong 2010 at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki na sina Andre Rafael at Alejandro Ramon.[4][2]
Bilang mang-aawit
baguhinNag-enrol si Roselle Nava sa mga klase ng Trumpets Playshop para hasain ang kanyang talento sa pagkanta.[5]
Edad 16 taong gulang noong una siyang umawit sa isang konsiyerto na pinamagatang "Ang TV Christmas".[5]
Matapos ang kontrata ni Roselle Nava sa Star Records at makapaglabas ng mga album na may mga pamagat na "On Higher Ground", "Simply Roselle" at "All About Love" ay napunta naman siya sa Viva Records.[6]
Ilan sa mga kanta ni Roselle Nava na naging popular ay ang "Bakit Nga Ba Mahal Kita", "Mahal Mo Ba’y Di Na Ako", "Huwag Ka Nang Babalik", at "Sana’y Di Magtagal".[7]
Noong 2003 ay inawit ni Roselle Nava ang ilang awit ni Atang dela Rama sa konsiyerto na may pamagat na "Lagi Kitang Mamahalin" na itinanghal sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, na isang pagpupugay sa mga Pambansang Alagad ng Sining na sina Levi Celerio, Atang dela Rama, Ernani Cuenco, Lucio San Pedro at Jovita Fuentes.[6]
Kasama din si Roselle Nava sa isang pagtatanghal na may pamagat na “AXEL PAF” noong 2023 para sa ika-76 anibersaryo ng Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas.[8]
Adbokasiya at negosyo
baguhinNagtayo si Roselle Nava ng isang paaralang pangmusika na tinawag na "Muzik Korner" sa paniniwala niyang maiiwas sa droga at masamang impluwensiya ang mga kabataan kung ang mga ito ay gumugugol ng oras at lakas sa pag-aaral ng mga kasanayan sa musika.[3]
Bilang pulitiko
baguhinNaka-tatlong termino si Roselle Nava bilang konsehal ng unang distrito ng Lungsod ng Parañaque sa loob ng siyam na taon na natapos noong 2019.[5][2] Hindi na siya tumakbo para sa mas mataas na posisyon pagkatapos ng kanyang termino bagama't inihahanda na siya para sa mas mataas na posisyon katulad ng pagka-bise alkalde ng Lungsod ng Parañaque.[5] Pinili niyang ituon ang kanyang panahon sa kanyang pamilya pagkatapos maging konsehal nang siyam na taon.[5]
Tumakbo at nanalo bilang konsehal ng unang distrito si Roselle Nava noong eleksiyon ng 2010 sa ilalim ng Partido Nacionalista.[9]
Nasa partido ng United Nationalist Alliance (UNA) si Roselle Nava noong tumakbo siyang muli bilang konsehal sa unang distrito ng Lungsod ng Parañaque noong eleksiyon ng 2013.[10]
Tumakbo bilang konsehal si Roselle Nava sa ikatlong pagkakataon noong eleksiyon ng 2016 kasama ni Edwin Olivarez na nasa Partido Liberal.[11]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Bardinas, Mary Ann (Pebrero 10, 2024). "Kapamilya Snaps: Meet the Celebrities Who are Born in the Year of the Dragon". ABS CBN Entertainment. Nakuha noong Pebrero 11, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Salterio, Leah C. (Hunyo 22, 2023). "Roselle Nava feels lucky that her songs continue to live on". Philstar.com. Nakuha noong Pebrero 9, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 3.0 3.1 Balasbas-Gancayco, Dot Ramos (Hunyo 15, 2008). "Sharing love for music with kids". Philstar.com. Nakuha noong Pebrero 11, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Lo, Ricky (Nobyembre 7, 2009). "Roselle getting married Jan. 2010". Philstar.com. Nakuha noong Pebrero 11, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Salterio, Leah C. (Nobyembre 8, 2023). "After politics, Roselle Nava can now focus on singing again". Philstar.com. Nakuha noong Pebrero 11, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 6.0 6.1 Lo, Ricky (Hunyo 30, 2003). "What Roselle is afraid of". Philstar.com. Nakuha noong Pebrero 11, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Gil, Baby A. (Mayo 10, 2004). "The baring of Roselle Nava". Philstar.com. Nakuha noong Pebrero 11, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Severo, Jan Milo (Mayo 21, 2023). "OPM stars to perform at Philippine Air Force anniversary concert". Philstar.com. Nakuha noong Pebrero 11, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "CERTIFIED LIST OF ELECTED CITY/MUNICIPAL CANDIDATES May 10, 2010 Automated National and Local Elections" (PDF). Republic of the Philippines COMMISSION ON ELECTIONS. Agosto 13, 2010. Nakuha noong Pebrero 11, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Showbiz and politics: Celebrity candidates in the 2013 elections". GMA News Online. Marso 26, 2013. Nakuha noong Pebrero 11, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Remitio, Rex (Oktubre 16, 2015). "Parañaque Mayor Olivarez files COC alongside celebrity councilor slate". CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 15, 2023. Nakuha noong Pebrero 11, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)