Sa kabila ng kaunlaran sa larangan ng medisina, ang kalagayan ng kalusugan sa Pilipinas ay masama dahil sa kakulangan ng mga pagkalusugang manggagawa. Anim sa bawat sampung Pilipino ang nagdurusa at namamatay sa sakit ng hindi man lamang nakakakita ng doktor [1]. Noong 2008, ang bilang sa pagitan ng doctor at pasyente ay umabot na sa 1:26000 laban na ideyal na 1:6000 [2]. Isang solusyon para maresolba ang problemang ito ay ang paggamit ng lokal na sistema ng "Telehealth". Para harapin ang problemang ito, itinatag ang "National Telehealth Service Program (NTSP)".

Ang NTSP ay magpapalaganap ng sistemang "Telehealth" sa mga komunidad na kulang sa mga doctor o nurse [3]. Nais nitong iresolba ang tatlo sa mga pangunahing problemang pangkalusugan ng Pilipinas ngaun: • mababang ratio sa pagitan ng doktor at pasyente • pagkukumpol ng mga dalubhayang manggagawang pangmedical sa mga syudad • ang mga makagabo at magagandang centro ng pangkalusugan ay mahirap dalhin o gayahin sa mga liblib na lugar sa Pilipinas dahil nangangailangan ito ng maraming pera para itayo at imaintain.

Ang NTSP ng "Ospital Heneral ng Pilipinas (PGH)", kasama ng "Electrical and Electronics Institute (EEEI)" at "National Institute of Physics (NIP)" galing sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman ay nakaisip sa ideyang "Project Lifelink". Ang layon ng proyektong ito ay gumawa ng isang kagamitang pagkalusugan na madaling dalhin kung san-san at base sa linux ang software. Ang kagamitang ito ay maglalaman ng mga sensor pangmedical upang sumukat ng mahahalagang datus ukol sa katawan at kalusugan ng tao, tapos ay ipapadala ang datos na ito sa isang sentrong opisina nagngangalang "Emergency Care and Coordination System (ECCS)" sa PGH. Ang pangalan ng kagamitang ito ay "Rxbox".

Sa kasalukuyan, ang Rxbox ay nakagawa na ng apat na prototype na naipapadala na sa mga iba't ibang lugar sa Pilipinas kabilang ang Baler, Aurora; Cagayan; Quezon, Quezon; at Saranggani. Mayroon na itong tatlong pagkalusugang kagamitan: Electrocardiogram, Pulse Oximeter, at Blood Pressure. Mayroon din itong webcam para kumuha ng imahe sa kalagayan ng pasyente, voice over internet protocol (VoIP), instant messaging (IM), at kakayahang ipadala ang mga medical na datos sa email gamit ang internet.

Sanggunian

baguhin
  1. (2010)"Health care beyond reach of poor, say critics". [Online] . http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100413-263926/Health-care-beyond-reach-of-poor-say-critics Naka-arkibo 2010-04-17 sa Wayback Machine.
  2. A heart for the needy. [Online] 2010. http://www.philstar.com/Article.aspx/ArticleEmail.aspx?articleId=51043[patay na link]
  3. Instituting the Philippine National Telehealth Service Program: Research and Development Project.