San Vicente at ang Granadinas

(Idinirekta mula sa Saint Vincent at the Grenadines)

13°15′N 61°12′W / 13.250°N 61.200°W / 13.250; -61.200

San Vicente at ang Granadinas
Watawat ng San Vicente at ang Granadinas
Watawat
Eskude de armas ng San Vicente at ang Granadinas
Eskude de armas
Salawikain: "Pax et Justitia" (Latin)
"Kapayapaan at Katarungan"
Awiting Pambansa: "Saint Vincent, Land so Beautiful"
"San Vicente, Lupaing Napakaganda"
Location of San Vicente at ang Granadinas
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Kingstown
13°10′N 61°14′W / 13.167°N 61.233°W / 13.167; -61.233
Wikang opisyalIngles
Katutubong wikaKreolong Vicentino
Pangkat-etniko
  • 66% Itim (Aprikano)
  • 19% Magkahalo
  • 6% Indiyano
  • 4% Europeo
  • 2% Kalinago
  • 3% Iba pa
Relihiyon
(2010)[1]
  • 82.1% Kristiyanismo
  • 7.5% Walang relihiyon
  • 1.1% Rastafari
  • 4.6% Iba pa
  • 4.7% Hindi tinukoy
KatawaganSan Vicentino o Vicentino
Vincy (kolokyal)
PamahalaanUnitaryong parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal
• Monarko
Elizabeth II
• Gobernador-Heneral
Susan Dougan
• Punong Ministro
Ralph Gonsalves
LehislaturaKamara ng Asambleya
Kalayaan
• Estadong Asosiyado
27 Oktubre 1969
• mula sa Reyno Unido
27 Oktubre 1979
Lawak
• Kabuuan
389 km2 (150 mi kuw) (ika-184)
• Katubigan (%)
bale-wala
Populasyon
• Pagtataya sa 2021
104,332 [2][3] (ika-179)
• Senso ng 2021
100,455
• Densidad
307/km2 (795.1/mi kuw) (ika-39)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2019
• Kabuuan
$1.373 bilyon
• Bawat kapita
$12,431[4]
KDP (nominal)Pagtataya sa 2019
• Kabuuan
$864 milyon
• Bawat kapita
$7,827[4]
TKP (2019)Increase 0.738[5]
mataas · ika-97
SalapiDolyar ng Silangang Karibe (XCD)
Sona ng orasUTC-4 (AST)
Gilid ng pagmamanehokaliwa
Kodigong pantelepono+1 784
Internet TLD.vc

Ang San Vicente at ang Granadinas (Ingles: Saint Vincent and the Grenadines /ˌɡrɛnəˈdnz/) ay isang pulong bansa sa Karibe. Matatagpuan ito sa timog-silangang Kapuluang Winward ng Mas Mababang Antillas, na nasa Kanlurang Indiyas at katimugang dulo ng silangang hangganan ng Dagat Karibe kung saan tinatagpo ng huli ang Karagatang Atlantiko.

Kabilang sa teritoryong may sukat na 369 km2 (142 mi kuw) ang pangunahing pulo ng San Vicente at, sa timog nito, ang dalawang-ikatlo ng hilagang bahagi ng Granadinas, isang kadena ng 32 mas maliliit na mga pulo. May naninirahan sa ilan sa Granadinas—ang Bequia, Mustique, Pulong Union, Canouan, Petit San Vicente, Pulong Palm, Mayreau, Pulong Young—habang may ilan na walang naninirahan: Tobago Cays, Baliceaux, Battowia, Quatre, Petite Mustique, Savan at Petit Nevis. Karamihan na nasa daanan ng bagyo (o hurricance) ang San Vicente at ang Granadinas.

Nasa hilaga ng San Vicente ang Santa Lucia, sa silangan ang Barbados, at ang Grenada sa timog. May higit sa 300 naninirahan/km2 (700 bawat mi. kuw.) ang kakapalan ng populasyon ng San Vicente at ang Granadinas, na may tinatayang 104,332 kabuuan ng mga naninirahan. [2][3]

Kingstown ang kabisera at pangunahing daungan ng bansa. May kasaysayang kolonyang Briton ang San Vicente, at kabilang na ito ng Organisasyon ng mga Silanganing Estado sa Karibe, CARICOM, Komonwelt ng mga Bansa, Bolivariyanong Alyansa para sa mga Amerika at ang CELAC.

Noong Abril 2021, sumabog ang bulkang La Soufrière ng ilang beses na may patuloy na "mga kaganapang pumuputok." Noong Abril 12, nilikas ng 16,000 residente ang lugar ng kanilang tinitirhan.[6][7] Nagpaabot ng tulong at suportang pinasyal ng ilang mga karatig na pulo, ang Reyno Unido at ahensya ng Mga Nagkakaisang Bansa. Inihayag ng Bangkong Pandaigdig noong Abril 13, 2021 ang unang mahalagang alok ng pondong pangmatagalan na nagkakahalagang $ 20 milyon.[8]

Etimolohiya

baguhin

Ipinangalan ni Christopher Columbus, ang unang Europeo na nakarating sa pulo, ito kay San Vicente ng Zaragoza, kung saan ang kapistahan nito ay ang araw kung saan unang nakita ni Columbus ang pulo (22 Enero 1498). Tumutukoy ang pangalang Granadinas sa Kastilang lungsod ng Granada, subalit pinagkakaiba ito sa pulo na may kaparehong pangalan, at ginamit ang munting pangalan sa halip. Bago dumating ang mga Kastila, tinatawag ito ng mga katutubong Kalinago na tinirhan ang pulo ng San Vicente bilang Youloumain, sa karangalan ni Youlouca, ang espiritu ng mga bahaghari, na pinaniniwalaan nila na pinaninirahan ang pulo.[9][10]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Saint Vincent and the Grenadines Demographics Profile" (sa wikang Ingles). Index Mundi. Nakuha noong 12 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "World Population Prospects 2022". population.un.org. United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong 17 Hulyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "World Population Prospects 2022: Demographic indicators by region, subregion and country, annually for 1950-2100" [World Population Prospects 2022: Mga panukoy pang-demograpiko batay sa rehiyon, subrehiyon, at bansa, taunan mula 1950-2100] (XSLX). population.un.org ("Kabuuang populasyon, tumpak noong ika-1 ng Hulyo (libo)") (sa wikang Ingles). United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong Hulyo 17, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Report on St. Vincent and the Grenadines, International Monetary Fund. (sa Ingles)
  5. Human Development Report 2020 The Next Frontier: Human Development and the Anthropocene (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 15 Disyembre 2020. pp. 343–346. ISBN 978-92-1-126442-5. Nakuha noong 16 Disyembre 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Everything We Know About the Volcano Eruption on St. Vincent". Town&Country magazine (sa wikang Ingles). 12 Abril 2021. Nakuha noong 13 Abril 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Jones, Dustin (12 Abril 2021). "From Bad To Worse: La Soufrière Volcano Continues To Erupt". NPR (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Abril 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "US$20m for St. Vincent volcano response from World Bank". NY Carib News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hulyo 2022. Nakuha noong 13 Abril 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "CIA World Factbook – St Vincent" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Hulyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "The Commonwealth – St Vincent and the Grenadines" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Enero 2020. Nakuha noong 7 Hulyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Mga bansa sa Karibe

Antigua and Barbuda | Bahamas | Barbados | Cuba | Dominica | Dominican Republic | Grenada | Haiti | Jamaica | Saint Kitts and Nevis | Saint Lucia | San Cristobal at Nieves | San Vicente at ang Kagranadinahan | Trinidad and Tobago

Mga dumidepende: Anguilla | Aruba | British Virgin Islands | Cayman Islands | Guadeloupe | Martinique | Montserrat | Navassa Island | Netherlands Antilles | Puerto Rico | Turks and Caicos Islands | U.S. Virgin Islands