Salaping papel na dalawampung-piso ng Pilipinas
salaping papel ng Pilipinas
Ang salaping papel na 20-piso ng Pilipinas (Dalawampung piso (pormal), bente pesos (bernakular), Ingles: twenty pesos) (₱20) ay isang denominasyon ng salaping papel sa piso ng Pilipinas. Ito ang pinakamaliit na denominasyon ng salaping papel sa pangkalahatang sirkulasyon sa Pilipinas. Ang pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon ay kasalukuyang itinatampok sa harap na bahagi ng salaping papel, habang ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe at ang alamid ay itinampok sa likuran nito.
(Pilipinas) | |
---|---|
Halaga | ₱20 |
Lapad | 160 mm |
Taas | 66 mm |
Tampok panseguridad | Hiblang panseguridad, markang-tubig, debisang rehistrasyong makikita, nakatagong halaga, sinulid pangseguridad |
Ginamit na materyal | 80% bulak 20% hiblang abaka |
Mga taon ng pag-imprenta | 1903–kasalukuyan |
Obverse | |
Disenyo | Manuel L. Quezon, deklarasyon ng Tagalog bilang wikang pambansa, at ang Palasyo ng Malakanyang |
Tagadisenyo | Studio 5 Designs[1] |
Petsa ng tagadisenyo | 2017 |
Reverse | |
Disenyo | Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe, alamid (Paradoxurus hermaphroditus), disenyong panghabi ng Cordillera |
Tagadisenyo | Studio 5 Designs[2] |
Petsa ng pagkadisenyo | 2017 |