Ang Salmon Group Ltd, o mas kilala bilang “Salmon” sa mga customers, ay isang financial technology na kumpaniya at isang platform-as-a-service (PaaS) startup na nakarehistro sa Komisyon sa mga Panagot at Palitan (SEC).[1] Ang Salmon ay naka-base sa Metro Manila, Philippines, at patuloy na nagsusumikap na mapabuti ang access sa credit, ipon, at pamumuhunan para sa mahigit 500 milyong underserved na mga customer sa Timog-silangang Asya, kung saan higit sa 51 milyon ay mga Pilipino, ayon sa 2019 Financial Inclusion Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas.[2]

Logo Salmon

Ang Salmon Group ay binubuo ng apat na subsidiary sa Pilipinas, kabilang ang Sunprime Finance Inc., Salmon Services Inc., FHL Financing Company, Inc., at ang lisensyadong bangko na Rural Bank of Sta. Rosa (Laguna), Inc. (na kinokontrol ng BSP).[3]

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang Salmon noong Hulyo 2022 nina Pavel Fedorov, ang dating Co-CEO ng Tinkoff, George Chesakov na kauna-unahang empleyado ng Tinkoff, at Raffy Montemayor, ang dating General Manager ng OLX at Agoda sa Pilipinas. Sama-sama, mayroon silang higit sa 60 taon ng pinagsamang karanasan sa industriya ng banking at tech.[4]

Noong Oktubre 2022, nakakuha ang kumpanya ng $16 milyon sa kanilang Series A funding round na nagbigay-daan sa unang produkto ng Salmon, ang kanilang point-of-sale (POS) loan.[5] Nag-aalok din ang Salmon ng cash loans sa kanilang mga customer at revolving credit line na tinatawag na Salmon Credit.

Noong unang bahagi ng 2023, nakakuha ang Sunprime Finance Inc., isang subsidiary ng Salmon Group, ng Online Lending Platform (OLP) license mula sa SEC. Ang lisensyang ito ay nagbigay-daan upang makapagpautang sa mga tao at ilunsad ang Salmon App. Sila rin ang namamahala sa lahat ng Salmon Credit o revolving credit line loans mula nang ilunsad ang Salmon Credit noong Setyembre 2023.

Sa parehong taon, nakakuha ang Salmon ng $20 milyon mula sa U.S. private credit fund na Argentem Creek Partners. Ito ang pinakamalaking pagpondo para sa isang Series A tech company sa Pilipinas.[6] Sa katapusan naman ng 2023, inilunsad ng Salmon ang kanilang revolving credit line product na tinatawag na “Salmon Credit” na may kasamang QR Ph na pagbayad.

Nakipagtulungan ang Salmon sa Oradian, ang kauna-unahang cloud-native core banking system na ginamit BSP. Ito ay nagbigay-daan sa mas pinabuting paglago at pagganap gamit ang cloud-native, API-enabled platform, upang itaguyod ang diskarte sa paglagonito.[7]

Sa Q4 ng 2023, inihayag ng Salmon ang pagkakakompleto ng $25 million na Series A-1 round, na pinangunahan ng International Finance Committee (IFC), bahagi ng Pangkat ng Bangkong Pandaigdig.[8] Sa kabuuan, nakakuha ang Salmon ng higit sa $60 million sa pondo sa loob ng halos dalawang taon.[9]

Noong Enero 2024, natanggap ng Salmon ang kanilang bank license mula sa BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) matapos aprubahan ng central bank ng Pilipinas ang kanilang pagbili ng 59.7%[10] controlling interest sa Rural Bank of Sta. Rosa (Laguna), na nagsisilbi na sa mga customer mula pa noong 1963. [11]

Produkto

baguhin

Salmon Financing

baguhin

Ang Salmon Financing ay isa sa mga produkto ng Salmon. Ito ay ang kanilang point-of-sale (POS) loan na inilunsad noong Nobyembre 2022. Binibigyan ng Salmon Financing ang mga mamimili ng pagkakataon na maranasan ang maayos na pagpapautang nang direkta sa punto ng pagbebenta o sa anumang Salmon partner store.

Salmon Credit

baguhin

Inilunsad noong Setyembre 2023, ang Salmon Credit ay isang revolving credit line na nagbibigay oportunidad sa mga customers na umutang ng pera ayon sa kanilang credit limit. Gamit nito, may flexidad ang mga customer ng magbayad sa higit sa 600,000 merchant stores na may QR Ph sa buong bansa.

Salmon Cash Loan

baguhin

Ang Salmon Cash Loan ay isang personal na produkto ng pautang na dinisenyo upang bigyan ang mga nangungutang ng kakayahang pinansyal, na nagpapahintulot sa kanila na gamitin ang mga pondo para sa anumang personal na pangangailangan ng walang limitasyon.

Salmon Time Deposit Accounts

baguhin

Ang Rural Bank of Sta. Rosa (Laguna), Inc., ang bank subsidiary ng Salmon, ay nag-oofffer ng time deposit savings sa mga customers na may interes rate na umaabot hanggang sa 8.88% para sa 12-buwang term na may deposito na higit sa PHP 500,000.00.[12]

Sanggunian

baguhin
  1. "Salmon.PH: A new fintech startup in the Philippines with growth in mind". NoypiGeeks. 2023-11-03. Nakuha noong 2024-09-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2019 FINANCIAL INCLUSION SURVEY" (PDF). Nakuha noong 2024-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Salmon group disrupts rural banking with startup strategy in Philippines". Zawya.com. Nakuha noong 2024-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Salmon emerges as Best Fintech Start-Up Company at Global Business Outlook Awards 2024". The Manila Times. 2024-09-20. Nakuha noong 2024-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Salmon Launches Loan Product for the Unbanked in the Philippines". The Fintech Times. 2023-01-12. Nakuha noong 2024-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Salmon Raises USD 20MM of Financing, Setting a Record for Series A Tech Companies in the Philippines". Businesswire.com. Nakuha noong 2024-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Fintech Salmon chooses Oradian's core banking system". Oradian. 2023-09-08. Nakuha noong 2024-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "IFC Partners with Consumer Fintech Salmon to Drive Financial Inclusion in the Philippines". IFC. Nakuha noong 2024-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Philippine FinTech, Salmon, attracts $20m in debt financing". FinTech Global. 2023-07-21. Nakuha noong 2024-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Fintech firm aims to grow loan portfolio to $2B in next 5 years". Nakuha noong 2024-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "BSP approves Salmon banking license - BusinessWorld Online". BusinessWorld Online. 2024-01-09. Nakuha noong 2024-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Salmon wins Fintech Start-Up Award at the Asian Banking and Finance Fintech Awards 2024". Tech in Asia. 2024-07-12. Nakuha noong 2024-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)