San Felice sul Panaro

Ang San Felice sul Panaro (Sanfeliciano: San Flîs) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Modena sa rehiyon ng Emilia-Romaña sa Italya, na matatagpuan mga 40 kilometro (25 mi) hilagang-kanluran ng Bolonia at mga 25 kilometro (16 mi) hilagang-silangan ng Modena.

San Felice sul Panaro
Comune di San Felice sul Panaro
Lokasyon ng San Felice sul Panaro
Map
San Felice sul Panaro is located in Italy
San Felice sul Panaro
San Felice sul Panaro
Lokasyon ng San Felice sul Panaro sa Italya
San Felice sul Panaro is located in Emilia-Romaña
San Felice sul Panaro
San Felice sul Panaro
San Felice sul Panaro (Emilia-Romaña)
Mga koordinado: 44°50′N 11°8′E / 44.833°N 11.133°E / 44.833; 11.133
BansaItalya
RehiyonEmilia-Romaña
LalawiganModena (MO)
Mga frazioneDogaro, Pavignane, Rivara, San Biagio in Padule
Pamahalaan
 • MayorAlberto Silvestri
Lawak
 • Kabuuan51.66 km2 (19.95 milya kuwadrado)
Taas
19 m (62 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan10,802
 • Kapal210/km2 (540/milya kuwadrado)
DemonymSanfeliciani
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
41038
Kodigo sa pagpihit0535
WebsaytOpisyal na website

Ang San Felice sul Panaro mula noong panahon ng mga Romano ay naging isang mahalagang sentro ng gitnang lambak ng Po sa hilagang Italya. Ang pangunahing aktibidad ay pagsasaka hanggang sa pag-unlad ng mga industriyang nauugnay sa agrikultura noong ika-20 siglo.

Lindol noong 2012

baguhin

Ang rehiyon ay tinamaan ng dalawang lindol noong Mayo 2012. Ang unang lindol, na may magnitudo na 6.0, ay nangyari noong 20 Mayo 2012. Bagaman walang mga residente ng San Felice sul Panaro ang naiulat na namatay, ang kastilyo Rocca Estense ng bayan ay lubhang napinsala ng lindol.[4]

Isang 5.8 magnitudo na lindol ang tumama sa rehiyon Noong 29 Mayo 2012, na ikinasawi ng hindi bababa sa 17 katao at gumuhong mga simbahan at pabrika. Humigit-kumulang 200 katao ang nasugatan 14,000 katao ang nawalan ng tirahan.[5] Hindi bababa sa tatlo sa mga pagkamatay ang nangyari sa San Felice sul Panaro nang bumagsak ang bubong ng isang tindahan ng makina sa mga manggagawa.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
  4. "Italy quake victims wake in cars, tents, schools". San Diego Union-Tribune. Associated Press. Mayo 21, 2012. Nakuha noong Mayo 30, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Barry, Colleen (Mayo 30, 2012). "17 dead and 200 injured in latest killer quake in northern Italy". Dailystar.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Arsie, Alberto (Mayo 30, 2012). "Workers among 16 dead in latest big Italian quake". Associated Press. Nakuha noong Mayo 30, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin