Policarpio

(Idinirekta mula sa San Policarpo)

Si San Polycarpio (69 – 155 AD) (Sinaunang Griyego: Πολύκαρπος) ay isang obispo ng Smyrna sa probinsiya ng Asya noong ikalawang siglo[1]. Ayon sa Pagkamartir ni Policarpio, siya ay namatay bilang isang martir, nakatali at isinunog, bago sinaksak noong hindi siya naapektuhan ng sunog[2]. Siya ay binibigyang dangal bilang isang santo sa Simbahang Katoliko, Ortodoksiyang Oriental,Anglicanismo, at Luteranismo.

San Policarpio
S. Polycarpus, engraving by Michael Burghers, ca 1685
Martir at Obispo ng Smyrna
Ipinanganakca. 69
Namatayca. 155
Smyrna
Benerasyon saSimbahang Katoliko Romano,
Simbahang Katolikong Oriental,
Ortodoksiyang Oriental,
Anglicanismo,
Luteranismo
KapistahanPebrero 23 (dating Enero 26)
Katangiansuot ang pallium, hawak ang kaniyang Liham sa mga Taga-Filipos
Patronlaban sa pagsakit ng taenga, pag-iiti

Ayon kay Irenaeus, na siyang nakarinig sa mga sermon ni Policarpio, at kay Tertullian[3], na si Policarpio ay isang taga-sunod ni San Juan Ebanghelista[4].

Kasama sina Clemento Romano at Ignatio de Antioch, si Policarpio ay tinuturing isa sa tatlong pinaka-importanteng ama ng Kristiyanismo. Isa na lang ang nalalabing dokumento na pinaniniwalaang sulat niya, at ito ay ang Liham ni Polycarpio sa mga Taga-Filipos na unang ini-ulat ni Irenaeus ng Lyons.

Dalawang dokumento ang panimulang pinakukunan ng impormasyon ukol sa buhay ni Policarpio: ang sulat ng mga taga-Smyrna na naglalaman ng mga detalye tungkol sa pagka-martir ni Policarpio at ang mga pagsusulat ni Irrenaeus.

May mga impormasyon din na mula sa mga sulat ni Ignatio, kasama rito ay ang kaniyang liham kay Policarpio. Ang ibang mga bukal, kasama ang Buhay ni Policarpio at mga kasulatan ni Tertullian at Eusebius are tinuturing hindi makasaysayan, o base lamang sa ibang materyal.

Kamatayan

baguhin

Sa Pagka-martir, inilalagay ang pagkamatay ni Policarpio noong siya ay walumpu't limang taong gulang. Bago siya tuluyang mamatay, sinabi niyang, "Paano ko malulumapastangan ang aking Hari at Tagapagligtas? Ihain ninyo ang gusto ninyo." Siya ay nasentensiyahang mamatay nang sinusunog dahil hindi siya sang-ayon sa pagsamba ng Emperor.

Importansiya

baguhin

Malaki ang nagawa ni Policarpio sa paglago ng Simbahang Kristiyano[5]. Kasama ang mga kasulatan niya sa mga pinakalumang tekstong Kristiyano.

Maaring kilala niya si San Juan Ebanghelista[6]. Siya rin ay naging pinuno ng isang importanteng kongregasyon sa isang lugar malapit sa pinagtrabahuan ng mga Apostoles.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Policarpio sa Encyclopædia Britannica
  2. Henry Wace, Dictionary of Christian Biography and Literature to the End of the Sixth Century A.D., with an Account of the Principal Sects and Heresies, s.v. "Polycarpus, bishop of Smyrna".
  3. Tertullian, De praescriptione hereticorum 32.2
  4. Irenaeus, Adversus Haeresis, Polycarp does not quote from the Gospel of John in his surviving letter, which may be an indication that whichever John he knew was not the author of that gospel, or that the gospel was not finished during Polycarp's discipleship with John. Weidmann suggests (Weidmann 1999:132) that the "Harris fragments" may reflect early traditions: "the raw material for a narrative about John and Polycarp may have been in place before Irenaeus; the codification of the significance of a direct line of succession from the apostle John through Polycarp may arguably be linked directly to Irenaeus".
  5. Hartog, Paul (2002). Polycarp and the New Testament. p. 17. ISBN 9783161474194.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Jerome, Illustrious Men 17

Mga Kawing

baguhin