São Tomé

(Idinirekta mula sa San Tomas)

Ang São Tomé ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Gitnang Aprikanong pulong-bansa ng São Tomé and Príncipe. Ang pangalan nito ay Portuges para sa "Santo Tomas". Itinatag noong ika-15 dantaon, ito ang isa sa mga pinakalumang kolonyal na lungsod sa Aprika.[1]

São Tomé
City
Independence Square, Downtown São Tomé
Independence Square, Downtown São Tomé
Watawat ng São Tomé
Watawat
Eskudo de armas ng São Tomé
Eskudo de armas
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/São Tomé and Príncipe" nor "Template:Location map São Tomé and Príncipe" exists.
Mga koordinado: 0°20′10″N 6°43′50″E / 0.33611°N 6.73056°E / 0.33611; 6.73056
Country Santo Tome at Prinsipe
IslandSão Tomé
DistrictÁgua Grande
Founded1485
Lawak
 • Kabuuan17 km2 (7 milya kuwadrado)
Taas
137 m (449 tal)
Populasyon
 (2015 estimate)
 • Kabuuan71,868
 • Kapal4,200/km2 (11,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+0 (GMT)
Kodigo ng lugar+239-11x-xxxx through 14x-xxxx

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ni Álvaro Caminha ang kolonya ng São Tomé noong 1493. Pumunta ang mga Portuges sa São Tomé upang maghanap ng lupain para makapagtatanim ng tubo. Walang nakatira sa pulo bago dumating ang mga Portuges noong mga 1470. Ang São Tomé, na matatagpuan sa mga 40 kilometro (25 mi) hilaga ng ekwador, ay mayroong basang klima na sapat para masaganang lumago ang tubo sa ilang. Kinuha ang 2,000 batang Hudyo, edad walo pababa, mula sa tangway ng Iberia para magtrabaho sa mga taniman ng asukal.[2] Gayon din, nakukuha din sa kalaunan ng mga aliping trabahador sa katabing Aprikanong Kaharian ng Kongo. Naging pangunahing sentro ng produksyon ng asukal ang pulo ng São Tomé noong ikalabing-anim na siglo; nilagpasan ito ng Brazil noong 1600.[3]

Nakasentro ang São Tomé sa isang ikalabing-anim na siglong katedral, na muling itinayo noong ika-19 na dantaon. Isa pang gusali ang Muog ng São Sebastião, na itinayo noong 1566 na naging Pambansang Museo ng São Tomé ngayon. Noong Hulyo 9, 1595, isang paghihimagsik ng mga alipin na pinamunuan ni Rei Amador ang kumuha sa pagkontrol ng kapital; nasupil sila noong 1596.[4] Noong 1599, kinuha ng mga Olandes ang lungsod gayon din ang pulo sa loob ng dalawang araw; muli nila itong inokupa noong 1641 sa loob ng isang taon. Nagsilibi ang lungsod bilang kabisera ng Portuges na kolonya ng São Tomé at Príncipe at, mula sa kalayaan ng São Tomé at Príncipe noong 1975, bilang kabisera ng soberanyang bansa.[5]

Heograpiya

baguhin

Mahalaga bilang isang daungan, matatagpuan ang São Tomé sa Look ng Ana Chaves sa hilaga-silangan ng Pulo ng São Tomé, at Ilhéu das Cabras, nasa kalapit na baybayin. Matatagpuan ang São Tomé sa hilagang-silangan ng Trindade, timog-silangan ng Guadalupe at hilagang-kanluran ng Santana. Nakakabit ito sa mga bayan na nabanggit sa pamamagitan ng isang punong-lansangan na pumapalibot sa buong pulo ng São Tomé. Nakakabit ito sa Cape Verde sa pamamagitan ng isang lingguhang bangkang-pantawid.[6]

Kabilang sa katangian ng bayan ang Pampanguluhang Palasyo, ang katedral, at isang sinehan. Nasa lungsod din ang mga paaralan, at mga gitnang paaralan, mga mataas na paaralan, isang politekniko, dalawang pamilihan, tatlong himpilan ng radyo, ang pampublikong estasyon ng telebisyon na TVSP, ilang mga klinika at ospital, ang pangunahing paliparan ng bansa - Internasyunal na Paliparan ng São Tomé (na may regular na diretsong nakatakdang lipad sa Angola, Gabon, Ghana at Portugal at gayon din ang paminsan-minsang domestikong lipad sa Príncipe), at maraming liwasan (mga praça). Nagsisilbi din ang São Tomé bilang sentro ng pagkakabit-kabit ng mga lansangan at bus ng pulo. Kilala din ang bayan para sa pagpapatugtog ng tchiloli.[7]

Kasaysayan ng populasyon

baguhin
Historical population
TaonPop.±%
1990
(Hunyo 23, Senso)
42,331—    
2000
(Hunyo 16, Senso)
49,957+18.0%
2003
(Taya)
53,300+6.7%
2018
(Hulyo 1, Taya)
71,868+34.8%

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-01-18. Nakuha noong 2021-05-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  2. Allen, Theodore (1997). The invention of the white race (sa wikang English) (ika-Second (na) edisyon). London: Verso. p. 5. ISBN 9781844677719. OCLC 738350824.
  3. Manning, Patrick (2006). "Slavery & Slave Trade in West Africa 1450-1930". Themes in West Africa's history (sa wikang English). Akyeampong, Emmanuel Kwaku. Athens: Ohio University. pp. 102–103. ISBN 978-0-8214-4566-2. OCLC 745696019.
  4. A Verdadeira Origem do Célebre Rei Amador Gerhard Seibert of Espaço Cultural STP (sa Portuges)
  5. Roman Adrian Cybriwsky, Capital Cities around the World: An Encyclopedia of Geography, History, and Culture, ABC-CLIO, USA, 2013, p. 275 (sa Ingles)
  6. "São Tomé gets ferry link with Cape Verde". afrol.com.
  7. https://www.telanon.info/topico/cultura/