Kalansay

Bahagi ng katawan na parte ng sumusuporta sa istruktura ng isang organismo
(Idinirekta mula sa Sangkabutuhan)

Sa biyolohiya, ang kalansay[1] o skeleton [ sa Ingles ] (sistemang pambalangkas; sistemang iskeletal; sistemang pangsangkabutuhan) ay sistemang biyolohikal na nagbibigay ng suportang pisikal sa mga buhay na organismo. Kung palalawigin ang diwa, maaari ding magkaroon ng mga balangkas o mga haliging panloob (bilang pundasyon) ang mga hindi-biyolohikal na kayarian katulad ng mga gusali.

Ang kalansay o endoskeleton ng tao.

Mga uri at kaurian

baguhin

Karaniwang hinahati ang mga pamamaraang pansakabutuhan sa loob ng tatlong uri: panlabas (ang eksoskeleton), panloob (ang endoskeleton), at ang batay sa pluwido (ang iskeletong hidrostatiko; bagaman ang mga sistemang iskeletong hidrostatiko ay maaaring maihanay bilang hiwalay na uri mula sa dalawang nauna dahil wala itong matigas na mga kayariang pansuporta. Ang panloob na sistemang iskeletal ay naglalaman ng mga matigas o hindi gaanong matigas na mga kayarian sa loob ng katawan at pinapagalaw ng sistemang pansangkalamnan. Kapag namuo ang mga kayariang ito, na katulad ng sa tao at ibang mga mamalya, tinatawag na silang mga buto. Ang kartilahiyo ay isang pangkaraniwang sangkap ng mga sistemang pangsangkabutuhan, na nagbibigay ng suporta at tumutulong sa iskeleton. Nabibigyang hugis ng kartilahiyo ang mga tainga at ilong ng tao. Mayroong mga iskeleton ang ibang mga organismo na binubuo lamang ng mga kartilahiyo na wala ni anumang namuong mga buto man lang, katulad na lamang ng mga pating. Pinagdirikit ng mga ligamento ang mga kapwa buto o iba pang matitigas na mga kayarian, samantalang nakaugpong naman ang mga buto o iba pang mga matitigas na mga kayarian sa mga masel sa pamamagitan ng mga tendon.

Katulad ng mga lobong pinuno ng tubig ang mga iskeletong hidrostatiko. Nakapaloob sa mga katawan ng mga cnidaria (katulad ng mga koral, halayadong isda at iba pa) at ng mga annelid (katulad ng mga linta, bulating panlupa at iba pa), kabilang sa iba. Nakagagalaw ang mga hayop na ito sa pamamagitan ng pagpapakilos ng mga masel na nakapaligid sa isang buslong puno ng pluido, na lumilikha ng presyon sa loob ng buslo na nagreresulta sa paggalaw. Ginagamit ng mga hayop na katulad ng mga bulati ang kanilang mga iskeletong hidrostatiko upang mabago ang hugis ng kanilang katawan, upang makausad pasulong, mula sa paghaba at pagimpis hanggang sa pagpapaliit at pagpapaluwang.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Kalansay". UP Diksiyonaryong Filipino. 2001.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.