Santa Ana, Maynila

distrito ng Maynila, Pilipinas
(Idinirekta mula sa Santa Ana, Manila)

Ang Santa Ana ay isang distrito ng Lungsod ng Maynila sa Pilipinas, matatagpuan ito sa timog-silangan ng Ilog Pasig, sa hilagang-silangan ang hangganan ng Lungsod ng Mandaluyong, Lungsod ng Makati sa silangan, sa timog-kanluran naman ay ang Paco at sa kanluran naman ang Pandacan.

Ang Santa Ana ay kabilang sa distrito 6 ng Maynila na may tatlumpu't dalawang mga barangay simula Zone 96 hanggang 100, mga barangay 874 hanggang 905. Base sa 2000 National Census, ang National Statistics Office ay nag-ulat na ang Santa Ana ay halos mayroong 34,694 na bahay, at mayroong 83,306 na rehistradong mamboboto base sa nasyonal na elecsyon noong 2004.

Talababa

baguhin
  • "By Sword and Fire: The Destruction of Manila in World War II, 3 February-3 March 1945" by Alphonso J. Aluit (1994) Bookmark, Inc. © 1994 National Commission for Culture and the Arts ISBN 971-569-162-5

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.