Sarsang espagnole

isa sa mga saligang sarsa sa klasikong lutuing Pranses
(Idinirekta mula sa Sarsang espanyola)

Ang sarsang espagnole o espanyola ay isang simpleng sarsang kayumanggi, at isa sa mga inang sarsa ng klasikong lutuing Pranses. Noong unang bahagi ng ika-19 na siglo, isinama ito ng kusinero na si Antonin Carême sa kanyang listahan ng mga pangunahing sarsa ng lutong Pranses. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, pinangalanan ito ni Auguste Escoffier bilang isa sa limang sarsa sa gitna ng lutuing Pranses.

Sarsang espagnole
Baka na may sarsang espagnole at French fries
Ibang tawagEspanyola
UriSarsa
Kaugnay na lutuinPranses
Pangunahing SangkapSabaw ng karne, kayumangging roux

Etimolohiya

baguhin

Ang "espagnole" ay "Espanyol" (o Kastila) sa wikang Pranses. Maraming sarsang Pranses ang pinangalanan sa mga bansa, gaya ng sarsang hollandaise (Olanda) o crème anglaise (Inglatera). Sa pangkalahatan, pinili ang pangalan ng bansa bilang pagpupugay sa isang makasaysayang kaganapan o dahil nagpapahiwatig ang nilalaman ng sarsa sa bansang iyon. Sa kaso ng sarsang Espanyol, pinaniniwalaan na ibinigay ang pangalan dahil sa pulang kulay nito, na may koneksyon sa Espanya.[1]

Kasunod nito, maraming mga alamat ang nilikha upang ipaliwanag ang pangalan nito. Sinasabi, halimbawa, na si Ana ng Austriya – sa kabila ng kanyang pangalan ay Kastila – ay nagpakilala ng mga tagapagluto mula sa Espanya sa mga kusina ng korteng Pranses at pinahusay ng kanyang mga tagapagluto ang sarsang kayumanggi ng mga Pranses sa pagdaragdag ng mga kamatis.[2]:74 Tinutukoy ng isang katulad na kuwento ang mga tagapagluto ng Espanyol na nagtatrabaho para sa asawa ni Louis XIV, Maria Teresa ng Espanya.[3] Isa pang mungkahi ay noong ika-17 siglo, ipinakilala ang Kastilang bacon at hamon bilang karne para sa sabaw kung saan nakabatay ang sarsa, kaysa sa tradisyonal na baka.[4]:412-413 Walang makasaysayang katibayan na mayroong mga Kastilang tagapagluto sa mga kusina ng korteng Pranses, kaya mukhang hindi totoo ang mga alamat na ito.[5]

Kasaysayan

baguhin

Lumilitaw ang terminong "sauce espagnole" sa aklat panluto ni Vincent La Chapelle noong 1733, Le Cuisinier moderne, ngunit walang nakalagay na resipi.[6]:163 Nag-imprenta si Antonin Carême ng detalyadong resipi sa kanyang aklat noong 1828, Le Cuisinier parisien.[7] Pagsapit ng gitna ng ika-19 na siglo, pamilyar na ang sarsa sa mundong nag-i-Ingles: sa Modern Cookery ng 1845, nagbigay si Eliza Acton para rito, isa na dinagdagan ng alak at isa na wala.[8]:105–106 Isinama ang sarsa sa klasipikasyon ni Auguste Escoffier noong 1903 ng limang inang sarsa, kung saan nakasalalay ang karamihan ng niluluto sa lutuing Pranses.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Group, Octopus Publishing (2001). Larousse Gastronomique (sa wikang Ingles). Octopus Publishing Group. ISBN 978-0-600-60688-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Diat, Louis (1979). Gourmet's Basic French Cookbook [Saligang Aklat Panluto ng Gourmet] (sa wikang Ingles). New York: Gourmet Books. OCLC 1107861618.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Nguyen, Stephane. "French Cooking Academy", sa 1m 05 segundo pataas.
  4. Dallas, E. S. (1877). Kettner's Book of the Table [Aklat ni Kettner ng Lamesa] (sa wikang Ingles). London: Dulau. OCLC 771590401.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. nationales (France), Archives; Curzon, Henri de; roi, France Ministère de la maison du (1977). Répertoire numérique des archives de la Maison du roi : (Série O1) (sa wikang Pranses). Kraus Reprint.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. La Chapelle, Vincent (1733). The Modern Cook [Ang Modernong Tagaluto] (sa wikang Ingles). London: Nicolas Prevost. OCLC 1328833700.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Carême, Antonin (1834). The Royal Parisian Pastrycook and Confectioner [Ang Royal na Parisinong Pastelero at Konpitero] (sa wikang Ingles). London: F. J. Mason. OCLC 15160719.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Acton, Eliza (1845). Modern Cookery [Modernong Pagluluto] (sa wikang Ingles). London: Longman, Brown, Green. OCLC 776237549.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "An Introduction to the 5 French Mother Sauces" [Pagpapakilala sa 5 Inang Sarsa ng Pransiya] (sa wikang Ingles), Escoffier online. Retrieved 13 Enero 2023