Saul Kripke
Si Saul Aaron Kripke ( /ˈkrɪpki/; Nobyembre 13, 1940 - Setyembre 15, 2022[6]) ay isang pilosopong Amerikano at lohiko sa pilosopiyang analitiko. Siya ay Natatanging Propesor sa Pilosopiya ng Graduate Center of the City University of New York at propesor emeritus sa Princeton University. Mula dekada sisenta, siya ay isang pangunahing pigura sa ilangang mga larangang nauugnay sa lohikang matematikal, lohikang modal, pilosopiya ng wika, pilosopiya ng matematika, metapisika, epistemolohiya at teoriya ng rekursiyon. Siya ay nag-ambag sa lohika lalo na sa lohikang modal na ang pangunahin rito ay ang semantiko para lohikang modal na nauukol sa mga posibleng mundo na tinatawag na semantikang Kripke.[7] Natanggap niya ang 2001 Schock Prize sa Lohika at Pilosopiya. Siya rin ay bahaging responsable sa pagbuhay ng metapisika pagkatapos ng pagbagsak ng positibismong lohikal at inangking ang pangangailangan ay isang metapisikal na nosyong iba sa epistemikong nosyon ng a priori at may mga katotohanang lohikal na malalaman ng a posteriori gaya nang ang tubig ay H2O. Ang isang serye ng pagtuturo ni Kripke noong 1970 sa Princeton na inilimbag sa aklat noong 1980 bilang Naming and Necessity ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang mga akdang pampilosopiya sa ika-20 siglo. Ipinakilala nito ang konsepto ng pangalan bilang mga mahigpit na designador na totoo sa bawat posibleng mundo na salungat sa mga deskripsiyon. Ito ay naglalaman rin ng teoriyang pagsasanhi ng reperensiya ni Kripke na tumutuol sa teoriyang deskriptibisto na matatagpuan sa konsepto ni Gottlob Frege ng kahulugan at teoriya ng mga deskripsiypon ni Bertrand Russell. Nagbigay rin si Kripke ng orihinal na pagbasa ni Ludwig Wittgenstein na kilala bilang "Kripkenstein" sa kanyang Wittgenstein on Rules and Private Language.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Cumming, Sam (30 Mayo 2018). Zalta, Edward N. (pat.). The Stanford Encyclopedia of Philosophy. Metaphysics Research Lab, Stanford University – sa pamamagitan ni/ng Stanford Encyclopedia of Philosophy.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Palmquist, Stephen (Disyembre 1987). "A Priori Knowledge in Perspective: (II) Naming, Necessity and the Analytic A Posteriori". The Review of Metaphysics. 41 (2): 255–282.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Georg Northoff, Minding the Brain: A Guide to Philosophy and Neuroscience, Palgrave, p. 51.
- ↑ Michael Giudice, Understanding the Nature of Law: A Case for Constructive Conceptual Explanation, Edward Elgar Publishing, 2015, p. 92.
- ↑ Saul Kripke (1986). "Rigid Designation and the Contingent A Priori: The Meter Stick Revisited" (Notre Dame).
- ↑ Weinberg, Justin (Setyembre 16, 2022). "Saul Kripke (1940-2022)". Daily Nous (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jerry Fodor, "Water's water everywhere", London Review of Books, 21 October 2004