Kasunduang Schengen

(Idinirekta mula sa Schengen)

Ang Kasunduang Schengen ng 1985 ay isang kasunduan ng mga estadong Europeo na sumasang-ayon para sa pagwawalang-bisa ng mga sistematikong kontrol ng mga hangganan sa pagitan ng mga bansang lumalahok. May kasama rin itong mga tadhana sa isang pangkaraniwang patakaran sa pansamantalang pagpasok ng mga tao (kasama ang bisang Schengen), ang harmonisasyon ng mga panlabas na kontrol sa mga hangganan, at ang kooperasyong pampulisya sa ibayong hangganan.

  Mga bansang nagpapatibay
  Nagpapatibay sa pamamagitan ng isang pagkaanib kasama ng isang estadong tagalagda
  Mga kasapi (hindi pa pinagtibayan)
  Nagpakita ng interes sa pagsali

30 estado – kasama ang mayoridad ng mga estadong kasapi sa Unyong Europeo at tatlong estadong hindi kasapi sa UE: and Iceland, Norway at Switzerland – ay naglagda ng kasunduan at 15 ang nagpatibay ng ito sa kasalukuyan. Ang Republika ng Irlanda at ang Nagkakaisang Kaharian ay lumalahok lamang sa sa mga tadhanang pang-kooperasyong pampulisya at hindi sa mga tadhana tungkol sa pangkaraniwang kontrol ng mga hangganan at sa mga bisa. Ang mga pang-hangganang harang at pagsisiyasat ay tinanggal na rin sa pagitan ng mga estadong nasa kalawakang Schengen[1] at ang isang pangkaraniwang 'bisang Schengen' ay nagbibigay sa mga turista o bisita ng pahintulot upang pumunta sa kalawakan.

Orihinal na inilagda ang kasunduan noong 14 Hunyo 1985 ng limang estadong Europeo (ang Alemanya, Belhika, Luxembourg, Olanda at Pransiya). Inilagda ang kasunduan habang nakasakay sa barkong Princesse Marie-Astrid sa Ilog Moselle, malapit sa Schengen, isang maliit na bayan sa Luxembourg na sa hangganan sa pagitan ng Pransiya at Alemanya.

Bago pa ng Kasunduang Schengen, itinanggi na ng Netherlands, Belhika and Luxembourg ang mga pang-hangganang kontrol sa kanilang pagitan (Benelux). Ginawa na rin ito ng mga bansang Nordiko, at ito ay kinilala bilang Unyong Nordiko ng mga Pasaporte (Nordic Passport Union). Pagkatapos ng kalayaang Irlandes mula sa Nagkakaisang Kaharian noong 1922, walang batas ang ipinasa na nangangailangan ng pasaporte para sa mga lakbay patawid ng bagong hangganan. Ang sona o ang Karaniwang Sonang Panlakbay (Common Travel Area o CTA) ay hindi pa ikinodigo, o kahit ibinigay ng isang opisyal na pangalan, hanggang 1997, at noon sa antas ng UE lamang upang mapaiba ito mula sa Tratado ng Schengen.

Tingnan din

baguhin

Mga talababa

baguhin
  1. Kalawakang Schengen – ang karaniwang pangalan para sa mga estado kung saan pinagtitibayan na nila ang kasunduan.

Mga kawing na panlabas

baguhin