Leon-dagat
Ang leon-dagat o leong dagat (Ingles: sea lion) ay ilan sa mga pinniped na mula sa pamilya ng Otariidae (mga karnerong-dagat na mayroong mga tainga). Naninirahan ang mga leon-dagat sa maraming mga lugar sa buong mundo, maliban na lamang sa Karagatang Atlantiko.
Leon-dagat | |
---|---|
Mga leon-dagat sa Monterey, California, Estados Unidos. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Suborden: | |
Pamilya: | |
Henera | |
Paglalarawan
baguhinAng mga lalaking leon-dagat ay mayroong makapal na balahibo sa paligid ng mukha at leeg ng mga ito, na kung minsan ay kahawig ng sa buhok na nasa leeg ng tunay na leon. Ito ang dahilan kung bakit tinawag na "leon-dagat" ang mga leon-dagat. Ang ilan, katulad ng leon-dagat na Steller, ay umaatungal na parang leon. Subalit hindi talaga mga "leon" ang mga pinniped na ito, subalit katulad ng tuunay na leon, mayroon silang balahibo, humihinga ng hangin, nagpapanganak ng buhay na mga supling, at nagpapasuso ng gatas sa kanilang mga anak. Kumakain din sila ng karne, subalit ang karneng kinakain nila ay ang mga karne ng mga isda, mga pusit, at mga ibong pandagat sa halip na mga hayop na panlupa. Ang mga leon-dagat ay mababagsik kung makipaglaban, katulad ng mga leong panlupa.
Mga espesye
baguhinAng mga espesyeng pinniped na tinatawag na mga "leon-dagat" ay ang mga sumusunod:
- Leon-dagat na Steller o Panghilagang leon-dagat (Eumetopias jubatus)
- Leon-dagat ng Australia (Neophoca cinerea)
- Leon-dagat ng Timog Amerika o Pangtimog na leon-dagat (Otaria flavescens)
- Leon-dagat ng New Zealand (Phocarctos hookeri)
- Leon-dagat ng California (Zalophus californianus)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.