Kabighaniang seksuwal

(Idinirekta mula sa Sekswal na atraksiyon)

Sa isang uring nagsusupling o nag-aanak (reproduksiyon) sa pamamagitan ng paraang seksuwal, ang kabighaniang seksuwal, pagkabighaning seksuwal, o atraksiyong seksuwal ay isang pag-akit o atraksiyon sa ibang mga kasapi ng katulad na mga uri para sa seksuwal o erotikong gawain. Sa maraming mga uri, hindi ito palaging nangangahulugan ng pagkakaroon ng gawaing seksuwal; sa katunayan, may ilang mga kaasalang seksuwal sa mga primado na karamihang gawaing panglipunan lamang.

Isang magkasintahang nagmamahalan.

Sa tao, maaaring magpabagu-bago sa sari-saring mga kultura o mga rehiyon ang partikular na mga bagay na maaaring kabigha-bighaning seksuwal o atraktibong seksuwal. Nakabatay o depende sa dalawang mga tao ang pagkahalina nila sa isa't isa. Karamihan sa pagiging kaaya-ayang seksuwal sa tao ang nagmumula sa aspetong pang-pangangatawan o pisikal. Kinasasangkutan ito ng talab o dating ng anyo ng isang tao sa mga pandama, natatangi na sa simula ng isang ugnayan o relasyon, katulad ng:

  • Dating sa paningin o persepsiyong bisuwal (kung ano ang hitsura ng tinitingnan);
  • Olpaksiyon o pang-amoy (kung ano ang amoy ng isang tao, likas o gawa ng tao; maaaring makapagpapalayo ang maling amoy);
  • Pandinig o audisyon (kung ano ang tunog ng tinig o mga galaw ng isang tao).


TaoPag-ibigAnatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Pag-ibig at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.