Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas
Ang Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas (PICC) (Inggles: Philippine International Convention Center) ay isang sentrong pangkumbesyon ng Pilipinas. Nasa reklamadong lugar na kinikilalang Hugnayan ng Sentrong Pangkutura ng Pilipinas (CCP Complex) sa Lungsod ng Pasay, ang pasilidad nito na may makabagong kagamitan ay naging punong-abala sa mga lokal at pandayuhang kumbensiyon, mga pagpupulong, mga eksibisyong-pamilihan, at mga kaganapang panlipunan. Dahil may dating ang PICC, ang Maynila ay itinaguriang "Lungsod ng Kumbensiyon".
Philippine International Convention Center | |
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | 5 Setyembre 1976 |
Kapamahalaan | Pamahalaan ng Pilipinas |
Punong himpilan | Hugnayang CCP, Lungsod Pasay, Pilipinas |
Mga tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Pinagmulan na ahensiya | Bangko Sentral ng Pilipinas |
Websayt | www.picc.gov.ph |
Ang PICC ay naging tahanan ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, hanggang 2005.
Kasaysayan
baguhinSa pamamagitan ng Batas Pampanguluhan Blg. 520, binigyan ng kapangyarihan ang Bangko Sentral ng Pilipinas na magpatayo ng isang gusali para sa sabansaang pangkumperensiya, magkamit ng isang naaangkop na lugar ukol sa adhikaing iyon, at magbuo ng isang korporasyon upang mapamahala ang sentrong pagpupulong. Kaya, ang PICC ay itinatag sa ilalim ng Kodigon ng Korporasyon. Ang pagtatayo ng PICC na may makabagong kagamitan ay isinagawa sa loob ng 23 buwan, mula Nobyembre 1974 hanggang Setyembre 1976, kung saan ang arkitekto ay si Leandro Locsin na kinilala bilang Pambansang Alagad ng Sining.
Noong 5 Setyembre 1976, ang PICC, ang unang pandaigdigang sentrong pangkumbensiyon sa Asya, ay opisyal na binuksan sa daigdig nang nagpunong-abala ang Pagpupulong ng IMF-Bangkong Pandaigdig noong 1976.
Sa pamamagitan ng Batas Pampanguluhan Blg. 995, nilikha ang Batasang Bayan upang gampanan bilang katawan ng tagapagbatas bago ang Pansamatalang Batasang Pambansa na binuksan noong 1978. Kaya noong 21 Setyembre 1976 sa Ika-4 na Pagdiriwang ng kapanganakan ng Bagong Lipunan, ang Batasang Bayan ay ginanap ng kanyang pasinaya sa PICC. Sa unang pagkakataon, ang PICC ay ginamit bilang tahanan ng katawan ng tagapagbatas mula 1976 hanggang 1978. Mula sa kanyang simula hanggang sa kasalukuyan, ang PICC ay nakapagpunong-abala rin ang taunang Gawad FAMAS (katumbas ito ng Oscars ng Pilipinas), karamihang ginaganap sa Bulwagang Plenaryo.
Ang PICC ay inaalay sa gawain ng pagpapadala ng mga tao at mga bansa nang sama-sama at nagbibigay ng isang lugar kung saan sila'y nakapagpulong at nakapagpalit ng mga kaalaman na marahil nagbubukas ng mga pintuan sa pandaigdigang pangunawa at kapayapaan. Bilang isang lugar ng mga pagpupulong, mga kumperensiya, at mga tanging kaganapan, ito'y nagsisilbi rin ng pagkain sa mga tagapamahala ng mga pandaigdigang, panrehiyong Asya-Pasipiko, at lokal na kaganapan sa pamamagitan ng pagbibigay mataas na paunang kagamitang pangkumperensiya at mga pasilidad at, pinakamahalaga, pinakamakakaibigan, mabisang, at pampropesyong paglilingkod.
Mga lumilingap na pasilidad at paglilingkod
baguhin- Mga Tanggapan sa Kumperensiya at Eksibisyon
- Sentro sa Magandang Pagtanggap ng mga Panauhin
- Sentro ng Pamimigay ng Dokumento
- Mesang-palitan ng Pagpapatala
- Tanggapan ng Koreo
- Paglilingkod ng Teknikal
- Bangkong Pangkalakal
- Mesang-palitan ng Palitang Panlabas
- Mesang-palitan ng Tulong at Kabatiran
- Paglilingkod ng Klinikang Pangmediko
- Mga Nawala at Nahanap
- Mga Pasilidad para sa mga May Kapansanan
- Pook-paradahan
- Pantalan ng mga Kargada
- Silid-bihisan
- Sentro ng mga Kasapi ng Media