Paghihiwalay ng simbahan at estado

Ang Pagkakahiwalay ng Simbahan at ng Estado ay isang konseptong legal at politikal, kung saan ang mga institusyon ng estado at ng simbahan ay pinapanatiling magkahiwalay sa bawat aspekto ng pagtugon sa mga isyu ng kanilang mga institusyon nang walang pamamagitan o pakikialam ng bawat isa. Sa konseptong ito nasusukat ang kalayaan ng pananampalataya ng bawat mamayan.

Paghihiwalay ng simbahan (relihiyon) at estado sa buong mundo.
  Mga bansang walang opisyal na relihiyon ng estado
  Mga bansang may opisyal na relihiyon ng estado
  Hindi alam o hindi malinaw

Ang terminong ito ay supling ng pariralang "pader na naghihiwalay sa pagitan ng simbahan at estado" na nakasulat sa liham ni Thomas Jefferson sa Danbury Baptist Association (Samahang Bautista ng Danbury) noong 1802. Ang orihinal na teksto ay mababasang: "Aking pinagnilayan na may soberanyang paggalang ang akto ng buong mga mamamayang Amerikano na nagdedeklarang ang kanilang tagapagbatas ay hindi dapat gumawa ng batas na rumirespeto sa pagtatag ng relihiyon o nagbabawal sa malayang pagsasanay nito. Ang pariralang ito ay unang sinipi ng Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos noong 1878 at sa mga sunod sunod na kasong mula noong 1947.

Ang pariralang "paghihiwalay ng simbahan at estado" ay hindi mismong makikita sa Saligang Batas ng Estados Unidos. Ang Unang Susog sa Saligang Batas ng Estados Unidos ay nagsasaad na ang "kongreso ay hindi dapat gumawa ng batas na rumirespeto sa pagtatag ng relihiyon o pagbabawal sa malayang pagsasanay nito". Gayunpaman, bago ang 1947, ang mga probisyon o kondisyong ito ay hindi itinuturing na lumalapat sa lebel ng mga estado ng Estados Unidos. Ang katunayan, noong 1870 at 1890, may mga bigong pagtatangkang isininagawa upang amiyendahan ang konstitusyon upang ipatupad ito. Ito ay naipatupad sa isang desisyong ng korte ng Estados Unidos noong 1947.

Ang konseptong separasyon ng simbahan at estado ay tinanggap sa ilang mga bansa. Ang katulad na mahigpit na prinsipyo ay nilalapat sa mga bansang Pransiya at Turkiya samantalang ang ilang mga sekular na bansa gaya ng Noruwega, Dinamarka at United Kingdom ay nagpapanitili ng pagkikilala sa mga saligang batas nito ng opisyal na relihiyon ng estado. Ang konseptong ito ay maipaparis sa iba't ibang mga internasyonal na panlipunan at pampolitika na mga ideya gaya ng sekularismo, disestablisyemento, kalayaang relihiyoso at pluralismong relihiyoso. Ayon kay Whitman, sa maraming mga bansang Europeo, ang estado sa paglipas ng mga siglo ay pumalit sa tungkuling panlipunan ng simbahan(church) na nagsanhi sa pangkalahatang sekularisasyon (pagiging hindi relihiyoso) ng sakop pampubliko (o pang-mamamayan) sa mga bansang ito.

Sa Pilipinas

baguhin

Sa Artikulo 2 ng "Deklarasyon ng mga Prinsipyo at mga Patakarang Pang-estado" ng 1987 na Saligang Batas ng Pilipinas, seksiyon VI, ang paririlang "Ang separasyon ng simbahan (relihiyon) at estado ay hindi malalabag" ay inuulit mula sa 1973 at 1935 na saligang batas ng Pilipinas.

Gayunpaman, ang ilang mga politiko o kandidato ay malakas pa ring naiimpluwensiyahan ng iba't ibang mga relihiyong Kristiyano lalo na ang Romano Katoliko. Ang mga politiko/kandidatong ito ay napipilitang magpasailalim sa hinihingi o kondisyon ng mga pinuno ng mga relihiyong ito dahil sa pananakot ng mga ito sa hindi pagsuporta o pagendorso tuwing may halalan sa Pilipinas.