Kandado at susi
Ang isang kandado ay isang kagamitang mekanikal o elektronikong pangkabit na kinakalag ng isang pisikal na bagay (tulad ng isang susi, keycard, bakas ng daliri, kard na RFID, token na pangseguridad o barya) sa pamamagitan ng pagbigay ng lihim na impormasyon (tulad ng isang permutasyon ng bilang o titik o password), ng isang kombinasyon mula doon, o maari lamang mabuksan mula sa isang banda, tulad ng isang kadenang pang-pinto.
Ang isang susi ay isang kagamitan na ginagamit upang paandarin ang isang kandado (upang ikandado o buksan ito). Karaniwang isang maliit na piraso ng metal ang isang susi na binubuo ng dalawang bahagi: ang talim o bit, na dumadausdos sa daanan ng susi ng kandado at pinagkakaiba sa iba't ibang mga susi, at ang hawakan o bow, na nakausli upang mailapat ang puwersa sa pag-ikot. Sa pinakapayak na pagsasagawa nito, pinapagana ng isang susi ang isang kandado o mga pangkat na kandado ng magkakapareho ang susi, isang sistemang kandado/susi kung saan bawat katulad na kandado ay nangangailangan ng pareho, walang katulad na susi.
Nagsisilbi ang susi bilang isang token o katunayang pangseguriad para makapasok sa nakakandadong lugar; nilayon ang mga kandado na ipahintulot lamang ang mga tao na may tamang susi na buksan ito upang makapasok. Sa mas kumplikadong mga sistemang mekanikal na kandado/susi, nagsisilbi ang dalawang magkaibang susi, na kilala ang isa bilang ang master key o pangunahing susi, upang mabuksan ang kandado. Kabilang sa karaniwang mga metal para sa susi at kandado ang tanso, tansong tubog, nikel na pilak, at bakal.
Ginamit na ang mga kandado sa higit sa 6000 taon, na may maagang halimbawa na natuklasan sa mga guho ng Nineve, ang kabisera ng sinaunang Asirya.[1] Ginawa ang mga kandadong ito mula sa Ehiptong kahoy na panuksok na kandado, na binubuo ng trangka, kasangkapang nakakabit sa pinto, at susi. Kapag pinasok ang susi, naiaangat ang mga panuksok sa labas ng mga butas sa loob ng trangka, na pinapahintulot na gumalaw. Kapag tinanggal ang susi, nahuhulog ang mga panuksok ng bahagya sa trangka, na hindi pinapayagan ang paggalaw.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ de Vries, N. Cross and D. P. Grant, M. J. (1992). Design Methodology and Relationships with Science: Introduction (sa wikang Ingles). Eindhoven: Kluwer Academic Publishers. p. 32. ISBN 9780792321910. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-24.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ceccarelli, Marco (2004). International Symposium on History of Machines and Mechanisms (sa wikang Ingles). New York: Kluwer Academic Publishers. p. 43. ISBN 1402022034. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-10-24.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)