Ang Serendra ay isang eksklusibong proyektong pantirahan at pang-negosyo ng Ayala Land. Matatagpuan ito sa pagitan ng Ika-11 Abenida at McKinley Parkway, Bonifacio Global City, Taguig, Pilipinas. Inilunsad ang Serendra noong Marso 2004.

Tinatawag itong garden residential condominium development dahil halos 65% nito ay tatamnan ng mga puno at halaman.[1]

Nahahati ito sa dalawang bahagi; ang One Serendra, na proyekto ng Ayala Land Premier, at ang Two Serendra, na proyekto ng Alveo Land Corporation, isang subsidiyaryong nasa buong pagmamay-ari ng Ayala Land.

May istilong Europeo na hango sa Tegel Harbor at Berliner Strasse sa Alemanya at istilong bahay na bato ng Pilipinas ang arkitektura nito. [1] Mayroon itong pook-pasyalang tinatawag na The Shops at Serendra, kung saan makikita ang mga mamahaling tindahan at mga kainang may mga istilong Pilipino, Europeo, Asyano, at Kontinental.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Serendra". Ayala Land, Inc. Nakuha noong 2007-03-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.