Servillano Aquino

Pilipinong heneral noong Himagsikang Pilipino

Si Servillano Aquino (Abril 20, 1874 sa Angeles, Pampanga[a] – Pebrero 3, 1959 sa Tarlac) ay isang heneral at politiko mula sa Pilipinas. Naging isang Katipunero din siya pagkatapos sumali sa hukbong rebolusyonaryo ni Andres Bonifacio at pinamunuan ang pangunahing hukbo sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Francisco Makabulos. Naging heneral din siya sa ilalim ni Emilio Aguinaldo at nagsilbing delegado ng Kongreso ng Malolos mula 1898 hanggang 1899 na kinakatawan ang lalawigan ng Samar. Tinatawag sa palayaw na Apung Mianong, isa rin siyang mason.[3][4]

Servillano Aquino
Kasapi ng Kongreso ng Malolos mula sa Samar
Nasa puwesto
Setyembre 15, 1898 – Nobyembre 13, 1899
Nagsisilbi kasama ni Javier González Salvador at Juan Tongco
Personal na detalye
Isinilang
Servillano Aquino y Aguilar

20 Abril 1874(1874-04-20)
Angeles, Pampanga, Kapitaniya Heneral ng Pilipinas
Yumao3 Pebrero 1959(1959-02-03) (edad 84)
Tarlac, Pilipinas
AsawaGuadalupe Quiambao
Petronila Estrada
Belen Sanchez
Anak
KaanakPamilyang Aquino
PropesyonRebolusyonaryo
Serbisyo sa militar
Sangay/SerbisyoPanghimagsikang Hukbong Katihan ng Pilipinas
Taon sa lingkod1896–1902
RanggoHeneral
Labanan/DigmaanHimagsikang Pilipino
Digmaang Pilipino-Amerikano

Kilala siya sa paglaban sa mga Kastila at Amerikano sa pagpalit mga dantaong ika-19 at ika-20.[5][6]

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Servillano Aquino noong Abril 20, 1874[1] sa Angeles, Pampanga[7] kina Don Braulio Aquino y Lacsamana at Doña Maria Antonina Petrona Aguilar de Hipolito.[8] Ninuno ni Maria Antonina ang tagapagtatag ng Angeles na si Don Angel Pantaleon de Miranda.[2] Nagkaroon ng anim na anak pa sina Braulio at Maria Antonina na ipinanganak lahat sa Angeles. Noong siyam na taon si Servillano, lumipat ang pamilya sa Concepcion, Tarlac kung saan naging gobernadorcillo si Braulio mula 1885 hanggang 1887.[9] Namatay ang ina ni Servillano sa gulang na 33 at muling nag-asawa ang kanyang ama at nagkaroon ng anak na nagngangalang Elena, na kapatid sa ama ni Servillano.[2]

Pagkatapos mag-aral sa Maynila, pinakasalan ni Servillano si Guadalupe Quiambao, na kilalang isang espadatsinang Kapampangan.[2] Tumira sina Servillano at Guadalupe sa Murcia, Tarlac kung saan naging alkalde[10] o munisipal presidente si Servillano ng Murcia noong dekada 1890.[11] Nagkaroon sina Servillano at Guadalupe ng tatlong anak na puro lalaki, na isa dito si Benigno Sr., na ama ni Benigno Aquino Jr. at lolo ni Benigno Aquino III.[12] Ipinanganak si Benigno noong 1894; nauna ipinanganak ang kanyang kapatid na si Gonzalo noong 1893 at ang bunsong kapatid na si Amado ay ipinanganak noong 1896.[13]

Noong 1896, naging isang mason si Servillano at sumali sa hukbong rebolusyonaryo ni Andres Bonifacio sa kalaunan. Dahil dito, naging Katipunero siya sa ilalim ni Heneral Francisco Makabulos. Inorganisa nila ang mga puwersang lalaban sa mga Kastila. Isa siya sa mga pumirma sa Konstitusyong Biak-na-Bato, at dahil sa hindi niya pagsang-ayon kay Heneral Makabulos, at hindi rin siya sang-ayon sa mga probisyong nakasulat sa konstitusyon, nagpatapon siya ng sarili sa Hong Kong kasama ni Pangulong Emilio Aguinaldo.

Nang naging gobenardor ng militar si Servillano, muling siyang sumama kay Heneral Makabulos upang ipagpatuloy ang laban sa mga Kastila at palayain ang lalawigan ng Tarlac noong Hulyo 19, 1898. Nang inatake ang mga bayan ng Tarlac kabilang Murcia, napaslang ang kanyang asawang si Guadalupe. Pagkatapos mabalo, pinakasalan niya ang kanyang hipag na si Petronila at nagkaroon sila ng anak na nagngangalang Fortunata. Nagsilbing naman si Servillano bilang delegado ng Kongreso ng Malolos mula 1898 hanggang 1899 na kinakatawan ang lalawigan ng Samar.[7][14]

Noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, naging heneral si Servillano at nakilala siya sa pagtanggol ng Kalookan kasama si Heneral Antonio Luna. Nang binitang siyang pumatay sa isang bilanggong Amerikano,[15] humarap siya militar na korte at nakulong sa Bilibid at nahatulang na ibigti. Inapela umano ito ng kanyang abogado na Heneral Thomas Harigan sa Pangulo ng Estados Unidos na si Theodore Roosevelt para sa habang-buhay na pagkakakulong subalit ginawaran siya ng ganap na pardon o pagpapawalang-sala ni Roosevelt, at napalaya.[11]

Pagkatapos makulong ng dalawang taon at walong buwan, naging pribadong mamamayan at tinanggihan ang politika subalit nagkokonsulta pa rin siya sa mga ugnayang pampolitika. Sa gulang na 72, pinakasalan niya ang kanyang ikatlong asawa, si Belen Sanchez, at nagkaroon sila ng anak na si Herminio, na naging kongresista at kandidato sa pagkapangalawang pangulo noong 2004.

Noong 1956, nagkaroon siya ng opera sa kanyang tadyang.[16] Namatay si Servillano sa gulang na 84 noong Pebrero 3, 1959.

Pamana

baguhin

Noong 1937, nagdonasyon si Servillano ng lupain para itayo ang templong mason sa Tarlac, Tarlac.[3] Sa bisa ng Batas Republika Blg. 3494, pinalitan ang pangalan ng kampong militar sa San Miguel, Tarlac, Tarlac na Kampo James Ord sa Kampo Servillano Aquino noong Hunyo 16, 1962.[17] Isang panandang makasaysayan ang itinayo sa Concepcion, Tarlac noong 2021 para parangalan si Servillano. Ito ang unang pampublikong pananda sa Concepcion.[11] Ang pangalawang pananda naitayo ay matatagpuan naman sa pamanang (o ansestral na) tahanan ng mga Aquino sa Concepcion din.[12]

Mga pananda

baguhin
  1. May mga sanggunian na nagsasabi na ipinanganak siya sa Concepcion, Tarlac[1] at mayroon naman nagsasabing ipinanganak siya sa Angeles, Pampanga subalit lumipat silang pamilya noong siyam na taon pa lamang si Servillano sa Concepcion, Tarlac.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Velasco, Rheno A. (1997). "THE GREAT FILIPINO HEROES - SUPPLEMENTARY FOR THE STUDENTS" (PDF). Department of Foreign Affairs. Locan Publishing House. p. 90. ISBN 971-668-025-2. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2021-08-29. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Tantingco: Noynoy Aquino's Kapampangan roots". SunStar Publishing Inc. (sa wikang Ingles). 2010-05-31. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Isagani | The Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines". grandlodge.ph. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "History of Masonry in the Philippines. Chronology, 1901-1918". Philippine Center for Masonic Studies (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Kashiwahara, Ken (1983-10-16). "AQUINO'S FINAL JOURNEY". The New York Times Magazine. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "ESSENTIAL CORY AQUINO - HER LIFE WITH NINOY AQUINO". coryaquino.ph. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Servillano Aquino was born in Angeles, Pampanga April 20, 1874". The Kahimyang Project (sa wikang Ingles). 2012-04-19. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Pascual Jr, Federico D. (2016-01-30). "'The Macabebe in Noynoy Aquino'". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Vibal, Gus (2020-04-02). "The Story Behind The Aquino and Cojuangco Clans". Tatler Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "For trivia-hunters, Benigno S. Aquino III and the presidency (updated) – Manuel L. Quezon III". www.quezon.ph. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 11.2 Calayag, Maria Adelaida (2021-02-04). "NHCP, TSU unveils Gen. Aquino's marker in Concepcion town". Tarlac State University - The official website of Tarlac State University. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Lara, Tanya (2021-02-25). "LOOK: The ancestral house of the Aquinos of Tarlac". Philstar Life. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Joaquin, Nick (1983). The Aquinos of Tarlac: An Essay on History as Three Generations (sa wikang Ingles). Cacho Hermanos.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Rest in Peace, Mr. President". BusinessMirror (sa wikang Ingles). 2021-06-24. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "VERA FILES FACT CHECK: Online post REWRITES and DISTORTS Aquino family history". VERA Files (sa wikang Ingles). 2018-06-29. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Official Month in Review: September 16 – September 30, 1956". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). 1956-09-30. Nakuha noong 2023-11-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  17. "Republic Act No. 3494". lawphil.net. Nakuha noong 2023-11-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)