Servius Tullius
Si Servius Tullius ay ang maalamat na ikaanim na hari ng Roma, at ang pangalawa sa dinastiyang Etrusko nito. Naghari siya mula 578 hanggang 535 BK.[1] Inilarawan ng mga sulating Romano at Griyego ang kaniyang pinagmulang servile at nang kalaunan ay pinagasawaan ng anak ni Lucius Tarquinius Priscus, ang unang Etruskong hari ng Roma, na pinaslang noong 579 BK. Si Servius ay sinasabing naging unang Romanong hari na naluklok sa puwesto nang walang halalan ng Senado, na nakuha ang trono sa pamamagitan ng popular na suporta;[2] at ang unang inihalal ng Senado lamang, nang walang pagsangguni sa mga mamamayan.
Servius Tullius | |
---|---|
Servius Tullius, sa isang ika-16 na siglong pagsasalarawang inilitha ni Guillaume Rouillé | |
Panahon | c. 578–535 BK |
Sinundan | Lucius Tarquinius Priscus |
Sumunod | Lucius Tarquinius Superbus |
Asawa | Gegania Tarquinia |
Ama | Publius |
Ina | Ocrisia |