Hari ng Roma
Ang Hari ng Roma ay isang titulong ginamit noong panahon ng Kahariang Romano at noong naitatag ang Banal na Imperyo Romano. Ang hari ng Roma ay ang punong mahistrado ng Kahariang Romano.[1] Ayon sa alamat, ang unang hari ng Roma ay si Romulus, na nagtatag ng lungsod ng Roma noong 753 BK sa Burol ng Palatino. Pitong maalamat na mga hari ang sinabing naghari sa Roma hanggang 509 BK, noong tanggalin sa luklukan ang huling hari. Ang mga haring ito ay namuno sa loob ng may 35 mga taon. Dahil nawasak ang mga talaan ng Roma noong 390 BK noong dambungin ang lungsod, imposibleng tiyak na mapag-alaman kung ilan talaga ang mga haring namuno sa lungsod, o kung tumpak ba ang anumang mga gawain na ikinakabit ng mga tao na pagdaka ay nagsulat hinggil sa indibiduwal na mga haring ito.
Ang mga hari pagkaraan ni Romulus ay hindi nalalaman kung mga tagapaglunsad ng dinastiya at walang pagtukoy na nagawa sa prinsipyong pangpagpapamana ng pagkahari, na napag-alaman lamang pagkaraan ng ikalimang hari na si Tarquinius Priscus. Bilang kinahinatnan, may ilang mga dalubhasa na nagpalagay na ang mga Tarquin at ang kanilang pagtatangkang magpasimula ng isang monarkiyang hereditaryo (monarkiyang namamana) sa ibabaw nito ay nagpahinuha ng mas naunang monarkiyang elektibo (monarkiyang hinahalal) na nagresulta sa pagbubuo ng Republikang Romano.
Maikling pagtanaw
baguhinAng maagang Roma ay hindi namamahala ng sarili, at pinamunuan ng isang hari (tinatawag na Rex), minsang magmula sa isang lungsod-estadong Etruskano. Ang hari ay mayroong lubos na kapangyarihan sa ibabaw ng mga tao. Ang Senado ay isang mahinang oligarkiya, na may kakayahang magsagawa lamang ng hindi pangunahing mga kapangyarihan, kung kaya't ang Roma ay pinamumunuan ng Etruskanong ganap na monarkiya. Habang ang Roma ay nagkaroon ng isang Senado, ang pangunahing tungkulin nito ay ang isakatuparan at pangasiwaan ang mga nais ng Hari.
Ang insigniya o sagisag ng hari ay ang labindalawang mga liktor na nagwawasiwas ng bungkos ng mga patpat na nakatali sa palakol (mga fasces), isang trono ng isang upuang Kurulo, ang purpurang Toga Picta, pulang mga sapatos, at isang puting diyademang nasa paligid ng ulo. Ang hari lamang ang nakapagsusuot ng isang purpurang toga.
Ang sukdulang kapangyarihan ng estado ay nakaatang sa hari, na dahil sa kanyang posisyon, siya ay naging:
Titulo | Paglalarawan |
---|---|
Ulo ng Estado | naglilingkod bilang pangunahing kinatawan ng Roma sa mga pakikipag-ugnayan nito sa mga kapangyarihang dayuhan at tumatanggap ng lahat ng mga dayuhang embahador. |
Ulo ng Pamahalaan | naglilingkod bilang punong tagapagpatupad na may kapangyarihan ipatupad ang mga batas, pamahalaan ang lahat ng mga ari-arian ng estado, pagpasyahan ang kahihinatnan ng teritoryong nasakop, at pangasiwaan ang lahat ng mga gawaing publiko. |
Punong Tagapag-atas | kumander o tagapag-atas ng Romanong militar na may tanging kapangyarihan na kumalap at isaayos ng mga lehiyon, magtalaga ng mga pinunong militar, at mangasiwa ng digmaan. |
Punong Pari | naglingkod bilang isang opisyal na kinatawan ng Roman at ng mga tao nito sa paanan ng diyos ng mga Romano na may kapangyarihan na para sa pangkalahatang pagtaban na pampangangasiwa sa relihiyong Romano. |
Punong Mambabatas | naghahanda, nagbubuo, at nagmumungkahi ng mga mungkahing pambatas o lehislatibo kung sa tingin niya ay kakailanganin. |
Punong Hukom | dinggin at pagpasyahan ang lahat ng mga kasong sibil at kriminal. |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Outline of Roman History William C. Morey, Ph.D., D.C.L. New York, Cincinnati, Chicago: American Book Company (1901)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Roma ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.