Sezzadio
Ang Sezzadio ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Alessandria, rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 80 kilometro (50 mi) timog-silangan ng Turin at mga 15 kilometro (9 mi) timog ng Alessandria.
Sezzadio | |
---|---|
Comune di Sezzadio | |
Simbahang parokya. | |
Mga koordinado: 44°47′N 8°34′E / 44.783°N 8.567°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Piamonte |
Lalawigan | Alessandria (AL) |
Mga frazione | Boschi |
Pamahalaan | |
• Mayor | Piergiorgio Buffa |
Lawak | |
• Kabuuan | 34.32 km2 (13.25 milya kuwadrado) |
Taas | 126 m (413 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 1,243 |
• Kapal | 36/km2 (94/milya kuwadrado) |
Demonym | Sezzadiese(i) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 15079 |
Kodigo sa pagpihit | 0131 |
Websayt | Opisyal na website |
May hangganan ang Sezzadio sa mga sumusunod na munisipalidad: Carpeneto, Cassine, Castelnuovo Bormida, Castelspina, Gamalero, Montaldo Bormida, Predosa, at Rivalta Bormida.
Ito ang lokasyon ng Abadia ng Santa Giustina, na itinatag noong 722 ng haring Lombardo na si Liutprando. Noong 1033 ang abbey ay pinalaki ng markes ng Sezzadio, Oberto, na nananatili sa ilalim ng mga Benedictino hanggang 1474. Ang simbahan ay may malaking cotto na patsada na hinati ng mga pilastro at nakoronahan ng mga Lombardong banda. Ang loob ay may nabe at dalawang pasilyo na nagtatapos sa mga abside. Sa mga abside ay may mga fresco mula sa ika-14 at ika-15 siglo, habang ang kripta ay may ika-11 na siglong mosaic na simento. Si Antonio Barbavara ay panandaliang Abadia noong 1428. Sinasabi ni Mark Knowles na si Antonio ang may-akda ng Voynich cipher na manuskritp.
Ang malaking simbahang parokya ay itinayo mula 1900 sa estilong neogotiko.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)