Ang salitang Sibyl ay nagmula sa pamamagitan ng wikang Latin mula sa salitang Griyego na σίβυλλα sibylla na nangangahulugang propetisa. Ang mga pinakamaagang manghuhulang orakular ng sinaunang panahon ay humula sa ilang mga sagradong lugar sa ilalim ng impluwensiya ng mga diyos na orihinal na sa Delphi at Pessinos. Kalaunan, ang mga sibylo ay gumagala sa iba't ibang mga lugar. Tulad ni Heraclitus, si Plato ay nagsalita lamang ng isang sybil. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, ang bilang nito ay dumami sa 9 na ang ikasampu na Tiburtinong Sybil na malamang ay Etruskano ay idinagdag ng mga Romano. Ayon sa Mga Institusyong Makadiyos ni Lactantius(ika-4 siglo CE na sumisipi mula sa isang nawalang akda ni Varro, unang siglo BCE), ang mga 10 sybil ay ang mga nasa sumusunod na talaan. Sa mga ito, ang tatlong pinakasikat na sybil ang Delphiko, Erythraean at Cumaean.

Sybil na Libyano

baguhin

Ang Sibyl na Libyano ay kinilala sa propetikong saserdotisang nangangasiwa sa orakulo ng sinaunang Zeus Amon(si Zeus ay kinakatawan ng mga sungay ni Amon) sa Siwa Oasis sa kanluraning disyerto ng Ehipto. Ang oraklulo ay dinulugan ni Dakilang Alejandro pagkatapos niyang sakupin ang Ehipto. Ang ina ng sybil na Libyano ay si Lamia na nangangahulugang maninila. Binanggit ni Euripides ang Sybil na Libyano sa kanyang prologo ng trahediyang Lamia.

Sybil na Delphiko

baguhin

Ang Sybil na Delphiko ang pigurang humula sa sagradong presinto ni Apollo sa Delphi na matatagpuan sa mga libis ng Bundok Parnassus. Inangkin ni Pausanias na ang Sybil na Delphiko ay "ipinanganak sa pagitan ng tao at diyosa, anak na babae ng mga halimaw ng dagat at isang walang kamatayang nimpa". Ang iba ay nagsabi na siya ay kapatid o anak ni Apollo. Ang iba ay nag-angkin na orihinal na natanggap ng Sybil na Delphiko ang kanyang mga kapangyarihan kay Gaia na nagpasa ng orakulo kay Themis na nagpasa naman kay Phoebe. Ang Sybil na Delphiko ay minsang ikinalilito sa Pythia na saserdotisa ni Apollo na humula sa Orakulong Delphi. Ang dalawang ito ay magkaiba at dapat tratuhing magkahiwalay na mga pigura.

Sybil na Cimmerian

baguhin

Pinangalanan ni Naevius ang Sybil na Cimmerian sa kanyang mga aklat ng Digmaang Puniko at Piso sa kanyang mga annal. Ang anak na lalake ng Sybil na si Evander ay nagtayo sa Roma ng dambana ni Pana na tinawag na Lupercal.

Sybil na Erythraean

baguhin

Ang Sybil na Erythraean ay nasa Eythrea na isang nayon ng Ionia. Pinatunayan ni Apollodorus ng Erythrea na kanyang kababayan ang Sybil na Erythraean]] at ito ay humula ng Digmaang Troyano at humula rin sa mga Griyego na kumikilos laban sa Ilium na ang Troya ay wawasakin at si Homer ay susulat ng mga hindi katotohanan. Ang salitang akrostiko ay unang nilapat sa mga hula ng Sybil na Erythraean na isinulat sa mga dahon at inayos upang mga ang inisyal na titik ng mga dahon ay palaging bubuo ng isang salita.

Sybil na Samiano

baguhin

Ang lugar na orakular nito ay nasa Samos.

Sybil na Cumaean

baguhin

Ang sibyl na ito ay malapit sa siyudad na Griyegong Naples na dinulugan ni Aeneas ni Virgil bago ang pagbaba nito sa mundong ilalim. Ang pananakop ng Cumaea ng mga Oscan noong ika-5 siglo ay wumasak sa tradisyon ngunit nagbibigay ng terminus ante quem para sa Cybil na Cumaean. Ang Sybil na Cumaean ang pinagpapalagay na nagbenta sa huling hari ng Roma na si Tarquinius Superbus ng orihinal na mga aklat na sibilino. Ang mga Krisitiyano ay lalong humanga sa Sybil na Cumaean dahil sa ikaapat na eclogue ni Virgil, kanyang hinulaan ang pagdating ng isang tagapagligtas na posibleng pambobolang pagtukoy sa patron ni Virgil ngunit tinukoy ng mga Kristiyano na si Hesus.

Sybil na Hellespontine

baguhin

Ang Hellespontine, o Sybil na Troyano ay nangasiwa sa orakulo ni Apollo sa Dardania. Siya ay ipinanganak sa nayon ng Marpessus malapit sa maliit na bayan ng Gergitha noong mga kapanahunan ng Solon at Dakilang Ciro.

Sybil na Phrygian

baguhin

Ang Phrygian Sibyl ay mukhang isang doubleta ng Hellespontine Sibyl.

Sybil na Tiburtine

baguhin

Sa mga klasikong sybil ng mga Sinaunang Griyego, ang mga Romano ay nagdagdag ng ikasampu na Tiburtine Sibyl na ang upuan ang sinaunang Sabino-Latin na bayan ng Tibur na modernong Tivoli. Ang mitikong pagpupulong ni Emperador Augustus sa Sybil kung saan ay kanyang tinanong ang Sybil kung dapat ba siyang sambahin bilang isang diyos ay isang pinaborang motif ng mga magsisining na Kristiyano.

Mga kalaunang Sybil

baguhin

Ang mediebal na Kristiyanisadong papel ng mga dinagdagang sybil na ito ay bilang mga prekursor, mga propeta ng Bagong Dispensasyon na mga kaalyadong Kristiyano sa daigdig na Helenistiko:

Dies irae, dies illa
Solvet saeclum in favilla
Teste David cum Sibylla.
("Ang Araw ng poot, ang araw na iyon/ay kakalag sa panahon ng abo/sa pagsaksi ni David kasama ng Sybil.")

Sa mga gitnang panahon, ang bilang ng mga sybil ay kinanonisa bilang 12 na isang simbolikong bilang.