Simon Flexner
Si Simon Flexner (25 Marso 1863–2 Mayo 1946) ay isang mangagamot, tagapangasiwa, at propesor ng patolohiya sa Pamantasan ng Pennsylvania (1899–1903). Siya ang tagapamahala ng Suriang Rockefeller para sa Pananaliksik Pampanggagamot (1901–1935), ang ngayong Pamantasang Rockefeller, at isang katiwala ng Pundasyong Rockefeller. Isa rin siyang kaibigan at tagapayo ni John D. Rockefeller, Jr. Siya ang nakatatandang kapatid ni Abraham Flexner at ng pinunong Syonistang si Bernard Flexner.
Simon Flexner | |
---|---|
Kapanganakan | 25 Marso 1863 |
Kamatayan | 2 Mayo 1946 |
Karera sa agham | |
Larangan | mangagamot |
Doctoral student | John D. Rockefeller, Jr. |
Isa sa mga pinakamahahalagang nagampanan ni Flexner ay ang mga pag-aaral ng polyomyelitis at ang pagsulong ng swero para sa meninghitis.
Ipinangalan sa kaniya ang ispesyeng Shigella flexneri.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.