Cosmic ray

(Idinirekta mula sa Sinag kosmiko)

Ang mga cosmic ray o mga sinag kosmiko ang napakataas na enerhiyang mga partikulo na pangunahing nagmumula sa sistemang solar. Ang mga ito ay maaaring lumikha ng mga pagbuhos ng mga segundaryong partikulo na tumatagos at sumasalpok sa atmospero ng mundo at minsan ay tumatama sa ibabaw ng mundo.

Isang pangunahing partikulong kosmiko na bumangga sa isang molekula ng atmospero.

Mga epekto

baguhin

Ang mga cosmic ray ay nag-iionize ng mga molekulang nitroheno at oksiheno sa atmospero na humahantong sa isang bilang ng mga reaksiyong kimikal. Ang isa sa mga reaksiyon ay nagreresulta sa pagkaubos ng ozone. Ang mga cosmic ray ay responsable rin sa patuloy na paglikha ng mga hindi matatag na isotopo sa atmospero ng mundo gaya ng carbon-14 sa pamamagitan ng reaksiyon:

n + 14N → p + 14C

Ang mga cosmic ray ay nagpapanatili sa lebel ng carbon-14[1] sa atmospero na tinatayang konstante (70 tonelada) sa hindi bababa sa huling 100,000 taon hanggang sa pagsisimula ng mga pagsubok ng mga sandatang nukleyar sa ibabaw ng lupa noong mga maagang 1950. Ang mahalagang katotohanang ito ang ginagamit sa pagpepetsang radiocarbon.

Ang mga cosmic ray ay bumubuo ng isang praksiyon ng taunang pagkalantad sa radyasyon ng mga tao sa mundo na may aberahang 0.39 mSv sa kabuuang 3 mSv kada taon (13% ng kabuuang background) para sa populasyon ng mundo. Ang background radiation mula sa mga cosmic ray ay tumataas sa altitude mula 0.3 mSv kada taon sa mga lugar na may lebel ng dagat hanggang sa 1.0 mSv kada taon para sa mga siyudad na may mas mataas na altitudo na nagtataas ng radyasyon na kosmiko sa isang-kapat ng kabuuang pagkalantad sa radyasyon para sa mga populasyon ng mga siyudad na ito. Ang mga airline crew na lumilipad sa mga rutang matataas na altitudo ay nalalantad sa 2.2 mSv ng ekstrang radyasyon kada taon dahil sa cosmic ray na halos doble ng kabuuang pagkakalantad sa nagiionisang radyasyon.

Ang mga cosmic ray ay may sapat na enerhiya para baguhin ang mga estado ng mga elemento sa elektronikong integradong sirkito na nagsasanhi ng mga kamalian gaya ng maling datos sa mga kasangkapang pangmemorya o mga hindi tamang pagganap ng mga CPU na kadalasang tinatawag na mga "soft errors". Noong 2010, ang isang malpunksiyon sa Voyager 2 space probe ay itinuturo sa isang bumaliktad na bit na malamang ay sanhi ng isang cosmic ray. Ito ay problema sa mga elektronikang nasa mataas na altitudo gaya ng mga satellite ngunit sa mga transistor na paliit ng paliit, ito ay nagiging isang papalaking pagkabahala sa elektronikang na sa lebel ng lupain.

Ang mga epekto sa kalusugan nito ay kinasangkutan ng parehong tuwirang pinsala sa DNA at mga hindi tuwirang epekto sanhi ng paglikha ng mga reakstibong species ng oksiheno. Ito ay maaaring magsanhi ng mga panganib sa kalusugang neurolohikal.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Trumbore, Susan (2000). Noller, J. S., J. M. Sowers, and W. R. Lettis (pat.). Quaternary Geochronology: Methods and Applications. Washington, D.C.: American Geophysical Union. pp. 41–59. ISBN 0-87590-950-7. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-21. Nakuha noong 2013-10-05.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link)