Ang sirena ay isang malakas na kagamitan na lumilikha ng isang malakas na ingay. Ang mga sirenang depensang sibil ay nakakabit sa mga nakapirming lokasyon at ginagamit ito upang magbigay ng babala sa mga paparating ng mga likas na sakuna o pag-atake. Ginagamit din ang mga sirena sa mga sasakyan tulad ng mga ambulansya, kotse ng pulis, trak ng bumbero. Mayroon itong dalawang pangkalahatang uri: niyumatiko at elektroniko.

May 8,200 sirenang alarma para proteksyong sibil sa buong Switzerland. Sinusubok ang mga ito isang beses bawat taon, sa unang Miyerkules ng Pebrero.[1] tungkol sa tunog na ito Pakita ng tunog 

Sa wikang Pilipino o wikang Tagalog, kolokyal na tinatawag ang sirena partikular kapag nilalagay sa sasakyan bilang wang-wang na inilalarawan din ang tunog nito. May batas sa Pilipinas, ang Atas Pampangulo Blg. 96, ang nagbabawal sa hindi awtorisadong paglalagay at paggamit ng mga sirena at mga katulad na kagamitan sa mga sasakyan.[2] Isinabatas ito noong 1973 ng noong Pangulong Ferdinand Marcos sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081. Noong inagurasyon ng pagkapangulo ni Benigno Aquino III, binigyan diin niya ang batas na ito na kalaunan nakilala bilang wang-wang policy o "polisyang wang-wang"[3][4] na pinagpatuloy din ng sumunod na pangulo na si Rodrigo Duterte.[5]

Pambabalang sirena at ilaw pang-emerhensiya na nakakabit sa isang trak ng bumbero

Mga sanggunian

baguhin
  1. Testing sirens Naka-arkibo 2020-02-08 sa Wayback Machine., Swiss Federal Office for Civil Protection (hinango noong 7 Setyembre 2013, sa Ingles).
  2. "P.D. No. 96". www.lawphil.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-11-19. Nakuha noong 2019-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lo, Vicente Carlo S. (2010). "The Sound of Sirens: Renewed Interest in Presidential Decree No. 96 and Other Related Issuances" (PDF). ateneolawjournal.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2019-11-26. Nakuha noong 2019-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Dizon, David (2011-07-15). "'Anti-wang-wang policy' working: PNoy". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Lopez, Virgil (2018-05-03). "Duterte keeping Noynoy's no 'wang wang' policy". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)