Choi Si-won

(Idinirekta mula sa Siwon)

Si Choi Si-won (Koreano최시원; Hanja崔始源; ipinanganak noong 7 Abril 1986 ngunit opisyal na itinala bilang 10 Pebrero 1987)[kailangan ng sanggunian], na mas kilala rin bilang Siwon (Koreano시원; Hanja始源), ay isang mang-aawit, mananayaw, at modelo na taga Timog Korea. Kinikilala siya bilang kasapi ng bandang K-pop na Super Junior at ng sub-grupo nitong Super Junior-M. Isa siya sa mga apat na artistang Timog Koreano na lumitaw sa tatak pangliham na Tsino.[1]

Siwon
Si Siwon sa LG Optimus Super Junior Fan meeting sa Chateau de Chine sa Kaohsiung, Taiwan noong Nobyembre 2011
Si Siwon sa LG Optimus Super Junior Fan meeting sa Chateau de Chine sa Kaohsiung, Taiwan noong Nobyembre 2011
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakChoi Si-won
Kapanganakan7 Abril 1986
Seoul, Timog Korea
PinagmulanSeoul, Timog Korea
GenreK-pop, mandopop, dance-pop, hip-hop, R&B
TrabahoMang-aawit, artista, mananayaw, modelo
Instrumentotinig, tambol, piano, gitara
Taong aktibo2003–kasalukuyan
LabelSM Entertainment
Websitehttp://www.choisiwon.com
Korean name
Hangul
Hanja
Binagong RomanisasyonChoe Si-won
McCune–ReischauerCh'oe Siwŏn

Talambuhay

baguhin

Bago naging mang-aawit at artista

baguhin

Mayroong nakababatang kapatid na babae si Siwon - si Jiwon. Kasalukuyang CEO ang kanyang ama ng Boryung Medience, isang kompanyang parmasyutiko.[2] Nakapagtapos siya sa Gu Jeong High School noong Pebrero 2006. Debotong Protestanteng Kristyano si Siwon, tulad ng binanggit niya sa isang panayam na sa pagtapos ng kanyang karera, nais niyang maging isang misyonaryo.[3]

Namataan si Siwon ng isang ahenteng pang-talento mula sa SM Entertainment noong 16 taong gulang pa lamang siya habang hinihintay niya ang kanyang mga kaibigan sa harap ng kanilang paaralang pang-mataasan. Inirekomenda sa kanya ng ahente na mag-awdisyon para sa Starlight Casting System ng naturang kompanya. Nag-awdisyon siya nang walang pahintulot mula sa kanyang mga magulang; napaalalahanan naman ang kanyang mga magulang pagkatapos niyang pumasa sa mga awdisyon. Baga ma't pinayagan siya ng mga magulang niya na pumirma ng kontrata sa SM Entertainment, hindi siya binigyan ng ano mang tulong dahil sa pagnanais nilang akuin ni Siwon ang mga responsibilidad niya sa kanyang mga gawain.[4]

Matapos ay lumipat siya sa dormitoryo kasama ng kanyang mga katuwang sa pag-ensayo at inensayo siya sa larangan ng pag-awit, pag-arte, at pag-sayaw. Itinampok siya sa isang music video ni Dana ng The Grace habang ineensayo siyang bilang soloista noong 2003. Pagkatapos ng isang taon, gumawa ng maikling pagpapakita si Siwon sa isang munting drama na Precious Family at umulit noong 2005 sa Eighteen Twenty-Nine ng KBS Drama bilang batang Kang Bong-man at pangsuportang papel ni Park Sang-woo sa Spring Waltz noong 2006.

2005-2006: Unang paglabas kasama ang Super Junior

baguhin
 
Si Choi Siwon sa konsiyertong SM Town Live sa Bangkok, Taylanda noong Pebrero 2009.

Naglabas ng anunsiyo ang SM Entertainment na opisyal siyang magde-deybyu bilang isa sa mga labindalawang kasabi ng bandang pangkalalakihan. Ilang buwan bago ang debut ng Super Junior 05, isinagawa ni Siwon ang unang opisyal na pagpapakitang pang-medya kasama ang ka-bandang si Han Geng bilang isa sa mga modelong pangt-runway sa isang fashion show ni Bum Suk.

Opisyal na nagsimula si Siwon na bahagi ng Super Junior 05 na binubuo ng 12 kasapi noong ika-6 ng Nobyembre 2005 sa programang pang-musika ng SBS na Popular Songs kung saan itinanghal nila ang kanilang kauna-unahang sensilyong "Twins (Knock Out)".[5][6] Ang kanilang debut album na SuperJunior05 (Twins) ay inilabas pagkalipas ng isang buwan noong ika-5 ng Disyembre 2005 at umakyat sa ika-3 sa buwanang MIAK K-pop album charts.

Noong Marso 2006, nagsimulang maghanap ang SM Entertainment ng mga bagong kasapi para sa susunod na henerasyon ng Super Junior. Subalit nag-iba ang mga plano at huminto ng naturang kumpanya sa pagbuo ng magiging henerasyon ng Super Junior. Kasunod ng pagkaka-dagdag ng ika-labingtatlong kasapi na si Kyuhyun, itinanggal ng grupo ang hulaping "05" at naging opisyal na rin ang pangalang "Super Junior".[7] Ang unang CD sensilyo ng kaka-bagong grupo "U" ay inilabas noong ikaw-7 ng Hunyo 2006, na siyang pinaka-matagumpay nilang sensilyo hanggang sa paglabas ng "Sorry, Sorry" noong Marso 2009.[8]

Pilmograpiya

baguhin

Mga pelikula

baguhin
Year Title Role
2006 A Battle of Wits Prince Liang Shi
2007 Attack on the Pin-Up Boys student body president
2010 Super Show 3 3D Sarili
2012 I AM. - SM Town Live World Tour in Madison Square Garden Sarili [9]
2013 Super Show 4 3D Sarili
2015 Dragon Blade
2015 To the Fore
2015 Helios Pok Yu Chit

Mga dramang pantelebisyon

baguhin
Year Title Role
2004 Precious Family Kameyo
2005 Eighteen, Twenty-Nine Kang Bong-man
2006 Spring Waltz Park Sang-woo
2006 Mystery 6 Sarili
2006 Super Junior Mini-Drama Siwon
2007 Legend of Hyang-dan Lee Mong-ryong
2009 Stage of Youth Shiyuan
2010 Oh! My Lady Sung Min-woo
2010–11 Athena: Goddess of War Kim Jun-ho
2011 Poseidon Kim Sun-woo
2011–12 Skip Beat! Ren Tsuruga
2012 Ru Guo Hui Dao Cong Qian/ Turn Around Fall In Love Song Chenxi
The King of Dramas Kang Hyun-min
2015 Billion Dollar Heir Lu Zi Hao

Pagpapakita sa mga bidyong musika

baguhin
Taon Awitin Mga akto o mang-aawit
2003 What is Love Dana
2006 Timeless Zhang Liyin & Junsu
2008 I Will Zhang Liyin
2008 The Left Shore of Happiness (幸福的左岸) Zhang Liyin
2009 Firefly Ariel Lin
2009 S.E.O.U.L. Super Junior & Girls' Generation
2010 Hoot Girls' Generation
2014 "Motorcycle" Donghae & Eunhyuk

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Super Junior-M to appear on postage stamps". Newsen (sa wikang Koreano). 2008-12-08. p. 1. Nakuha noong 2008-12-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Siwon's father identified as a CEO". Allkpop. 2011-01-04. Nakuha noong 2011-12-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Panayam ng Talk Asia ng CNN
  4. An episode of Behind Story
  5. "2005 Super Junior's official debut" Ent.hunantv.com. Retrieved 2011-12-25 (sa Tsino)
  6. "SM Unveils 12-Membered Boy Group Named Super Junior" Naka-arkibo 2011-09-12 sa Wayback Machine. Arirang.co.kr. 27 Oktubre 2005. Retrieved 2011-12-25
  7. "Super Junior adds new member, transformed into 13-person super group" Sina.com. 24 Mayo 2006. Retrieved 2011-05-08 (sa Tsino)
  8. "SuperJunior releases third studio album" Naka-arkibo 2009-03-18 sa Wayback Machine. Epaper.jinghua.cn. 14 Marso 2009. Retrieved 2011-12-25 (sa Tsino)
  9. "Documentary Shows Top K-Pop Singers Behind the Scenes". Chosun Ilbo. 2 Mayo 2012. Nakuha noong 4 Mayo 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)