Siyam na gatlang na guhit

Ang siyam na gatlang na guhit (Ingles: nine-dash line) o guhit na hugis U ay isang linyang ginuhit ng pamahalaan ng Tsina, sa Dagat Timog Tsina. Inaangkin ng Tsina ang 80% ng nasabing dagat, kabilang na ang Dagat Kanlurang Pilipinas na nasa eksklusibong sonang ekonomiko o EEZ ng Pilipinas. Pinoprotesta ito ng lahat ng mga kasangkot na bansa sa lugar na ito (ang Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Brunei, at Vietnam). Mayaman sa likas na yaman ang Dagat Timog Tsina lalo na ang langis na krudo.[1]

Ang siyam na gatlang na guhit na inaangkin ng Tsina

Mga sanggunian

baguhin
  1. Jamandre, Tessa (14 Abril 2011). "PH protests China's '9-dash line' Spratlys claim". Malaya. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-04-19. Nakuha noong 2 Hunyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.