Soju
Ang soju ( /ˈsoʊdʒuː/; mula sa Koreanong: 소주; 燒酒 [so.dʑu]) ay isang dalisay na inumin mula sa Korea.[1][2][3] Kadalasang iniinom ito nang walang halo, at mula 16.8% hanggang 53% ang antas ng alkohol o alcohol by volume (ABV) nito.[4][5] Karamihan sa mga tatak ng modernong soju ay ginawa sa Timog Korea. Kahit ayon sa kaugalian na ginawa mula sa bigas trigo, o sebada ang soju, karamihan sa mga malalaking tatak ay pumapalit ng kanin sa iba pang mga gawgaw tulad ng patatas, kamote, o balinghoy (na tinatawag na dangmil sa Koreano).
Uri | Barikin |
---|---|
Bansang pinagmulan | Korea |
Rehiyong pinagmulan | Andong |
Antas ng alkohol | 16.8–53% |
Kulay | Dalisay |
Kasangkapan | Rice |
Soju | |
Hangul | 소주 |
---|---|
Hanja | 燒酒 |
Binagong Romanisasyon | Soju |
McCune–Reischauer | Soju |
Etymolohiya
baguhinAng kahulugan ng soju (소주; 燒酒) ay "sumusunog na alak", kung saan tumutukoy ang unang pantig so (소; 燒; "sunugin") sa init ng distilasyon, at "barik" naman ang kahulugan ng ikalawang pantig ju (주; 酒).[6] Noong 2008, isinama ang "soju" sa Merriam-Webster Dictionary.[7] Pinetsahan ng Merriam-Webster ang paglitaw ng salita sa sansalitaan ng Amerikanong Ingles sa 1951.[2] Noong 2016, isinama ang salita sa Oxford Dictionary of English.[8] Magkaparehas ang pinagmulan ng salitang soju sa shāojiǔ (烧酒) ng Tsino na mas kilala bilang báijiǔ (白酒), at ang shōchū (焼酎) ng Hapon na may ibang pangalawang titik.
Ang alternatibong pangalan ng soju ay noju (노주; 露酒; "agwardyenteng hamog"), kung saan iwinawangis ng kanyang unang letra ro (로; 露; "dew") ang mga patak-patak ng mga inipong alkohol sa proseso ng distilasyon sa patak ng hamog.[9][10] Kabilang sa mga tatak ng soju ang iseul (이슬), ang katutubong salita ng mga Koreano para sa "dew", o ro (로; 露), ang salitang Sino-Koreano para sa "hamog".
Kasaysayan at produksyon
baguhinNagmula ang soju sa ika-13 siglong Goryeo, kung kailan ipinakilala ang Lebantinong pamamaraan ng distilasyon sa Tangway ng Korea noong mgapagsalakay ng Monggol sa Korea (1231–1259), ng mga Monggol ng Yuan na nakakuha ng pamamaraan ng pagdistila ng arak mula sa mga Persyano noong kanilang mga pagsasalakay ng Lebante, Anatolia, at Persya.[11] Itinayo ang mga distilerya sa lungsod ng Gaegyeong, ang dating kabisera (Kaesong sa kasalukuyan). Sa mga pumapaligid na lugar sa Kaesong, arak-ju (아락주) pa rin ang tawag sa soju.[12]
Nagsimula ang Andong soju, ang direktang pinanggalingan ng mga modernong baryante ng soju ng Timog Korea, bilang isang timplang bahay na likor liquor na nilinang sa lungsod ng Andong, kung saan nagkatagpo ang punong-himpilang panlohistiko ng mga Monggol ng Yuan sa panahong ito.[13]
Ayon sa kaugalian, ginagawa ang soju sa pamamagitan ng pagdistila ng alkohol mula sa pinangasim na butil.[14] Kadalasang pinapangasim ang alak-bigas para sa distiladong soju nang mga 15 araw, at kabilang sa pagdidistila ang pagkukulo ng nasalang, hinog na alak-bigas sa isang sot (kaldero) na pinapatungan ng soju gori (distilador na may dalawang palapag na may pipa). Noong dekada 1920, mayroong higit sa 3,200 serbeserya ng soju sa buong Tangway ng Korea.[15]
Tumukoy ang soju sa isang distiladong inumin na may 35% ABV hanggang 1965, kung kailan lumitaw ang pinalabnaw na soju na may 30% ABV noong pagbabawal ng pamahalaan ng Timog Korea sa tradisyonal na distilasyon ng soju mula sa bigas para makapagpabawa sa mga kakapusan ng bigas.[5][15] Sa halip nito, ipinangyari para sa soju ang lubos na distiladong etanol (95% ABV) mula sa kamote at balinghoy na nilagayan ng mga pampalasa, pampatamis, at tubig.[11][16] Minamarket ang mga produkto sa mga iba't ibang tatak ng soju. Isang tanging tagapagtustos (Korea Ethanol Supplies Company) ay ang nagbebenta ng etanol sa lahat ng tagagawa ng soju sa Timog Korea. Hanggang sa huling bahagi ng dekada 1980, sakarina ang pinakapopular na pampatamis na ginamit ng industriya, pero napalitan na ito ng istebyosido.[17]
Kahit ipinawalang-bisa ang pagbabawal noong 1999, patuloy-tuloy ang paggawa ng murang soju sa ganitong paraan. Dumadako ang pinalabnaw na soju sa mas mababang laman ng alkohol. Noong 1973, naging 25% ang ABV na dating 30%, at naging 23% ito sa 1998.[15] Sa kasalukuyan, laganap ang soju na may ABV na mas mababa sa 17%.[4]
Pinasimulan muli ng mga iilang rehiyon ang pagdistila ng soju mula sa mga butil mula noong 1999. Ang tradisyonal, gawang kamay na Andong soju ay may halos 45% ABV. Ang Hwayo (화요) ay isang tatak na may limang halo na bumubuo sa saklaw-ABV mula 17% hanggang 53%.[5]
Noong dekada 2000, nagsimulang mangibabaw ang soju sa merkado ng barikin sa buong mundo.[kailangan ng sanggunian] Jinro soju ang pinakamabentang barikin sa buong mundo nang higit sa isang dekada.[18][19] Nakatampok ang dalawa pang tatak ng soju, Chum Churum at Good Day, sa nangungunang 10, at nasa nangungunang 100 pandaigdigang barikin ng 2016 ang tatlo pang tatak ng soju.[18]
Etiketa
baguhinSoju sa labas ng Korea
baguhinTsina
baguhinMayroong mga iilang tatak ng soju sa labas ng Tangway ng Korea para sa populasyon ng etnikong Koreano, at ginagamit ng karamihan ang bigas bilang base dahil mas mura ito roon kaysa sa Timog Korea. Inaangkat din ang soju mula sa Hilaga at Timog Korea mula sa mga bahay-kalakal tulad ng Jinro.[20]
Canada
baguhinNapapailalim ang mga barikin sa Canada sa mga alituntunin na nag-iiba ayon sa lalawigan. Sa Ontario, ibinebenta ang soju ng pinapatakbo sa lalawigan na Lupon ng Pamamahala sa Barikin ng Ontario (LCBO), ngunit hindi ito mahahanap sa lahat ng mga lokasyon. Ibinebenta ng LCBO ang mga iba't ibang bilang ng iba't ibang uri ng soju; kadalasang may tatlo o apat na tatak na ikinakarga sa sistema sa lahat ng oras. Hindi lahat ng mga lokasyon ng LCBO ay may soju, noong inumpisa na ng LCBO ang pagbili online, maaari na itong bilhin para maihatid sa bahay saanman sa lalawigan. Ibinebenta ito ng halos lahat ng mga Koreanong restawran na may lisensyang pambarikin ng AGCO.[kailangan ng sanggunian] Sa mga ibang lalawigan ng Canda, maaaring pribado o malapribado ang pagbebenta ng barikin. Sa Alberta, bilang halimbawa, maaaring ikarga ng isang alakan ang mga dose-dosenang tatak ng Soju.[21]
Estados Unidos
baguhinHindi saklaw ang pagbenta ng soju sa mga batas sa paglilisensya ng alak sa mga estado ng California at New York na may kaugnayan sa pagbenta ng ibang mga distiladong barikin na nagpapahintulot sa mga negosyo na may lisensyang panserbesa/pang-alak na magbenta nito nang hindi kailangan ng mas mahal na lisensya na kailangan para sa mga ibang barikin.[22] Ang tanging kondisyon ay dapat malainaw ang pagtatak ng soju at naglalaman ito ng mas mababa sa 25% alkohol.[23]
Humantong ito sa paglitaw sa Estados Unidos ng mararaming katumbas batay sa soju ng mga tradisyonal na Kanlurang halo-halong inumin na karaniwang batay sa vodka o iba pang barikin tulad ng soju martini at soju cosmopolitan. Isa pang kinahinatnan nito ang pagsimula ng pagtatatak ng mga kahawig na distiladong barikin mula sa ibang bahagi ng Asya, tulad ng shōchū ng Hapon bilang soju para sa pagbenta sa mga rehiyong iyon.[24]
Nakisosyo ang dibisyong Amerikano ng Jinro kay PSY, isang Koreanong pop star para itaguyod ang Soju sa Amerika, at sa 2013 nakisoyso sa Los Angeles Dodgers para magbenta ng Soju sa kanilang mga laro.[25]
Mga tatak
baguhinAng Jinro ay ang pinakamalaking tagagawa ng soju na responsable para sa kalahati ng lahat ng bariking puti na nabenta sa Timog Korea.[26] Bumubuo ang soju sa 97% ng kategorya. 750 milyong bote ang pandaigdigang benta sa 2013.[27] Sa kasalukuyan, ang pinakasikat na baryante ng soju ay Chamisul[26] (참이슬 - literal na "totoong hamog"),[kailangan ng sanggunian] isang soju na piniltro ng apat na beses na gawa ng Jinro, ngunit kamakailan lamang pinalalaki ng Cheoeum-Cheoreom (처음처럼, lit. "tulad ng unang beses") of Lotte Chilsung (롯데칠성) at Good Day (좋은데이) ng Muhak (무학) ang kanilang bahagi sa merkado. Gayunman, naiiba ang katanyagan ng mga tatak ayon sa rehiyon. Sa Busan, C1 Soju (시원 소주) ang lokal at pinakasikat na tatak. Popular naman ang ipsaeju (잎새주 - "bariking dahon") sa rehiyon ng Jeollanam-do.[28] Ang Kalakhang Daegu ay may kanyang sariling tagagawa ng soju, Kumbokju, na may sikat na tatak na Cham (참).[29][30] Sa karagdagang hilaga ng parehong probinsya, ang Andong Soju ay isa sa mga natitirang tradisyonal na dinidistilang tatak ng soju sa Korea.[31] Sa Espesyal na Lalawigang Namamahala sa Sarili Jeju-do, ang Hallasan Soju ay ang pinakalaganap na tatak na ipinangalan sa pangunahing bundok ng isla, Bundok Halla.[28] Bilang karagdagan, mayroon ding pureun-bam[32](푸른 밤/meaning: bughawing gabi) na gawa ng Jeju-soju[33]. Sa Gyeongsangnam-do at Ulsan, Good Day (Hangul: 좋은데이) ang pinakasikat na gawa ng Muhak sa Changwon.[28] Gayunman, as sandaling tumawid sa hangganan mula hilagang Ulsan patungong Gyeongju sa Gyeongsangbuk-do, halos imposible nang bumili ng Puting Soju, at ang pinakasikat na tatak ay Chamisul at Cham. Mula noong 2015, kabilang sa naging bahagi ng mga bagong uso sa soju ang soju de-prutas at kumikinang na soju na sumisikat nang sumisikat sa Korea.[34][kailangan ng sanggunian]
Pagkonsumo
baguhinKahit sumisikat na ang serbesa, whiskey, at alak sa mga kamakailang taon, nananatiling isa sa mga pinakapopular na barikin ang soju sa Korea dahil sa kanyang pagiging laganap at medyo mababang presyo. Higit sa 3 bilyon bote ang naubos sa Timog Korea noong 2004.[35] Noong 2006, tinantya na ang karaniwang Koreano na may-gulang (mas matanda sa 20) ay nakaubos ng 90 bote ng soju sa taong iyon.[36] Noong 2014, naiulat na nakaubos ang mga Timog Koreano ng edad ng pag-inom ng balasak ng 13.7 tagay ng barikin bawat linggo; ang tayahin ng Rusya, sa pangalawang lugar, ay 6.3. Salungat dito, ang pagkonsumo sa Estados Unidos ay 3.3 tagay, sa Canada ay 2.5, at sa Reyno Unido ay 2.3 tagay.[37]
Kaktel
baguhinKahit iniinom ang soju nang walang kasama ayon sa kaugalian, ginagamit ang soju sa mga iilang kaktel ang halong inumin bilang baseng barikin. Maaaring haluin ang serbesa at soju para makagawa ng somaek (소맥), isang portmanteau ng mga salitang soju at maekju (맥주 serbesa).[38] Mayroon ding pinalasang soju. Popular din ang paghalo ng prutas sa soju at iinumin ito sa kanyang anyong "lapunaw".[39] Isang popular na pinalasang soju rin ang soju de-yogurt (요구르트 소주) na kombinasyon ng soju, yogurt, at sodang limon-dayap.[40]
Ang poktanju (폭탄주) ("inuming bomba") ay binubuo ng isang tagay ng soju na hinulog sa pint ng serbesa (tulad sa isang boilermaker); iniinom ito nang mabilis.[41] Katulad ito sa bombang sake ng mga Hapon.[42]
Kung minsan, mali na tinutukoy ang soju bilang cheongju (청주), isang Koreanong alak-bigas. Ikinakamali rin ang mass-produced soju bilang Tsinong baijiu, isang bariking butil, and shōchū, isang inuming Hapones.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "soju". Oxford Dictionary of English. Oxford University Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Mayo 2019. Nakuha noong 14 Abril 2017.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "soju". Merriam-Webster Dictionary. Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 22 Nobyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Miller, Norman (2 Disyembre 2013). "Soju: the most popular booze in the world". The Guardian. Nakuha noong 13 Abril 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Park, Eun-jee (19 Nobyembre 2014). "Koreans looking for weaker soju". Korea JoongAng Daily. Nakuha noong 14 Abril 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 Hall, Joshua (17 Oktubre 2014). "Soju Makers Aim to Turn Fire Water Into Liquid Gold". The Wall Street Journal. Nakuha noong 24 Disyembre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "soju" 소주. Standard Korean Language Dictionary (sa wikang Koreano). National Institute of Korean Language. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Abril 2017. Nakuha noong 14 Abril 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Boutin, Paul (8 Hulyo 2008). "Merriam-Webster's new dictionary words for 2008". Gawker. Nakuha noong 22 Nobyembre 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "New words list June 2016". Oxford English Dictionary. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Abril 2017. Nakuha noong 14 Abril 2017.
{{cite news}}
: Unknown parameter|layurl=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "noju" 노주. Standard Korean Language Dictionary (sa wikang Koreano). National Institute of Korean Language. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Abril 2017. Nakuha noong 14 Abril 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pettid, Michael J. (2008). Korean Cuisine: An Illustrated History. London: Reaktion Books. p. 118. ISBN 978-1-86189-348-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 Cho, Ines (20 Oktubre 2005). "Moving beyond the green blur: a history of soju". Korea JoongAng Daily. Nakuha noong 14 Abril 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "soju" 소주. Doopedia. Doosan Corporation. Nakuha noong 7 Disyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 도, 현신 (2011). Jeonjaengi yorihan eumsigui yeoksa 전쟁이 요리한 음식의 역사. Seoul: Sidae Books. pp. 213–224. ISBN 978-89-5940-200-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jang, Gyehyang (1670). Eumsik dimibang 음식디미방 [Guidebook of Homemade Food and Drinks] (sa wikang Middle Korean). Andong, Joseon Korea.
말을 셰여 장 닉게 글힌 믈 두 말애 가 거든 누록 닷 되 섯거 녀헛다가 닐웨 지내거든 고 믈 두 사발을 몬져 힌 후에 술 세 사발을 그 믈에 부어 고로고로 저으라. 불이 셩면 술이 만이 나 긔운이 구무 가온드로 나 고 불이 면 술이 듯듯고 블이 듕면 노여 긋디 아니면 마시 심히 덜고 우희 믈을 로 라 이 법을 일치 아니면 온 술이 세 병 나니라
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link) - ↑ 15.0 15.1 15.2 Schwartzman, Nathan (25 Marso 2009). "90 Years of Soju". Asian Correspondent. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hulyo 2018. Nakuha noong 14 Abril 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chosun.com Infographics Team (29 August 2016). "증류식 소주 vs. 희석식 소주의 차이" [Differences between distilled vs. diluted soju]. The Chosun Ilbo (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Septiyembre 2020. Nakuha noong 13 September 2016.
{{cite news}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Chosun.com Infographics Team (22 Agosto 2016). "이슬과 땀의 술, 소주 한잔 하실래요?" [Liquor of dew and sweat: What about a glass of soju?]. The Chosun Ilbo (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Oktubre 2016. Nakuha noong 13 Setyembre 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 18.0 18.1 "Soju dominates Real 100" (PDF). International Wine and Spirit Research. 13 Hulyo 2016. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 Abril 2017. Nakuha noong 14 Abril 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Archibald, Anna (27 Agosto 2015). "Why You Should Be Drinking Korean Soju Right Now". Liquor.com. Nakuha noong 14 Disyembre 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jinro Brings New Soju Brand To China". Drinks Daily. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 9, 2016. Nakuha noong Disyembre 14, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-03-08. Nakuha noong 2016-05-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Soju Goes Where Vodka Cannot Tread, Los Angeles Times, June 27, 2002. (Accessed February 2011)
- ↑ "Ku Soju is under construction". www.kusoju.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-21. Nakuha noong 2020-01-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What is Sochu?". Sake World Homepage. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 22, 2012. Nakuha noong Nobyembre 22, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Move Over Vodka; Korean Soju's Taking A Shot At America". NPR. Nakuha noong Disyembre 14, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 26.0 26.1 "It's official: Jinro soju is the world's best-selling liquor". Cable News Network. Turner Broadcasting System, Inc. Nakuha noong Disyembre 15, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jinro Soju – the world leader". The Whiskey Exchange. Nakuha noong Disyembre 14, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 28.0 28.1 28.2 "The Most Popular Soju by Region in South Korea". Viki Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 3, 2016. Nakuha noong Disyembre 14, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Charm Soju". EtradeDaegu. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 2, 2016. Nakuha noong Nobyembre 22, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ð -"ִ "". Nakuha noong Nobyembre 22, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-02. Nakuha noong 2011-11-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 방영덕. "신세계, 제주소주 브랜드명은 `푸른밤`…소주 사업 본격화". mk.co.kr (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2019-03-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 제주소주. "제주소주". 제주소주 (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-12. Nakuha noong 2019-03-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ kang, pilsung (2016-03-22). "the sparkling soju and fruit soju are new trends".
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cigarette Sales Surge to Historic High". Chosun Ilbo. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 17, 2007. Nakuha noong Hunyo 29, 2005.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Let's Have a Soju Tonight". KBS World. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 9, 2010. Nakuha noong Enero 1, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "South Koreans drink twice as much liquor as Russians and more than four times as much as Americans". Quartz. Nakuha noong Disyembre 14, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Korean Drink Soju Cocktail : Socol, Somaek". Foodstoryist. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 27, 2016. Nakuha noong Disyembre 14, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Slushie Soju, a new way for Koreans (the #1 alcoholic beverage consumers) in the world to enjoy their favorite beverage". 6Theory Media, LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 22, 2015. Nakuha noong Disyembre 14, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "koreataste.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Heavy-Drinking Culture Challenged in S. Korea". The Seoul Times Company. Nakuha noong Disyembre 14, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sake Bomb". Autodesk Inc. Nakuha noong Disyembre 14, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Alamin ang tungkol sa Koreanong Soju, Serbesa at Alak Naka-arkibo 2010-07-24 sa Wayback Machine.
- Alamin pa ang tungkol sa Koreanong Soju Naka-arkibo 2009-07-27 sa Wayback Machine.
- Andong Soju
- Doosan Soju
- Web page ng Jinro Soju sa Ingles Naka-arkibo 2008-09-04 sa Wayback Machine.
- Marketplace Report – Soju sidesteps US liquor laws Naka-arkibo 2007-08-02 sa Wayback Machine.