Pasma
Ang Pasma (Ingles: spasm, musculoskeletal spasm) ay ang karamdaman ng pagkakaroon ng pagkirot at mahirap maipahiwatig na hindi maginhawang pakiramdam sa mga kalamnan (mga masel) at kasu-kasuan. Bukod sa pagiging katumbas ng salitang Ingles na spasm, sa malawak na kahulugan ang pasma ay maaaring tumukoy din sa pagkalumpo, palsy, pamamanhid, pulikat, at pamamawis ng mga palad at ng mga paa. Ang pasma ay maaaring isa sa mga paraan ng katawan ng tao upang ipahiwatig na labis na ang paggamit sa katawan o pagod na ang isa o maraming mga bahagi ng katawan.[1]
Mga sanhi
baguhinAng pasma ay maaaring dahil sa kapaguran ng mga kalamnan o mga masel, biglaang pagbabago sa mga kundisyon o kalagayan ng katawan (katulad ng biglang paglamig, dahil sa paliligo o paghuhugas ng kamay na gumamit ng malamig na tubig pagkatapos na maglaro ng isports habang mainit ang panahon; o kaya biglang nainitan ang katawan). Maaari ring maging sanhi ng pasma ang labis o hindi wastong paggamit ng mga masel at ng mga kasu-kasuan. Ang mga ibang kaso nito ay nagreresulta ng pagkamatay.[1]
Mga lunas
baguhinKabilang sa karaniwang panglunas ng pasma ang pag-inom ng mga gamot na pantanggal ng pananakit (katulad ng Ibuprofen, Paracetamol, at Mefenamic Acid); ang pahilot o pagmasahe sa apektadong bahagi ng katawan upang makapagbigay ng ginhawa at pahinga sa bahaging ito ng katawan; ang paggamit ng mga ungguwento (oinment), linimento, at efficascent oil kapag hinihilot ang apektadong bahagi ng katawan; at ang pagpapahinga ng apektadong bahagi ng katawan. Iminumungkahi ang pagpapatingin o pagpapakonsulta sa terapistang pang-okupasyon at sa duktor ng medisinang pangrehabilitasyon.[1]
Pag-iwas
baguhinKabilang sa pag-iwas sa pasma ang pag-iwas sa mga kalagayan na biglaang nakakapagpabago sa kalagayan ng katawan; ang hindi biglaang pagbabasa ng tubig ng katawan; ang pag-iwas na mainitan o malamigan ang katawan; ang pag-iwas na gutumin ang sarili. Nakakatulong din sa pag-iwas sa pasma ang pagbabawas ng dami ng gawain o panahon ng pagtatrabaho kung kailangan, at ang regular na pag-eehersisyo.[1]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.