Mefenamic acid

(Idinirekta mula sa Mefenamic Acid)

Ang Mefenamic acid o Asidong mefenamiko ay isang miyembro ng klaseng deribatibong asidong anthraniliko (o fenamate) ng mga gamot NSAID. Kadalasan itong ginagamit na panlunas sa kaunti hanggang katamtamang kirot, kasama na ang kirot dulot ng sapanahon o pagreregla, at ginagamit rin para malunasan ang mga sakit ng ulo na kaugnay ng pagreregla.[1][2] Hindi ito malawakang ginagamit dahil sa mga naitatalang kasamang epekto.[3][4]:334

Mefenamic acid
Datos Klinikal
Mga tatak pangkalakalPonstel, Ponstan
AHFS/Drugs.commonograph
MedlinePlusa681028
Kategorya sa
pagdadalangtao
  • AU: C
  • US: C (Hindi pa tiyak ang panganib)
Mga ruta ng
administrasyon
Bibig
Kodigong ATC
Estadong Legal
Estadong legal
Datos Parmakokinetiko
Bioavailability90%
Pagbuklod ng protina90%
MetabolismoAtay (CYP2C9)
Biyolohikal na hating-buhay2 oras
EkskresyonIhi (66%), dumi (20-25%)
Mga pangkilala
Bilang ng CAS
PubChem CID
IUPHAR/BPS
DrugBank
ChemSpider
UNII
KEGG
ChEBI
ChEMBL
ECHA InfoCard100.000.467
Datos Kemikal at Pisikal
PormulaC15H15NO2
Bigat Molar241.285 g/mol
Modelong 3D (Jmol)
 NY (ano ito?)  (patunayan)

Natuklasan at naibenta ito sa pamilihan ng Parke-Davis noong dekada ng 1960 sa ilalim ng pangalang Ponstan, Ponalar, Ponstyl, at Ponstel. Naging heneriko ito noong dekada ng 1980 at nagagamit na sa buong mundo sa ilalim ng ibat-ibang pangalan..[5] Noong 2015, mahigit 200 USD ang halaga ng medikasyon ng mefenamic acid sa Estados Unidos.[6]

Ginagamit ang mefenamic acid upang gamutin ang kaunti hanggang katamtamang kirot at kirot dulot ng sapanahon o pagreregla.[1] Hindi ito malawakang ginagamit.[3][4]:334

Kasamang epekto

baguhin

Nirerekomenda na kumain muna bago uminom ng mefenamic acid.[7]

Kasama sa mga kilalang kaunting kasamang epekto ng mefenamic acid ang pagsakit ng ulo, pagiging balisa at pagsusuka. May mga malalalang kasamang epekto rin ito tulad na lamang ng diarrhea, hematemesis (pagsusuka ng dugo), haematuria (dugo sa ihi), paglabo ng paningin, pangangati ng balak, sore throat at lagnat.[4]:334 Naiugnay rin ito sa talamak na pagkasira sa atay.[3]

Mekanismo ng aksiyon

baguhin

Tulad ng ibang miyembro ng klaseng deribatibong asidong anthraniliko (o fenamate) ng gamot NSAID, pinagbabawalan nito ang parehong anyo ng COX at pinipigilan ang pagbuo ng prostaglandins.[3][8]

Pagbuo

baguhin

Tulad ng sa fenamic acid, ang kompuwestong ito ay maaaring buuin mula sa 2-chlorobenzoic acid at 2,3-dimethylaniline.[9]

Tignan din

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 FDA Ponstel Label Updated February 19, 2008
  2. Pringsheim, T.; Davenport, W. J.; Dodick, D. (2008). "Acute Treatment and Prevention of Menstrually Related Migraine Headache: Evidence-Based Review". Neurology. 70 (17): 1555–1563. doi:10.1212/01.wnl.0000310638.54698.36. PMID 18427072.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 NIH LiverTox Database Mefenamic Acid Last updated June 23, 2015. Page accessed July 3, 2015
  4. 4.0 4.1 4.2 Jeffrey K. Aronson. Meyler's Side Effects of Analgesics and Anti-inflammatory Drugs. Elsevier, 2009 ISBN 9780080932941
  5. Drugs.com drugs.com international listings for mefenamic acid Page accessed July 3, 2015
  6. Hamilton, Richart (2015). Tarascon Pocket Pharmacopoeia 2015 Deluxe Lab-Coat Edition. Jones & Bartlett Learning. p. X. ISBN 9781284057560.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Side effects for Mefenamic Acid". Medline Plus. National Institutes of Health.
  8. Prusakiewicz JJ et al. Differential sensitivity and mechanism of inhibition of COX-2 oxygenation of arachidonic acid and 2-arachidonoylglycerol by ibuprofen and mefenamic acid. Biochemistry. 2009 Aug 11;48(31):7353-5 PMID 19603831 PMC 2720641
  9. Trinus, F. P.; Mokhort, N. A.; Yagupol'skii, L. M.; Fadeicheva, A. G.; Danilenko, V. S.; Ryabukha, T. K.; Fialkov, Yu. A.; Kirichek, L. M.; Endel'man, É. S.; Get'man, G. A. (1977). "Mefenamic acid — A Nonsteroid Antiinflammatory Agent". Pharmaceutical Chemistry Journal. 11 (12): 1706–1711. doi:10.1007/BF00778304.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Sanggunian

baguhin