Shinryaku! Ika Musume

(Idinirekta mula sa Squid Girl)

Ang Shinryaku! Ika Musume (侵略!イカ娘 The invader comes from the bottom of the sea!, lit. Pananakop! Babaeng Pusit), kilala sa Estados Unidos bilang Squid Girl, ay isang serye ng komedyang manga na isunulat ni Masahiro Anbe, na sinimulang inuran sa Weekly Shōnen Champion simula noong 2007. Nailathala ito sa Taywan ng Chingwin Publishing Group. Isang adapsiyong anime ng Diomedea ang ipinalabas sa TV Tokyo mula 4 Oktubre 2010 hanggang 20 Disyembre 2010,[1] habang ipinalabas ang pangalawang serye, na ipinangalang Shinryaku!? Ika Musume, sa bansang Hapon mula Septembre 26, 2011 hanggang 26 Disyembre 2011. Isang orihinal na bidyo ng animasyon ay ipapalabas sa 8 Agosto 2012.

Squid Girl
Shinryaku! Ika Musume
Pabalat ng unang bolyum ng manga
侵略!イカ娘 The invader comes from the bottom of the sea!
DyanraSupernatural, Komedya, Piraso ng buhay
Manga
KuwentoMasahiro Anbe
NaglathalaAkita Shoten
MagasinWeekly Shōnen Champion
DemograpikoShōnen
Takbo2007 – kasalukuyan
Bolyum11
Teleseryeng anime
DirektorTsutomu Mizushima
IskripMichiko Yokote
EstudyoDiomedea
Inere saTV Tokyo
Takbo4 Oktubre 2010 – 20 Disyembre 2010
Bilang12 (Listahan ng episode)
Teleseryeng anime
Shinryaku!? Ika Musume
DirektorTsutomu Mizushima (punong direktor), Yasutaka Yamamoto (direktor)
IskripMichiko Yokote
EstudyoDiomedea
Inere saTV Tokyo, AT-X
TakboSeptembre 26, 2011 – 26 Disyembre 2011
Bilang12 (Listahan ng episode)
Original video animation
EstudyoDiomedea
Inilabas noong8 Agosto 2012
 Portada ng Anime at Manga

Si Squid Girl, isang babae mula sa dagat na siyang may galamay na kaparaha sa pusit, ay ipinapangakong sasakupin ang sankatuahan bilang paghiganti sa pag-polusyon nito sa karagatan. Ang una niyang layunin ay gawing base ng operasyon ang Lemon beach house, pag-aari ng magkapatid na Aizawa. Ngunit nang nakagawa siya ng butas sa kanilang dingding, siya ay napilitang magtrabaho bilang waitress upang mabayaran ang pagkasira. Sa proseso, bumuo ng isang pagkakaibigan si Squid Girl sa mga Aizawa at sa iba pang tao sa kalapit na komunidad.

Tauhan

baguhin
Squid Girl (イカ娘, Ika Musume)
Boses ni: Hisako Kanemoto (Hapones), Christine Marie Cabanos (Ingles)
Isang babae mula sa dagat na may planong sakupin ang sankatauhan bilang parusa sa polusyong idinulot sa dagat. Ngunit nang nakagawa ng sira sa isang beach house, siya ay napilitang magtrabaho bilang waitress upang mabayaran ang mga sira at nanunuluyan sa tahanan ng mga Aizawa. Tulad ng isang pusit, mayroon siyang sampung nakokontroladong galamay sa itaas ng kanyang ulo na kapara sa buhok at kayang magdura ng squid ink mula sa kanyang bibig. Mayroon rin siyang maraming kakayaan mula sa iba't ibang lahi ng pusit, tulad ng pagkislap, galawin ang saya sa kanyang sombrero o baguhin ang kanyang timbang upang mas makontrol ang kanyang mga galamay. Ayon sa kanya, mamatay siya pag tinanggal ang kanyang sombrero. Mahilig siya sa hipon at sugpo at labis na natatakot sa mga orka , sa puntong kahit ang isang swimming float na hugis orka ay ikatatakot niya. Sa kabila ng pagiging immature at makulit, mabilis siyang matuto sa iba't ibang kasanayan tulad ng matematiko at mga ibang wika sa maikling panahon. Palagi niyang tinatapos ang kanyang mga pangungusap sa "geso" (ゲソ, lit. "mga galamay ng pusit bilang pagkain") bilang pinal na partikulo at palaging binibigyan g diin ang salitang "ika" sa mga pangungusap, na ipinapakita kung paano ito nakasulat (e.g.:ja na ika (~じゃなイカ, lit. Hindi ba?)). Sa dub na Ingles, isinasama niya ang mga squid-based pun sa kanyang dayologo.
Eiko Aizawa (相沢 栄子, Aizawa Eiko)
Boses ni: Ayumi Fujimura (Hapones), Heather Pennington (Ingles)
Ang manager ng Lemon beach house na may pulang buhok. Isa siyang matapang na babae at palagi niyang binabatayan si Squid Girl at ang kanyang mga gawi. Sa kabila ng kanyang pagkairita kay Squid Girl, Si Eiko ay mas may malasakit kay Squid Girl kaysa sa kanyang inaamin. Ang mga larong bidyo ay isa sa kanyang mga libangan at sa pagaaral ang kanyang pangunahing kahinaan.
Chizuru Aizawa (相沢 千鶴, Aizawa Chizuru)
Boses ni: Rie Tanaka (Hapones), Shelby Lindley (Ingles)
Ang ate ni Eiko na may itim na buhok na palaging nakapikit. Habang siya ay kapara sa isang mabait na tao, mayroon siyang pambihirang lakas at abilidad na may nakakatakot na aura na kanyang itatanghal sinumang nais gumawa ng gulo sa beach house. Tila mayroon siya ay nababahala sa kanyang timbang. Isa pa ring katotohanan na isa siyang tao at ipinakita kay Cindy na ang kanyang pagkabahala na sasakupin niya ang mundo ay dapat wag ikabahala dahil hindi naman niya nais ito.
Takeru Aizawa (相沢 たける, Aizawa Takeru)
Boses ni: Miki Ōtani (Hapones), Amanda C. Miller (Ingles)
Ang nakababatang kapatid na lalake nina Eiko at Chizuru, isang mag-aaral ng elementarya na mahilig makipaglaro kay Squid Girl.
Sanae Nagatsuki (長月 早苗, Nagatsuki Sanae)
Boses ni: Kanae Itō (Hapones), Xanthe Huynh (Ingles)
Kaibigang kapitbahay ni Eiko na may alagang aso na nagngangalang Alex. Inilalarawan ni Eiko, bilang isang tipikal na airhead'. Nagkaroon siya ng obsesibong pagkagusto kay Squid Girl, palaging sinusubukang makipaghabilo sa kanya at siya ay inaatake ni Squid Girl sa proseso na nagdulot sa kanya na parang maging masochista. Wala pang katiyakan kung sekswal ang pagkagusto ni Sanae sa kanya o kaya sa tingin niya na siya ay "napakakyut" ngunit ang palabas ay ipinapakita na ito ay "fan-girl" na typo na relasyon.
Gorō Arashiyama (嵐山 悟郎, Arashiyama Gorō)
Boses ni: Yuichi Nakamura (Hapones), Jason Wishnov (Ingles)
Isang lifeguard at kaibigan ni Eiko na hinihirang ang pagprotekta sa dagat at sa mga tao sa dalampasigan. Mayroon siyang pagkagusto kay Chizuru; at siya ay nagtatago ng mga litrato ni Chizuru sa kanyang selpon. Wala siyang lakas ng loob upang sabihin ang kanyang tunay na nararamdaman kay Chizuru.
Nagisa Saitō (斉藤 渚, Saitō Nagisa)
Boses ni: Azusa Kataoka (Hapones), Cristina Vee (Ingles)
Isang babaeng mahilig sa surping na nagtatrabaho ng part time sa Lemon. Hindi katulad ng iba, nakikita niya na tunay na banta si Squid Girl sa sankatauhan at ikinakatakutan niya siya. Si Squid Girl ay natutuwa na malaman na mayroong natatakot sa kanya at palaging tinutukso si Nagisa. Sa maikling panahon, nagbihis lalake si Nagisa upang mapaakit ang mga babaeng kustomer at upang matigil ang panunukso ni Squid Girl, ngunit siya ay sumuko nang nakita niya ang pangangailangan na siya and dapt kumilala kay Squid Girl bilang isang mananakop.
Cindy Campbell (シンディー・キャンベル, Shindī Kyanberu)
Voiced by: Hitomi Nabatame (Hapones), Ema Kokubun (s2e4, seksiyong Ingles), Laura Post (Ingles)
Isang mananaliksik na pang-ekstraterestriyal mula sa Estados Unidos na naniniwala na si Squid Girl ay isang alien at palagiang pinapaamin na siya ay isa upang maidala siya sa kanyang laboratoryo para sa analysis at eksaminasyon. Parehas sila ni Sanae na may pagka-obsesyon kay Squid Girl. Bihasa siya sa parehas na wikang Nihongo at Ingles.
Harris (ハリス, Harisu), Clark (クラーク, Kurāku) and Martin (マーティン, Mātin)
Boses ni: Seiji Sasaki, Anri Katsu, Tetsuo Gotō (Hapones), Phineas, Tony Oliver, Jonathan Meza (Ingles)
Mga mananaliksik tulad ni Cindy na nagaaral sa MIT at nagtatrabaho sa isang sikretong laboratoryo sa dalampasigan kasama ni Cindy. Sa kabila ng kanilang talento na gumawa ng makabubuting kontribusyon sa sankatauhan, ang kanilang nais makipag-usap sa mga alien ay mas importante sa kanila, kaya binansagan silang 'The Three Stooges' (3バカトリオ, San Bakatorio). Ang kanilang mga imbensiyon ay halos palaging ginagawang miserable ang buhay ng mga pangunahing tauhan, gaano pang kabuti ang kanilang mga intensiyon.
Kiyomi Sakura (紗倉 清美, Sakura Kiyomi)
Boses ni: Kokoro Kikuchi (Hapones), Carrie Savage (Ingles)
Isang magaaral na middle school na naging kaibigan ni Squid Girl nang pumalya ang isang pranka. Siya ang unang tao na naging opisyal na kaibigan ni Squid Girl at sila ay napalapit sa isa't isa.
Ang May-ari ng Southern Winds (南風の店長, Minamikaze no Tenchō)
Boses ni: Rikiya Koyama (Hapones), Tony Oliver (Ingles)
Ang may-ari ng karibal na beach house, The Southern Winds (南風, Minamikaze), na ang kaniyang tunay na pangalan ay hindi pa alam. Isang istriktong manager, umaasa siya gamitin ang popularidad ni Squid Girlsa paggawa ng mga kakatakot na kigurumi na maskara base na kapara sa kanya, puno ng mga gadget na halos palaging pumapalya. Ang mga kigurumi na ito ay isinusuot ng kanyang anak na babae na si Ayumi. Palagi niyang hinahamon si Eiko, ang may ari ng Lemon beach house.
Ayumi Tokita (常田 鮎美, Tokita Ayumi)
Boses ni: Ayako Kawasumi (Hapones), Sarah Williams (Ingles)
Ang anak na babae ng may-ari ng Southern Winds. Sa kabila ng kanyang kagandahan na umaakit ng maraming kustomer, siya ay nahihiya sa ibang mga tao, lalo na ang mga kalalakihan. Para makaharap sa mga tao, sinusuot siya ng kanyang ama ng Squid Girl na kigurumi. Nagtatrabaho siya minsan sa Lemon para mas maging mabuti ang pakikipagtungo niya sa kapwa at tiyak na nahihiya siya kay Eiko ngunit, hindi siya nahihirapan makipagusap kay Squid Girl dahil hindi niya itinuturing tao si Squid Girl.
Tatsuo Isozaki (磯崎 辰雄, Isozaki Tatsuo)
Boses ni: Shunzō Miyasaka
Isang lifeguard na nagtatrabaho kasama ni Gorō. Madalas siyang He is often hinuhusgahan sa kanyang itsura na hindi kabuti-buting tao at madalas ring sinusubukang ligawan ang mga babae ngunit palagiang nabibigo.
Kozue Tanabe (田辺 梢, Tanabe Kozue)
Boses ni: Akemi Kanda (Hapones), Erika Harlacher (Ingles)
Isang mahinhin na babae na may mapayapang aura, na paminsang kinakausap si Squid Girl na ang pagsakop ng sankatauhan ay hindi ang pinkamabuting gawin dahil hindi lahat ng tao ay masama. Ipinahiwatig na siya ay mula sa dagat dahil mayroon rin siyang sombrero katulad ni Squid Girl at gumagawa ng mga pahayag na nagpapahiwatig na hindi siya tao. Ang mga unang pantig ng kanyang pangalan ay nagbabaybay na 'tako' (たこ), na ibig sabihin ay pugita.
Aiko Saito (斉藤 愛子, Saitō Aiko)
Boses ni: Hiroko Ushida
Ang guro ni Takeru sa elementarya na nagseselos sa popularidad ni Squid Girl sa kanyang mga estudyante, at siya ay popular bago dumating si Squid Girl sa eksena.
Mini Squid Girl (ミニイカ娘, Mini Ika Musume)
Boses ni: Hisako Kanemoto (Hapones), Christine Marie Cabanos (Ingles)
Isang pinaliit na bersyon ni Squid Girl na nagpapakita sa mga panaginip ng tao, karamihan ay sa mga panginip ni Sanae.

Ang seryalisasyon ng manga ni Masahiro Anbe ay nagsimula sa Weekly Shōnen Champion sa Hulyo 2007 and ito ay ipinagpapatuloy. Sampung tankōbon na bolyum na ang ipinalabas nang 20 Oktubre 2011.

Isang 12-kabanata na adapsiyong anime ang ipinalabas ng Diomedea sa TV Tokyo mula 4 Oktubre 2010 hanggang 20 Disyembre 2010. Ang ika-lima at ika-anim na DVD/Blu-ray bolyum, ay inilabas noong 20 Abril 2011 at 18 Mayo 2011, na may bonus na "Mini-Ika Musume" side-stories.[2] Isang pangalawang serye ng anime, na ipinangalang Shinryaku!? Ika Musume (侵略!?イカ娘), ay ipinalabas sa banasang Hapon mula Septembre 26, 2011 at 26 Disyembre 2011.[3][4][5] Ang parehas na serye ay na-simulcast ng Crunchyroll.[6] Isang orihinal na bidyo ng animasyon ay isasama sa ika-labingdalawang bolyum ng manga na ilalabas sa 8 Agosto 2012.[7]

Ang Media Blasters ay nilisensiya ang anime sa Hilagang Amerika sa ilalim ng titulong Squid Girl. Ang unang serye ay ipinalabas sa dalawang bolyum ng DVD sa Septembre 27, 2011 at 6 Disyembre 2011.[8][9] followed by a Blu-ray Disc release on 13 Marso 2012.[10] Inanunsiyo rin ng Media Blasters na ilalabas rin nila ang pangalawang serye.[11] Ang unang serye ay nalisensiya para sa paglalabas sa DVD sa ng Manga Entertainment sa Reyno Unido 13 Agosto 2012 .[12]

Musika

baguhin

Para sa unang serye, ang pangbukas na tema ay ang "Shinryaku no Susume☆" (侵略ノススメ☆, Tayo'y Sumakop!) ng ULTRA-PRISM kasama ni Hisako Kanemoto, na inilabas sa 27 Oktubre 2010, habang ang pangwakas na tema, "Metamerism" (メタメリズム, Metamerizumu) ni Kanae Itō ay nilabas sa 26 Nobyembre 2010. Isang kantang pangkarakter, "Ika Aisu Tabe na Ika?" (イ・カ・ア・イ・ス食べなイカ?, Hindi ka ba kakain ng Pusit Ice Cream?), na ikinanta ni Kanemoto, ay inilabas sa 6 Hulyo 2011 kasama ng isang DVD music video.[13] Sa pangalawang serye, ang pangbukas na tema ay ang "High Powered" ng Sphere, habang ang pangwakas na tema ay ang "Kimi wo Shirukoto" (君を知ること, Learning About You) ni Hisako Kanemoto.[14] Para sa OVA, ang pangbukas na tema ay ang "Let's Invade Time!" (Let's☆侵略タイム!, Let's Shinryaku Taimu) ng ULTRA-PRISM habang ang pangwakas na tema ay ang "Puzzle" (パズル, Pazuru) ni Kanae Itō.[15]

Talababa

baguhin
  1. "Shinryaku! Ika Musume Comedy Manga Gets Anime". Anime News Network. 25 Marso 2010. Nakuha noong 29 Setyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "News: Ika Musume BD/DVD 5 & 6 to Include Mini Episodes". Anime News Network. 22 Nobyembre 2010. Nakuha noong 5 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ika Musume/Squid Girl Gets 2nd TV Anime Season". Anime News Network. 20 Pebrero 2011. Nakuha noong 5 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. http://www.animenewsnetwork.com/news/2011-05-24/2nd-ika-musume/squid-girl-season-title-staff-listed
  5. http://www.animenewsnetwork.com/news/2011-08-23/ika-musume/squid-girl-sequel-to-debut-on-september-26
  6. http://www.animenewsnetwork.com/news/2011-09-26/crunchyroll-confirms-stream-of-squid-girl-season-2
  7. http://www.animenewsnetwork.co.uk/news/2012-03-13/squid-girl-manga-to-bundle-new-original-anime-dvd
  8. http://www.animenewsnetwork.com/news/2011-06-14/media-blasters-licenses-squid-girl-on-dvd
  9. http://www.animenewsnetwork.co.uk/news/2011-11-08/media-blasters-delays-squid-girl-part-2-to-december-6
  10. http://www.animenewsnetwork.co.uk/news/2011-11-14/media-blasters-to-release-1st-squid-girl-season-on-bd
  11. http://www.animenewsnetwork.co.uk/news/2012-03-19/media-blasters-plans-release-for-squid-girl-season-2-tv-anime
  12. http://www.animenewsnetwork.co.uk/news/2012-03-31/puella-magi-madoka-magica-and-panty-and-stocking-announced-by-manga
  13. http://www.animenewsnetwork.com/news/2011-06-21/ika-musume/squid-girl-music-video-preview-streamed
  14. http://www.animenewsnetwork.com/interest/2011-09-17/sphere-hisako-kanemoto-sing-squid-girl-sequel-themes
  15. http://www.animenewsnetwork.co.uk/interest/2012-05-21/kanae-ito-to-perform-squid-girl-oad-theme-song

Mga kawing panlabas

baguhin