Santa Lucia (bansa)
Ang Santa Lucia (Ingles: Saint Lucia NK /sənt luːˈsiːə,_ʔˈluːʃə/, EU /seɪnt ˈluːʃə/; Pranses: Sainte-Lucie) ay isang pulong bansa sa Kanlurang Indiyas sa silangang Dagat Karibe sa hangganang ng Karagatang Atlantiko.[2] Tinatawag ang pulo dati bilang Iyonola, ang pangalang binigay sa pulo ng mga katutubong Arawak, at sa kalaunan Hewanorra, ang pangalang binigay ng katutubong Kalinago, dalawang magkahiwalay na mga Amerindyo. Bahagi ng Kapuluang Windward ng Mas Mababang Antillas, matatagpuan ito sa hilaga/hilaga-silangang ng pulo ng San Vicente, hilagang-kanluran ng Barbados at timog ng Martinika. Nasasakop nito ang isang lupain na may sukat na 617 km2 (238 milya kuwadrado) at naiulat ang isang populasyon na 165,595 noong senso ng 2010.[3] Castries ang kabisera nito at pinakamalaking lungsod, at ikalawang pinakamalaki ang Soufrière, ang unang kolonyal na kabiserang Pranses sa pulo.
Santa Lucia Saint Lucia | |||
---|---|---|---|
Nasasakupang komonwelt, island country, soberanong estado, Bansa | |||
| |||
Mga koordinado: 13°53′00″N 60°58′00″W / 13.8833°N 60.9667°W | |||
Bansa | Santa Lucia | ||
Itinatag | 22 Pebrero 1979 | ||
Ipinangalan kay (sa) | Lucia ng Siracusa | ||
Kabisera | Castries | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Monarkiyang konstitusyonal | ||
• monarch of Saint Lucia | Charles III | ||
• Prime Minister of Saint Lucia | Allen Chastanet | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 617.012867 km2 (238.230000 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2023)[1] | |||
• Kabuuan | 167,591 | ||
• Kapal | 270/km2 (700/milya kuwadrado) | ||
Wika | Ingles | ||
Plaka ng sasakyan | WL | ||
Websayt | http://www.govt.lc/ |
Ang mga Pranses ang unang mga Europeo na nanirahan sa pulo. Pumirma sila ng kasunduan sa mga katutubong Pulong Karibe noong 1660. Kinontrol ng Inglatera ang pulo mula 1663 hanggang 1667. Noong sumunod na mga taon, nakipagdigma ito sa Pransya ng labing-apat na beses, at madalas na papalit-palit ang pamumuno sa pulo. Noong 1814, tiyak na nakontrol ng mga Britaniko ang pulo. Dahil malimit ang palipat-lipat sa pagitan ng mga Briton at Pranses ang pulo, nakilala ang Santa Lucia bilang ang "Helen ng Kanluran" na hango sa pang-mitolohiyang karakter ng mga Griyego na si Helen ng Troy.
Nagkaroon ng pamahalaang kinakatawan noong mga 1840. Naitatag ang pangkalahatang pagboto noong 1953. Mula 1958 hanggang 1962, naging kasapi ang pulo sa Pederasyong Kanlurang Indiyas. Noong Pebrero 22, 1979, naging malayang estado ang Santa Lucia at naging kasapi ng Komonwelt ng mga Bansa bilang lupaing Komonwelt.[2] Magkahalong hurisdiksyon ang Santa Lucia,[4] ibig sabihin, may sistemang legal ito na nakabatay sa parehong batas sibil at karaniwang batas na Ingles. Nakabatay ang Kodigo Sibil ng Santa Lucia ng 1867 sa Kodigo Sibil ng Quebec ng 1866, na pinupunan ng istilong Ingles na karaniwang batas na lehislatura. Kasapi din ang bansa sa Organisation internationale de la Francophonie.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ https://www.cia.gov/the-world-factbook/countries/saint-lucia/summaries/#people-and-society; hinango: 4 Agosto 2023.
- ↑ 2.0 2.1 "The Saint Lucia Constitution" (1978-Disyembre-20 epektibo 1979-Pebrero-22), Pamahalaan ng Santa Lucia, Disyembre 2008. (sa Ingles)
- ↑ "Population & Vital Statistics" (sa wikang Ingles). Central Statistics Office of St. Lucia. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Nobyembre 2016. Nakuha noong 18 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mixed Legal Systems. juriglobe.ca
- ↑ "Human development indices" (PDF) (sa wikang Ingles). Undp.org. 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Enero 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga bansa sa Karibe |
---|
Antigua and Barbuda | Bahamas | Barbados | Cuba | Dominica | Dominican Republic | Grenada | Haiti | Jamaica | Saint Kitts and Nevis | Saint Lucia | San Cristobal at Nieves | San Vicente at ang Kagranadinahan | Trinidad and Tobago |
Mga dumidepende: Anguilla | Aruba | British Virgin Islands | Cayman Islands | Guadeloupe | Martinique | Montserrat | Navassa Island | Netherlands Antilles | Puerto Rico | Turks and Caicos Islands | U.S. Virgin Islands |