Si Stacey Park Milbern (Mayo 19, 1987 - Mayo 19, 2020) ay isang aktibista sa mga karapatan ng may kapansanan sa Amerika. Tumulong siya sa paglikha ng kilusan ng hustisya sa kapansanan at nagtataguyod para sa patas na paggamot sa mga taong may kapansanan .

Talambuhay

baguhin

Si Milbern ay ipinanganak sa Seoul noong Mayo 19, 1987 na may muscular dystrophy . [1][2] Halo-halong lahi siya, ang kanyang amang si Joel ay puti at ang ina na si Jean ayKorean . Lumaki siya sa North Carolina sa isang pamilyang militar, dahil si Joel ay nasa Army ng Estados Unidos . [3] Bilang isang bata ay umaasa siya sa kanyang pamilya bilang kanyang tagapag-alaga, ngunit nang magsimula niyang makilala ang sarili bilang queer, takot siya sa magiging panghuhushga ng kanyang mga magulang na Kristiyano at noon ay nagbalak siya na umalis.

Isa itong mahirap na pagpipilian dahi sa nakadepende pa siya sa kanyang pamilya sa tulong sa pang-araw-araw na gawain tulad ng tulad ng pagkain, pagtulog, at paggamit ng banyo.

Noong 2005, tumulong si Milbern upang maitaguyod ang kilusang hustisya para sa may kapansanan. Si Milbern ay nagtapos sa Methodist University noong 2009.

Lumipat siya sa Bay Area noong siya ay 24, dahil ang lugar ng San Francisco ay "isa sa mga pinaka madaling ma-access na lugar para sa mga taong may kapansanan na pisikal". Ang Bay Area ay naging makasaysayang sentro ng kilusang sa karapatan ng mga kapansanan, at doon siya nagpatuloy sa pag-aayos, pagsusulat, at pagsasalita para sa kilusan, naging director ng mga programa sa Center for Independent Living, Berkeley. [4] Ang California labis na tumutulong sa paggastos sa mga benepisyo sa pangangalaga sa loob ng bahay, at nakakuha siya ng suporta ng Medicaid para sa isang attendant na makakasama niya sa loob ng bahay, at dahil doon ay nakayanan niyang mamuhay ng mag-isa sa Oakland at humawak ng posisyon sa human resources sa isang bangko. Nagpapasalamat siya sa tulong sa pag-aalaga para sa kanyang kakayahang manatiling aktibo sa pamayanan at maiwasan ang institusyonalisasyon sa isang nursing home . Pinagkakaiba niya ang kanyang kalayaan at pag-aalaga na natanggap niya sa California kumpara sa mga karanasan sa Hilagang Carolina, at ipinagtanggol ang pangangailangan ng mga programa tulad ng Medicaid na nagpopondo sa home attendant at mga serbisyo sa pag-aalaga. Inilaban niya rin ito sa posibleng pagpapalit ng programa patungo sa Affordable Care Act .

Nakakuha siya ng masters degree mula sa Mills College noong 2015.

Itinaguyod ni Milbern ang patas na pangangalagang medikal para sa mga taong may kapansanan, kabilang ang parehong pag-access at bias sa system, at mariing kinondena nya rin ang mga hindi naman kinakailangang operasyon. Naging tagapayo siMilbern sa administrasyon ni Obama sa loob ng dalawang taon. [5]


Noong unang bahagi ng Marso 2020, habang kumalat ang pandemya ng COVID-19 sa Bay Area, binuo ni Milbern at apat na kaibigan ang Disability Justice Culture Club upang ipamahagi ang mga homemade disease-prevention kits para maiwasan ang sakit, kasama na ang hand sanitizer, disimpektante, at respirator, sa Oakland homeless encampment . Binigyang pansin niya rin ang kagalingan sa pamayanan at ang kagalingan ng mga pinaka-mahina itong kasapi. Nabanggit niya ang kanyang solusyon na DIY bilang isang halimbawa ng "pangka - o lumpo - na karunungan". Ginawa niya ito sa kabila ng kanyang sariling lumalaking mga problema sa kalusugan, tulad ng operasyon upang matanggal ang kanyang mabilis na lumalaking kanser sa bato na ipinagpaliban dahil sa shelter-in-place orders. Nagbabala siya na dahil sa maraming suliranin ang kinakaharap sa pandemyang ito, mababawasan ang pag-access ng kanyang komunidad sa dialysis at iba pang paggamot na nakakasalba ng buhay. Ang kanyang pangkat ay nag-organisa din ng mutual aid para sa mga taong may kapansanan na nangangailangan.[6] Si Milbern ay namatay sa isang ospital sa Stanford sa kanyang ika-33 kaarawan, Mayo 19, 2020, dahil sa mga komplikasyon sa pag-opera.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Genzlinger, Neil (2020-06-06). "Stacey Milbern, a Warrior for Disability Justice, Dies at 33". The New York Times (sa wikang American English). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 2020-07-19.
  2. Tso, Tiffany Diane (28 May 2020). "5 Disability Justice Activists to Know This Asian Pacific American Heritage Month". Rewire.News (sa wikang English). Nakuha noong 2020-07-19.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  3. Raff, Jeremy (2017-07-10). "Why Americans With Disabilities Fear Medicaid Cuts". The Atlantic (sa wikang American English). Nakuha noong 2020-07-19.
  4. Katayama, Devin; Guevarra, Ericka Cruz; Montecillo, Alan (May 29, 2020). "What Disability Justice Activist Stacey Park Milbern Taught Us". KQED. Nakuha noong March 8, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: url-status (link)
  5. "Stacey Milbern". Wright State University. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-07-19. Nakuha noong 2020-07-19.
  6. Green, Matthew (March 17, 2020). "Coronavirus: How These Disabled Activists Are Taking Matters Into Their Own (Sanitized) Hands". KQED. Nakuha noong March 8, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: url-status (link)
baguhin