Bituin

bagay na astronomikal na binubuo ng isang spheroid ng plasma
(Idinirekta mula sa Star)

Ang bituin, bituwin, tala, estrelya (Kastila: estrella), o lusero (Kastila: lucero)[1] ay isang katawan ng iba ibang plasma sa dakong labas na kalawakan na binibigkis ng sarili niyang grabidad at may sapat na bigat upang masustentuhan ang kanyang pagsasalikop nukleyar sa kanyang siksik na ubod. Ang pagsasanib ng mga nukleyong atomiko ay nabubunga ng enerhiya na tuloy-tuloy na lumalabas sa buong buhay nito. Ang ating Araw ay halimbawa ng isang bituin. Sa Kalawakang Araw natin, lumilibot ang mga tala o planeta kasama ang ating Lupa. Ang pinakamalapit na bituin sa ating Kalawakang Araw, at ang ikalawang bituin na pinakamalapit sa Lupa ay ang Proxima Centauri. Ito ay may layong 40 trilyong kilometro. Ito ay 4.2 liwanag na taon o light years kung saan ang liwanag mula sa bituing ito ay darating sa Lupa pagkaraan ng 4.2 taon.

Alpha Andromedae, isang bituin.

Nalalaman ng mga astronomo ang mga katangian ng isang bituin sa pagmamatyag ng kanya espektrum, ningning at kilos sa kalawakan. Makakaiba ang mga bituin sa kanilang kabuuang bigat, komposisyong kimikal at edad. Ang kabuuang bigat ng isang bituin ang pangunahing pang-alam sa pag-inog at kahihinatnan nito. Ang iba pang katangian ng isang bituin ay inaalam sa kasaysayang pag-inog nito tulad ng diametro, paglibot, kilos at temperatura. Ang krokis ng temperatura ng bituin sa ningning ay tinatawag na Hertzsprung-Russell diagram (HR-diagram), na nagtataya sa tamang edad at katuyuang pag-inog nito.

Sumisilang ang isang bituin sa pagsasalikop ng ulap na pangunahing binubuo ng mga hidroheno kasama ang ilang helio at mangilan-ngilang mabibigat na elemento. Kapag sapat ng siksik na ang ubod nito, ang ilang hidroheno ay magsasanib upang makabuo ng helio na pamamagitan ng pagsasalikop nukleyar. Ang natitirang loob ng bituin ang nagdadala ng enerhiya palayo at palabas ng ubod sa pamamagitan ng radyasyon at mga prosesong convective. Ang enerhiyang ito ay nagbubunga ng simoy bituin sa rabaw na isisingaw naman sa kalawakan.

Kapag naubos na ang parikit na hidroheno sa ubod nito, ang isang bituin na may mabigat ng 0.4 beses sa bigat ng Araw natin o higit pa ay lalaki upang maging isang pulang higante na magsasalikop ng mga mabibigat na elemento nito o sa talukap ng ubod nito. Pagkatapos, magigiba ito upang magamit muli ang ilang materya nito sa interestelang kapaligiran nito kung saan bubuo ito ng bagong henerasyon ng mga bituin na may mas mataas ng proporsyon ng mabibigat ng mga elemento.

Ang dalwahin at sistema ng magkakadikit na mga bituin ay binubuo ng dalawa o higit pang mga bituin na binigkis ng kanikanilang balani at kalimitang lumilibot sa bawat isa sa isang matiwasay na libutan. Kapag ang dalawang bituin ay masasabing magkalapit na libutan, ang kanilang pagniniig pambalani ay may matibay na impluwensiya sa kanilang pag-inog.

Pagkakabuo ng isang bituin

baguhin
 
Ebolusyon ng isang bituin

Ang mga bituin gaya ng araw ay nabubuo sa mga ulap ng alikabok na nagkalat sa karamihan ng mga galaksiya. Ang isang halimbawa nito ang Orion Nebula. Ang mga malalim na kaguluhan sa mga ulap na ito ay nagpapalitaw sa mga buhol nang may sapat na masa na ang mga gas at alikabok ay nagsisimulang bumagsak sa sarili nitong atraksiyong grabitasyonal. Kapag bumagsak na ang ulap, ang materyal sa gitna ay nagsisimulang uminit at nagiging isang protostar na kalaunan ay magiging isa nang bituin. Ang mga modelo sa kompyuter ng pagkakabuo ng mga bituin ay humuhula na ang mga umiikot na ulap ng mga bumabagsak na ulap at alikabok au maaaring maghiwalay sa dalawa o tatlong mga tumpok at nagpapaliwanag kung bakit ang karamihan ng mga bituwin sa Miliky ay nasa pares o mga grupo ng maraming bituin. Ang isang bituin na kasinglaki ng araw ay nangangailangan ng mga 50 milyong taon upang tumanda mula sa pasimula ng pagbagsak hanggang sa pagtanda. Ang araw na bituin ay mananatili sa anyong ito sa loob ng 10 bilyongn taon. Ang mga bituin ay ginagatungan ng pagsasamang nukleyrar(nuclear fusion) upang bumuo ng helium nang malalim sa kanilang loob. Ang paglabas ng enerhiya mula sa mga sentral na rehiyon ng bituin ay nagbibigay ng presyon na kailangan upang maiwasan ang isang bituin na bumagsak sa sarili nitong bigat. Ang mga pinakamaliliit na bituwin na kilala bilang unanong pula ay naglalaman lamang ng sampung porsiyento ng masa ng araw at naglalabas lamang ng enerhiyang 0.01% at mahina lamang na nagliliwanag sa mga temperatura sa pagitan ng 3000-4000K. Sa kabila ng kanilang kaliitan, ang mga pulang unanong bituin ay ang pinakamaraming mga bituin at may buhay na tumatagal ng mga 10 bilyong taon. Sa kabilang dako, ang pinakamalalaking mga bituin na kilala bilang mga hypergiant na mga 100 mas malaki sa araw may temperaturang higit sa 30,000 K. Ang mga hypergiant ay naglalagabas ng enerhiyang mga libo libong beses kesa sa araw at may mga buhay ng ilan lamang milyong taon. Bagaman ang mga bituin ito ay karaniwan sa sinaunang Uniberso. .sa ngayon, ang mga hypergiant ay sobrang bihira at ang Milky ay naglalaman lamang ng ilang mga hypergiant.

Kamatayan ng isang bituin

baguhin
 
Paglalarawan ng edad at mga buhay ng ng mga bituin bilang punsiyon ng kanilang mga masa.
 
Eboluyon ng isang bituing may mababang masa (kaliwa) at malaking masa.(kanan).

Sa pangkalahatan, kung mas malaki ang isang bituin ay mas maikli ang buhay nito. Kapag ang bituin ay nagsasama ng lahat ng hidroheno sa looban nito, ang mga reaksiyong nukleyar ay tumitigil. Kapag nawalan na ng produksiyon ng enerhiya na kailangan nito upang mabuhay, ang looban ay nagsisimula ng bumagsak sa sarili nito at naging mas mainit. Ang hidroheno ay nasa labas pa rin ng looban nito gaya ang pagsasama ng hidroheno ay patulog sa shell na nakapalibot sa looban nito. Ang tumataas na maiinit na looban ay nagtutulak sa mga panlabas na patong ng bituin ng papalabas na nagsasanhi ritong lumawig at lumamig at nagiging isa ng red giant.

Talaan ng mga bituin

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Star - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.