Star Wars Episode II: Attack of the Clones

Ang Star Wars Episode II: Attack of the Clones (hindi opisyal na salin sa Tagalog: Star Wars Ikalawang Bahagi: Paglusob ng mga Kopya) ay isang kathang makaagham na pelikula na ipinalabas ng taong 2002 at likha ni George Lucas. Ito ang ikalima na pelikulang Star Wars na ipinalabas sa mga sinehan, subalit pangalawa sa pagkakasunod sunod ng mga bahagi ng buong Star Wars saga.

Star Wars Episode II:
Attack of the Clones
DirektorGeorge Lucas
PrinodyusRick McCallum
George Lucas
SumulatKuwento:
George Lucas
Sumulat:
George Lucas
Jonathan Hales
Itinatampok sinaEwan McGregor
Natalie Portman
Hayden Christensen
Ian McDiarmid
Samuel L. Jackson
Christopher Lee
MusikaJohn Williams
SinematograpiyaDavid Tattersall
In-edit niBen Burtt
Tagapamahagi20th Century Fox
Inilabas noong
16 Mayo 2002 (Estados Unidos)
Haba
142 min.
Bansa Estados Unidos
WikaIngles
Badyet$120,000,000

Ang kuwento ng pelikula ay naganap sampung taon pagkatapos ng unang bahagi, kung saan ang sangkalawakan ay hindi nalalayo na magkaroon ng malawakang digmaan. Sa pamumuno ng nagtaksil na Jedi na si Konde Dooku, libu-libong mga sistemang solar ang nagbanta na humiwalay sa Sangkalawakang Republika. Nang pagtangkaang patayin si Senador Padme Amidala, ang dating reyna ng Naboo, inatasan si Anakin Skywalker na siya ay bantayan at si Obi-Wan Kenobi naman na imbestigahan ang tangkang pagpatay. Sa pagtatapos ng kuwento, sinubukang pigilan nina Anakin, Obi-Wan at Padme ang mga grupong nagbabanta laban sa Republika subalit hindi pa rin nila napigilan ang pagsisimula ng Digmaan ng mga Kopya.

Negatibo ang reaksiyon ng mga kritiko nang ipinalabas ito dahil ayon sa kanila, ang istilo ng pagkakagawa sa pelikulang ito ay hindi katulad ng tatlong unang pelikula ng Star Wars.

Ang pelikulang ito ay ang pinaka-unang pelikula na buong kinunan ng high definition digital 24-frame system, at ang unang pelikula ng Star Wars na nalagpasan ang kita ng mga kasabayan nitong pelikula nang ito'y ipinalabas nang internasyunal; ang Spider-Man, The Lord of the Rings: The Two Towers at Harry Potter and the Chamber of Secrets ay mayroong mas mataas na kita.

Ipinalabas ang pelikulang ito noong 16 Mayo 2002.

Mga gumanap

baguhin
  • Ewan McGregor bilang Obi-Wan Kenobi. Si Obi-Wan ay isang Kabalyerong Jedi at tagapagturo sa kanyang Padawan (mag-aaral) na si Anakin Skywalker.
  • Natalie Portman bilang Senador Padmé Amidala. Nahalal kamakailan lamang si Padmé bilang Senador ng Naboo pagkatapos magsilbing Reyna sa dalawang termino.
  • Hayden Christensen bilang Anakin Skywalker. Si Anakin Skywalker ay isang Padawan sa ilalim ni Obi-Wan Kenobi at kilala bilang "ang Napili". Pinaniniwalaan na siya ang Jedi na "magdadala ng balanse sa Puwersa".
  • Ian McDiarmid bilang Palpatine. Dating Senador mula sa Naboo, sigurado si Palpatine na kapayapaan ang kahahantungan ng mga pangyayari sa Republika at naniwala sa pakikipag-ayos sa mga grupong nagbabanta laban sa Republika, kahit pa may panganib ng digmaan.
  • Samuel L. Jackson bilang Mace Windu. Si Windu ay isang Gurong Jedi kabilang sa Konseho ng Jedi at walang pagod na binabantayan ang takbo ng politika sa Senado ng Republika.
  • Christopher Lee bilang Konde Dooku. Dooku, isang dating Gurong Jedi, at pinagpapalagay na pasimuno ng kaguluhan sa imbestigasyon ni Obi-Wan.
  • Frank Oz bilang boses ni Yoda. Isang Gurong Jedi si Yoda na kabilang sa hindi kilalang uri ng nilalang. Karagdagan sa pag-upo sa Konseho ng Jedi, tinuturuan ni Yoda ang mga batang Jedi.
  • Temuera Morrison bilang Jango Fett at mga iba't ibang mga sundalong kopya. Isang upahan na ipinagkaloob ang kanyang DNA sa pasilidad ng pag-kokopya (cloning) sa Kamino para sa paglilikha ng kinopyang sandatahang lakas. Karagdagan sa kanyang kinita, hiniling niya na magkaroon siya ng anak sa pamamagitan ng hindi binagong kopya ng sarili niya at ito'y naging si Boba Fett.
  • Silas Carson bilang Nute Gunray. Puno si Gunray ng Kalipunan ng Kalakalan na pinagtangkaang patayin si Senador Amidala.
  • Anthony Daniels bilang C-3PO. Isang droid na tagapagsilbi si C-3PO sa sambahayanan ng mga Lars.
  • Kenny Baker bilang R2-D2. Isang astro-droid si R2-D2, na kadalasang makikita sa mga misyon nina Anakin at Obi-Wan.
  • Daniel Logan bilang Boba Fett. Nalikha si Boba mula sa hindi binagong kopya ni Jango Fett.
  • Ahmed Best bilang Jar Jar Binks. Kamakailan lamang hinirang si Jar Jar bilang Kinatawan ng Naboo sa pamamagitan ni Senador Amidala.