Estado

(Idinirekta mula sa State)

Ang himansaan o estado ay isang uri ng kaayusan ng pamahalaan na binubuo ng isang pamayanang pampolitika na nakatira sa ilalim ng iisang sistema ng pamahalaan.[1] Ang mga estado ay maari o di maaring malaya. Halimbawa, mga kasapi ang mga estadong pedaratibo ng isang unyong pederal, at maaring may bahagyang kalayaan lamang, ngunit mga estado sila.[1] May mga estado na nasa sa ilalim ng panlabas na soberanya o pananakop, kung saan nakasalalay ang hantungang kalayaan sa ibang estado.[2] Ang mga estadong may soberanya o kalayaan ay tinatawag na mga malayang estado.

Maaring tumukoy din ang "estado" sa isang sekular na sangay ng pamahalaan na nasa loob ng estado,[3] na kadalasang ginagamit upang ipagkaiba sa mga simbahan at institusyong sibilyan.

Maraming mga lipunan ng tao ang pinamahalanan ng estado sa nakaraang libo-libong taon, ngunit marami ang naging lipunang walang estado. Sa paglipas ng panahon, may mga iba't ibang anyo ang nabuo na ginagamit ang pagbibigay ng katuwiran sa lehitimong pagkabuo nila (katulad ng dibinong karapatan ng mga hari, teoriya ng kontratang panlipunan, atbp.). Sa ika-21 siglo, ang makabagong bansang-estado ang namamayaning anyo ng estado na kung saan ang tao ang sumasailalim.

Elemento ng estado

baguhin

Ang isang estado ay nagtataglay ng apat na mahahalagang elemento:

Ang estado ay maaring mayroong populasyon ng tao na libo lamang ang dami.

Estado-Bansa

baguhin

Ang mga estado ay maaring ipagkaiba sa konsepto ng isang "bansa", kung saan tumutukoy ang "bansa" sa isang pamayanan ng taong pang-kalinangan at pampolitika.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Thompson, Della, pat. (1995). "state". Concise Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-9th (na) edisyon). Oxford University Press. 3 (also State) a an organized political community under one government; a commonwealth; a nation. b such a community forming part of a federal republic, esp the United States of America{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Halimbawa, opisyal na tinutukoy ng Vichy France (1940-1944) ang kanyang sarili bilang l'État français (ang estadong Pransya).
  3. https://mises.org/pdf/anatomy.pdf