Stefania Turkewich

Si Stefania Turkewich-Lukianovych (Abril 25, 1898 – Abril 8, 1977) ay isang Ukranyong kompositor, pianista, at musikalogo, kinikilala bilang kauna-unahang babaeng kompositor ng Ukranya.[1] Ang kanyang mga gawain ay pinagbawalan ng mga Sobyet sa Ukranya.

Stefania Turkewich-Lukianovych
Kapanganakan
Stefania Turkewich

Abril 25, 1898
KamatayanAbril 8, 1977
EdukasyonPamantasan ng Lviv, Konserbatoryo ng Lviv, Konserbatoryo ng Berlin
Trabaho
Aktibong taon1920's–1970's
AsawaRobert Lisovskyi; Narcyz Lukianowicz (Нарциз Лукіянович)

Pagkabata

baguhin

Ipinanganak si Stefania sa LvivAwstrya-Unggaryo. Ang kanyang lolo na si Lev Turkevich, at ang kanyang ama na si Ivan Turkevich ay mga pari. Ang kanyang ina na si Sofia Kormoshiv ay isang piyanista at nag-aral kasama si Karol Mikuli at Vilém Kurz, at sinamahan din ang batang Solomiya Krushelnytska.[2]:7 Ang buong pamilya ay mahiling sa musika at lahat ay tumugtog ng isang instrumento. Tumugtog ng pyano, alpa, at armonyo si Stefania. Nang maglaon, naalaala ng kompositor ang kanyang pagkabata at ang kanyang pagmamahal sa musika:

Sa gitna ng lahat ay ang aking ina, na tumugtog ng isang kahanga-hangang piano. Noong bata palang ako, gustong-gusto kong makinig sa kanyang pagtugtog. Pagkatapos, sinimulan namin ang isang salon orchestra sa aming tahanan. Tumugtog kami ng ganito: tatay sa bass…, nanay ko sa piano, Lyonyo sa cello, ako sa harmonium, si Marika at Zenko … ay sa mga biyolin. Nagsimula na rin si Tatay ng isang koro ng pamilya. Ito ang mga unang hakbang namin sa mundo ng musika. Si Itay ay hindi kailanman nagtipid sa pera o gumawa ng mga dahilan pagdating sa aming buhay pangmusika.[2]:23

Pinag-aralan

baguhin

Sinimulan ni Stefania ang kanyang mga pag-aaral sa musika kasama si Vasyl Barvinsky. Mula 1914 hanggang 1916, nag-aral siya sa Vienna bilang pianist kasama si Vilém Kurz. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, nag-aral siya kasama si Adolf Chybiński sa Pamantasan ng Lviv, at dumalo rin siya sa mga lektura sa teorya ng musika ni Chybiński sa Konserbatoryo ng Lviv.[2]:10

Noong 1919 isinulat niya ang kanyang unang gawaing pangmusika – ang Liturhiya, na ilang beses na ginampanan sa St. George’s Cathedral sa Lviv.[3] Noong 1921 nag-aral siya kasama si Guido Adler sa Pamantasan ng Vienna at si Joseph Marx sa University of Music and Performing Arts Vienna, kung saan siya nagtapos noong 1923 ng Diploma ng Guro.[3]

Noong 1925, pinakasalan niya si Robert Lisovskyi at naglakbay kasama niya sa Berlin kung saan siya nanirahan mula 1927 hanggang 1930 at nag-aral kasama sina Arnold Schoenberg at Francz Schreker.[2]:14 Sa panahong ito, noong 1927, isinilang ang kanyang anak na si Zoya (Зоя).[4]

Noong 1930, naglakbay siya sa Prague, Czechoslovakia, para mag-aral kasama si Zdeněk Nejedlý sa Charles University, at si Otakar Šín sa Konserbatoryo ng Prague. Nag-aral din siya ng komposisyon kasama si Vítězslav Novák sa akademya ng musika. Noong taglagas na taon 1933 nagturo siya ng piano at naging tagasaliw sa Konserbatoryo ng Prague. Noong 1934, ipinagtanggol niya ang kanyang disertasyong doktoral sa paksa ng alamat ng Ukranya sa mga opera ng Russia.[2]:15 Natanggap niya ang kanyang titulo ng doktor sa musikalolohiya noong 1934 mula sa Ukranyong Libreng Unibersidad sa Prague. Siya ang naging kauna-unahang babae mula sa Galicia (na noon ay bahagi ng Poland) na nakatanggap ng Ph.D.

Pagbalik sa Lviv, mula 1934 hanggang sa simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig siya ay nagtrabaho bilang isang guro ng teorya ng musika at piano sa Konserbatoryo ng Liviv, at naging kasapi ng Union of Ukrainian Professional Musicians.[3]

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

baguhin

Noong taglagas ng taong 1939, pagkatapos ng pananakop ng Sobyet sa Kanlurang Ukranya, Nagtrabaho si Stefania bilang isang tagapagturo at tagapangasiwa sa Lviv Opera House, at mula 1940 hanggang 1941 ay kasamang propesor sa Konserbatoryo ng Lviv. Pagkatapos ng pagsasara ng Konserbatoryo, na may pananakop ng Alemanya, nagpatuloy parin siya sa pagtuturo sa State Musical School. Noong tagsibol ng taong 1944, umalis siya sa Lviv patungo sa Vienna.[3] Tumakas mula sa mga Sobyet, noong 1946, lumipat siya sa timog Awstrya, at mula roon hanggang Italya, kung saan ang kanyang pangalawang asawa na si Nartsiz Lukyanovich, ay isang manggagamot sa ilalim ng utos ng Britanya.[5]

Mga komposisyon

baguhin

Mga gawang simponiko

baguhin
  1. Симфонія – Symphony no. 1 – 1937
  2. Симфонія no. 2(a) – Symphony no. 2(a) – 1952
  3. Симфонія no. 2(b) (2-гий варіант) – Symphony no. 2(b) (2nd version)
  4. Симфонієта – Symphoniette – 1956
  5. Три Симфонічні Ескізи – Three Symphonic Sketches – 3-го травня, 1975
  6. Симфонічна поема – Symphonic Poem «La Vitа»
  7. Space Symphony – 1972
  8. Суіта для подвійного струнного оркестру – Suite for Double String Orchestra
  9. Fantasy for Double String Orchestra

Mga balete

baguhin
  1. Руки – The Girl with the Withered Hands – Bristol, 1957
  2. Перли – The Necklace
  3. Весна (Дитячий балет) – Spring – (Children's Ballet) 1934-5
  4. Мавка (a) – Mavka – ‘The Forest Nymph’ – 1964-7 – Belfast
  5. Мавка (b) – Mavka – ‘The Forest Nymph’ – 1964-7 – Belfast
  6. Страхопуд – Scarecrow – 1976
  1. Мавка – Mavka – (hindi natapos) batay sa Kanta ng Kagubatan ni Lesia Ukrainka

Opera ng mga Bata

baguhin
  1. «Цар Ох» або Серце Оксани – Tsar Okh or Heart of Oksana – 1960
  2. «Куць» – The Young Devil
  3. «Яринний городчик» – A Vegetable Plot (1969)

Mga akda ng koral

baguhin
  1. Літургія 1919
  2. Psalm to Sheptytsky (Псалом Шептицькому)
  3. До Бою
  4. Триптих
  5. Колискова (А-а, котика нема) 1946

Chamber – Mga gawaing nakasangkapan

baguhin
  1. Соната для скрипки і фортепіано 1935 – Sonata for violin and piano
  2. (a) Cтрунний квартет 1960 – 1970 – String quartet
  3. (b) Cтрунний квартет 1960 – 1970 – String quartet
  4. Тріо для скрипки, альта і віолончела 1960 – 1970 – Trio for Violin, Viola and Cello
  5. Квінтет для двох скрипок, альта, віолончела фортепіано 1960 – 1970 – Piano Quintet
  6. Тріо для флейти, кларнету, фагота 1972 – Wind Trio

Mga gawaing piyano

baguhin
  1. Варіації на Українську тему 1932 – Variations on a Ukrainian Theme
  2. Фантазія: Суїта фортепянна на Українські теми – Fantasia: Suite for Piano on Ukrainian Themes 1940
  3. Імпромпту – Impromptu 1962
  4. Гротеск – Grotesque 1964
  5. Гірська сюїта – Mountain Suite 1966 – 1968
  6. Цикл п’єс для дітей – Cycle of Pieces for Children 1936 – 1946
  7. Українські коляди та щедрівки – Ukrainian carols and Shchedrivka
  8. Вістку голосить – Good Tidings
  9. Christmas with Harlequin 1971

Iba't ibang gawa

baguhin
i. – Серце – Heart – Solo voice with orchestra
ii. – Лорелеї – Lorelei – Narrator, Harmonium and Piano 1919 – mga salita ni Lesia Ukrainka
iii. – Май – May – 1912
iv. – Тема народної пісні – Folk Song Themes
v. – На Майдані – Independence Square – piano piece
vi. – Не піду до леса з конечкамі – Лемківська пісня – Lemky song for voice and strings

Pamana

baguhin

Ang kanyang mga komposisyon ay moderno, ngunit alalahanin ang mga katutubong awit ng Ukranya kapag ang mga ito ay hindi ekspresyonistiko. Nagpatuloy siya sa pag-compose noong 1970s. Namatay si Stefania Turkevich noong ika-8 ng Abril 1977, sa Cambridge, Inglatera.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Ukrainian Art Song Project – Stefania Turkewich". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Pavlyshyn, Stepaniya Stefanivna. The first Ukrainian female composer: Stefania Turkevich-Lisovska-Lukiyanovych, BaK, Lviv 2004.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Роман Кравець. "Українці в Сполученому Королівстві". Інтернет-енциклопедія. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-04-27. Nakuha noong 2018-08-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Зоя Робертівна Лісовська-Нижанківська, the Encyclopedia of Modern Ukraine" (sa wikang Ukranyo). Nakuha noong 2018-12-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Narcyz Lukianowicz (Нарциз Лукіянович)".

Mga palabas na kawing

baguhin