Prepusyo ng titi

(Idinirekta mula sa Suklob ng titi)

Ang prepusyo o suklob sa ulo ng titi ay isang nababawing dalawahang-patong na tiklop ng balat at mukosang lamad (membranong mukosa) na tumatakip sa ulo ng titi o burat[1] (sa Ingles: glans penis) at nagsasanggalang sa yurinaryong meyatus (panlabas butas ng yuretra) kung hindi nakatayo ang titi. May prepusyo ang halos lahat ng mga mamalya, bagaman sa mga kasong hindi-tao ay isang bayna o lalagyan ang prepusyo, kung saan nababawi ang buong titi. Ang mga monotremo (ang platipus at ang ekidna lang ang walang prepusyo).[2]

Prepusyo ng titi

Malawakang nasasakop din ng salitang prepusyo ang prepusyo ng tinggil ng mga babaeng tao, na siyang katumbas ng prepusyo ng titi.

Ang prepusyo ng tao

baguhin

Paguuwiat

baguhin
 
Prenyulum

Sa mga tao, katulad ng balat sa kahabaan ng titi ang nasa labas ng prepusyo, subalit lamad na mukosa ang nasa loob ng prepusyo (katulad ng nasa loob ng pilik-mata o ng bibig). Katulad ng pilik-mata, malayang makagagalaw ang prepusyo. Mga malalambot na himaymay ng laman ang nakapagpapanatili sa pagkakalapit nito sa ulo ng titi subalit nagagawa itong lubos na elastiko.[3] Nakakabit ang prepusyo sa ulo ng titi na may prenyulum na tumutulong sa pagbawi ng prepusyo sa ibabaw ng ulo ng titi. Mayroong isang pulutong ng mga tisyung tinatawag na tugatog o palupo ng pulutong, na batay sa isang pag-aaral, ay puno ng mga dulo ng mga ugat-pandamang kilala sa pangalang mga korpusel ni Meissner.[4] Ayon sa isang pag-aaral ni Sorrells (at iba pa), ang limang pinakasensitibong lugar sa titi ay nasa prepusyo.[5]

Sa mga kabataan, tinatakpan ng prepusyo ang buong ulo ng titi, subalit hindi kailangang ganito sa mga nakatatandang tao. Napag-alaman ni Schöberlein [6] na buo ang pagkakakubli ng prepusyo sa ulo ng titi sa may mga limampung bahagdan ng mga nakakababatang lalaki, 42% ang bahagi lamang ng ulo ng titi ang natatakpan ng prepusyo, at hindi natatakpan ng prepusyo ang ulo ng titi sa natitirang 8%. Matapos iayos para sa pagtutuli, sinabi ni Schöberlein na kaagarang kumikibal o umiikli o umuurong ang prepusyo sa 4% ng mga nakababatang lalaki.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Foreskin, bumabalot sa burat - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.,
  2. "Sistemang Reproduktibo". MSN Encarta. Seattle, Washington (WA), Estados Unidos: Korporasyong Microsoft. 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-31. Nakuha noong 2007-10-12.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lakshmanan, S; Prakash, S (1980). "Prepusyo ng tao - istruktura at tungkulin". Indian J Surg. 44: 134–7. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-20. Nakuha noong 2007-10-12.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cold, CJ; Taylor, JR. "Ang prepusyo". BJU Int. 83 Supp 1: 34–44. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-27. Nakuha noong 2007-10-12.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Sorrels, Morris; James L. Snyder, Mark D. Reiss, Christopher Eden, Marilyn F. Milos, Norma Wilcox at Robert S. Van Howe. (2007). "Fine-touch pressure thresholds in the adult penis (Hangganan ng mahinang-lakas na dampi sa titi ng may gulang na tao)" (PDF). BJUINTERNATIONAL. 99: 864–869. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-10-07. Nakuha noong 2007-10-12.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  6. Schöberlein circumcision taboos. Phimosis frenulum and foreskin conditions, phimosis and male initiation. (Mga ipinagbabawal sa pagsusunat. Pimosis prenyulum at mga kalagayan ng prepusyo, pimosis at pagpapasimula sa mga kalalakihan.

Tingnan din

baguhin